Skip to playerSkip to main content
Arraignment para sa mga kasong grave threats ni VPSD sa QC RTC, ipinagpaliban dahil sa inihaing mosyon; VPSD, naghain ng mosyon na may kaugnayan sa grave threats case na isinampa laban sa kanya; PAGASA: 2 LPA sa labas ng PAR, walang epekto sa Habagat; Habagat, magpapaulan muli sa Luzon at Visayas; Landslide, naitala sa Brgy. Abuyo; PCG: 2 pasahero sa manifesto ng barko, hindi nakasakay nang maglayag ito pa-Coron, Palawan; 84, hinahanap


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:43Mahal ko kayo. Hindi ko magawang umalis. Hindi ko magawang tumahimik na lamang dahil nakikita ko kayong lumalangoy sa baha.
01:00Dahil nakikita ko kayong hirap na hirap para sa inyong pamilya.
01:06Patuloy tayong manawagan ng paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay Bongbong Marcos.
01:17Mahal ko kayo! Mahal ko kayo! Mahal ko kayo! Mahal ko kayo!
01:27Isay! Umalis ka dyan!
01:33Sinusubukan pa namin kunan ng komento ang Pangulo o ang Malacanang tungkol sa pahayag na yan ng BICE.
01:42Kumuha tayo ng iba pang update mula sa Quezon City Hall of Justice. May ulat on the spot si Marisol
01:47Abduraman.
01:48Marisol!
01:52Raffi, kasama nga ni Vice President Sara Duterte ang kapatid na si Congressman Paulo Duterte nang dumating kanina dito sa
01:59Quezon City RTC.
02:01Paliwanag ng abogano ni VP na si Atty. Paul Lawrence Lim, dumating dito ang BICE dahil kailangan naman daw talagang
02:06humarap ang akusado sa mga arraignment.
02:09Sabi ni Lim, kahit naman daw kine-question nila ang jurisdiction ng korte.
02:12Sa kaso ng Vice President, tumatalima naman daw sa batas ang BICE.
02:16Isa raw sa mga rason ang kanilang sinabi sa QC RTC ay ang pag-question nila sa jurisdiction na nakahain
02:23sa Korte Suprema.
02:24Narito ang pahayag ni Atty. Lim.
02:27Medyo sensitivo rin kasi yung motion saka out of respect na rin sa ating hukom saka sa proseso ng korte.
02:35Hindi ko masasabi po yung nature ng aming motion pero kabilang na doon sa mga hiningin namin yung ipagpaliban muna
02:40or i-defer yung kanyang arraignment habang pinag-aaralan ng huwes yung motion.
02:46So pinagbigyan naman niya yung pag-defer.
02:52Sabi na Eternally, naka-naghain na sila sa ESI ng Petition for Saturary and Prohibition na may kasamang hiling para
02:59sa Temporary Restraining Order at Treat of Preliminary Mandatory Injunction para pigilan ang pagdinig dito sa QC RTC.
03:06Sabi naman ni DOJ Spokesperson Paulo Martinez, iginagalang nilang desisyon ng RTC na ipagpaliban ang arraignment ng BICE dahil sa
03:14nakahainmosyon ng depensa.
03:16Hahayaan daw nilang gumulong ang judicial process at hindi na muna magbibigay na yung mapangkumento.
03:22Dahil nga postpone ang arraignment, nakalabas din agad ng Quezon City Hall of Justice ang BICE.
03:27At kanina nga Ravis ang panayam ng media sa kanya, sinabi niyang okay naman daw siya basa protektado lang ang
03:32kanyang ina at mga anak.
03:34Hanggang ngayon, hindi pa rin daw ligtas ang kanyang pakiramdam at patuloy daw na nakakaranas ng harassment na nagsimula parao
03:41noong 2023 pa.
03:42Na ito ng BICE sa reaksyon niya sa pagbasura nga ng Office of the City Prosecutor's Office ng Taguig sa
03:49reklamo niyang perjury laban kay Ramil Madriaga.
03:51Sabi ni Duterte, makikita raw ang pattern na kapag nagsisinungaling raw ang tao o ang kidnapper ay okay lang daw
03:59sa makatutulong sa political harassment laban sa kanya.
