Skip to playerSkip to main content
2 Pilipinong sundalo, sugatan nang hatawin ng baton ng China Coast Guard; PH Navy boat, nasira


Matapos gawing unggoy ang mga Pilipino sa isang AI-generated video ng isang Chinese media, panibagong pangha-harass naman ang ikinasa ng kanilang Coast Guard sa mga sundalong Pilipino sa West Philippine Sea.


Iyan ay nang mauwi sa panghahataw ng baton ang kalmadong pagtaboy sa mga Chinese na umikot sa BRP Sierra Madre para kumuha ng mga litrato at video.


Sugatan ang dalawang sundalong Pilipino at nasira din ang rubber boat ng Navy.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00After following a Filipino sa A1 generated video
00:06ng isang Chinese media,
00:08panibagong pangaharas naman ang ikinasanang kanilang Coast Guard
00:12sa mga Sundanong Pilipino sa West Philippine Sea.
00:15Yan ay nang mauwi sa pangahataw ng baton
00:18ang kalmadong pagtaboy sa mga Chinese na umikot
00:20sa BRP Sierra Madre para kumuha ng mga litrato at video.
00:24Sugataan ang dalawang Sundanong Pilipino
00:27at nasira rin ang rubber boat ng Navy.
00:30Nakatutok si Jonathan Andal.
00:36Hampasan ng sagwan at baton ang nakunan sa videong ito
00:40sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy.
00:43Kuha ito ng Philippine Navy sa Yungin Shoal sa West Philippine Sea kanin ng umaga
00:47kung saan matatagpuan ang BRP Sierra Madre na outpost ng Philippine Navy.
00:52Ang nasa mas malaking motorboat, ang Panig ng China.
00:56Ang nasa mas maliit naman na rubber boat, ang mga taga-Philippine Navy.
01:00Lamang sa dami ang mga taga-China Coast Guard.
01:02Gamit ang kanilang malaking motorboat at mas mahabang mga pamalo
01:06na itulak nila palayo ang mas maliit na rubber boat ng Philippine Navy.
01:10Sabi ng Armed Forces of the Philippines na naglabas ng video
01:13na hataw sa ulo ang isang Pilipinong sundalo
01:16matapos tamaan ng baton na kahoy ng Chinese Coast Guard.
01:20Sugatan ang ulo ng sundalo na binigyan daw agad ng atensyong medikal
01:24pero pinag-aaralan kung kailangan na ang medical evacuation.
01:28Pati raw rubber boat ng Philippine Navy na sira sa gitna ng gulo.
01:32Dalawang tropa natin na injured.
01:34Yung isa required four stitches sa kanyang ulo,
01:37almost two inches yung haba ng kanyang sugat.
01:40Yung isa sa braso, sapat ng kamay niya sa mga daliri.
01:43Sapatkat sinasaga niya ang hampas sa kanila.
01:45Kwento ng AFP, mula sa Chinese Coast Guard ship na may bow number 21560,
01:51pinakawalan ng China ang rigid hull inflatable boat na may walong sakay.
01:56Pinaikutan at kinunan daw nito ng litrato at video ang BRP Sierra Madre.
02:00Ito ang kinakalawang na barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal
02:04na may nakaistasyong mga Pilipinong sundalo.
02:07Para raw itaboy ang China,
02:08naglabas ng dalawang rubber boat sa mga sundalong Pinoy
02:10pero kalmado at hindi raw confrontational ang ginawa nilang pagpapaalis.
02:15Pero sinuunang nang hampas?
02:17Yung China Coast Guard personnel.
02:19Makita naman natin sa video,
02:21marami siyang humahampas.
02:23Yung ating mga kasundaluhan,
02:24we're purely defensive.
02:26Na pangsanggalang, para huwag na siya matamaan.
02:30Tinawag ng AFP na assault ang ginawa ng China Coast Guard
02:33na inilagay raw sa balag ng alangani ng buhay ng mga Pilipinong sundalo
02:38at nagpataas ng tensyon sa West Philippine Sea.
02:41Sabi ng AFP,
02:42sa kabila ng tinawag nilang karahasan
02:44na natiling profesional, disiplinado
02:46at sumunod sa rules of engagement
02:48ang mga Pilipinong sundalo
02:50habang ginagampana ng kanilang misyon
02:52sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
02:56Panawagan ng AFP sa China
02:57itigil na ang iligal, agresibo
03:00at mapanlinlang na kilos sa West Philippine Sea.
03:03At sumunod sa 2016 Arbitral Award
03:06na iginigit ang karapatan ng Pilipinas
03:08sa naturang karagatan sa ilalim ng international law.
03:11Itong mga ganitong actions ng China Coast Guard
03:13are totally irresponsible.
03:16They are unprofessional.
03:18They don't speak of what the Chinese Communist Party
03:23has been saying
03:24that they are for the peaceful rise of China.
03:28Their actions on the ground show otherwise.
03:30Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag
03:32ang Chinese Embassy sa Maynila tungkol dito.
03:34Sabi ng Department of Foreign Affairs,
03:37anumang marahas na aksyon laban sa Filipino personnel
03:39ay hindi katanggap-tanggap.
03:41May karampatang diplomatic aksyon daw kaugnay nito.
03:44Nakikipag-ugnayan na raw sila sa AFP
03:46sa detalya ng insidente.
03:48Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended