00:00Nasa bansa ngayon para sa tatlong araw na port call ang isa sa pinakamalaki at pinakamodernong patrol vessel ng Japan
00:08Coast Guard.
00:09Nakatakda rin silang magsagawa ng Joint Maritime Training Exercise kasama ang Philippine Coast Guard.
00:15At nakatutok si June Benerasyon.
00:21Isa sa pinakamalaki at pinakamodernong patrol vessel ng Japan Coast Guard ang Shikishima.
00:26Dumaong ito sa Pilipinas para sa tatlong araw na port call.
00:30Umaabot sa 150 metro ang haba nito, 17 metro ang lapad at may gross tonnage na 6,500 tonelada.
00:40Bahagi ng armamento nito ang dalawang 40mm cannon at dalawang 20mm cannon.
00:46Dinisenyo rin ang barko upang makapagsakay ng hanggang dalawang helicopter.
00:50May mga kakayahan din itong mahalaga sa maritime law enforcement tulad ng surveillance, search and rescue at iba pang operasyon
00:58sa karagatan.
00:59Pinangunahan ni Vice Admiral Yoshikatsu Yamato, Vice Commandant for Operations ng Japan Coast Guard, ang delegasyon sakay ng Shikishima.
01:07Sa loob ng tatlong araw na port call, kabilang sa mga nakatakdang aktibidad ang courtesy call sa commandant, facility tour
01:14at mga pulong para sa mas malawak na kaoperasyon sa maritime security at safety.
01:19Ang naturang port call ay naglalayon umano na mas mapatibay ang maritime cooperation at friendly relation ng Japan Coast Guard
01:28at ng Philippine Coast Guard.
01:30Kabilang sa inaasaang pag-uusapan nila ang pagpapalakas ng koordinasyon laban sa mga banta sa karagatan.
01:36Tulad ng mga iligal na gawain at insidente yung maaaring makapinsala sa marine environment.
01:42Sa linggo, nakatakdang magsagawa ng joint maritime training exercise sa dagat ang Japan Coast Guard at Philippine Coast Guard.
01:49Magsasagawa sila ng mga anti-piracy exercises.
01:53Hindi lang dito matitest yung capability natin on board and search sa mga barko na mga suspected na merong ginagawang
02:04masama
02:05or merong krimen suspected na may krimen na ginagawa, ay yun nga yung capability natin na pag-adhere or pag
02:15-address sa mga piracy situation.
02:17Katrina Son, Nakatutok 24 Horas