04:03Sa issue naman ng threshold sa impeachment court, na-desisyon na na raw ito ayon kay VP noong una pa
04:08lang daw na susundin ang konstitusyon.
04:11Hinihinga namin ng komento ang BICE sa sinabi ni DILG Secretary John B. Cremulia na gusto niya ng drama.
04:17Sagot ng BICE, si Cremulia raw ang may gusto ng drama at saka yung totoong drama raw ay yung pag
04:22-aresto kuno kay dating Speaker Martin Romualdez.
04:27Raffi, matapos ngayon ang ating maiksing panayam ay saglit na kinausap ng BICE ang kanyang mga taga-suporta na nagsagawa
04:33ng pagkilos dito sa harap mismo ng Call of Justice.
04:36Pero itinaboy din sila ng mga pulis kasi naglatag sila ng mga banners na mahigpit na ipinagbabawal dito. Raffi.
04:44Maraming salamat, Marisol Abdo naman.
04:48Mga kapuso, magpapaulan pa rin po ang habagat sa Luzon at Visayas ayon sa pag-asa.
04:54Mas makakaasa naman ng maayos at maaraw na panahon ang Mindanao pero posible pa rin po eh ang mga local
05:00thunderstorm.
05:01Wala namang epekto sa hanging habagat ang dalawang binabantayang low pressure area na nasa labas pa ng Philippine Area of
05:08Responsibility.
05:09Ang isang LPA ay namataan po mahigit sang libong kilometro kanluran ng southwestern Luzon nasa West Philippine Sea.
05:17May katamtaman itong tsansa na maging isang bagyo pero patungo po ito ng Vietnam.
05:21Ang pangalawang LPA naman ay mahigit dalawang libong kilometro ang layo sa silangan ng Visayas.
05:28Mababa naman ang tsansa nitong maging bagyo.
05:30Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Palawan.
05:34Asahan ang thunderstorms hanggang pasado alas 12 ngayong tanghali.
05:39Inaalerto ang mga residente sa Bantanang Baha o Landslide.
05:43May thunderstorm watch naman sa Occidental Mindoro, Palawan, halos buong Visayas, northern Mindanao at Davao Region.
05:50Musible ang mga biglaang ulan na may pagkulog, pagkidlat hanggang alas 10 mamayang gabi.
05:58Nagka-landslide sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya kasunod ng pagulan.
06:03Kumambalam ang putik at mga nabual na puno sa kalsadang sakop ng sityo de Ballyagao sa barangay Abuyo.
06:09Walang naiulat ng saktan sa insidente.
06:12Sa barangay Marikit, nasira ng rumaragas ang ilog ang overflow bridge.
06:16Kasunod ng malakas na ulan.
06:18Inaayos na yan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
06:22Light vehicles muna ang pwedeng dumaan sa overflow bridge.
06:26Ayon sa pag-asa, malakas na habagat ang nagpaulan sa Nueva Vizcaya.
06:33Dalawang pasaherong nakasulat ang pangalan sa manifesto ng nasunog na barkong MV June Astor
06:39ang hindi nakasakay na maglayat ito papuntang Koron, Palawan ayon sa Philippine Coast Guard.
06:44Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Commodore Noemi Kayabyab,
06:49nag-report sa mga otoridad ang sinasabing mga pasahero.
06:52Dahil diyan, 84 na lamang ang potentially missing mula sa inisyal na 86.
06:57Tuloy pa rin po ang search and rescue operations at pag-iimbestiga sa sanhi ng apoy.
07:03Sabi pa ni Kayabyab, lumanabas na hindi overloaded ang barko ng maglayag ito.
07:08Ayon naman sa Atienza Inter-Island Ferries Incorporated na shipping line ng barko,
07:14nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad para matukoy ang nitsya ng apoy.
07:18Nangako rin sila ng full transparency.
07:21Hindi raw mapuputol ang paghahanap pa sa mahigit 80 nawawala.
07:25Binigyan na raw ng kaukulang atensyong medikal ang 43 nailigtas.
07:30Nag-deploy na rin daw sila ng specialized care teams
07:33para alalayan ang pamilya ng mga nakaligtas at nawawala.
Comments

Recommended