Skip to playerSkip to main content
Napasok na ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection ang loob ng MV June Aster matapos ideklara ang fire out kaninang umaga.


Ang mga kaanak ng mga nawawala pa ring mga pasahero, patuloy na naghihintay ng balita sa lagay ng kanilang mga mahal sa buhay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update naman tayo mga kapuso sa nasunog na barko sa karagatang sakop ng Koron, Palawan.
00:06Napasok na ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection ang loob ng MV June Esther.
00:11Matapos ideklara ang fire out kaninang umaga.
00:14Ang mga kaanak na mga nawawala pa rin mga pasahero,
00:17matuloy na naghihintay ng palita sa lagay ng kanilang mga bakal sa buhay.
00:22Mula po sa Tour de Port sa Koron.
00:24Nakatutok live.
00:25James Agustin.
00:27James.
00:31Emil, patuloy na pinoproseso ng Philippine Coast Guard at PNP Soko
00:35yung mga labi na natagpuan nila ngayong araw doon sa loob ng MV June Esther.
00:40Pero wala pang karagdagan na informasyon na binibigay ang PCG kung ilang bangkay ba yung nakita nila.
00:45Dito naman sa Tour de Port, 8 nautical miles yung layo mula doon sa kasalukuyan lokasyon ng MV June Esther.
00:52Matsyagang naghihintay buong araw ng balita yung mga kaanak na mga nawawala pang pasahero.
00:57Layo yun mama.
01:08Hindi binibitawan ni Feliciano ang pag-asang mahahanap niyang buhay ang anak na si Jay Spencer at manugang na si
01:14Roche.
01:15Pauwi ang dalawa sakay ng MV June Esther para sa palawan manirahan ng masunog ang barko.
01:20Yung gusto ko lang makita kasi yung sumaga yung anak ko sir, okay yung anak ko sir, pagdating nang kuha
01:27sir, pagsali sa barko sir, bakit gano'n nangyari?
01:31Yung pagkiramdam ko sir, dito lang sa gilid ko sir eh, dito lang sa tabi ko sir eh.
01:35Tatlong kaanak rin ni Leoncio ang nawawala.
01:38Pauwi na sila sa Taytay Palawan galing Maynila na mangyari ang trahedya.
01:41Napaka sakit yun sa mga pamilya niya doon, yung mga asawa doon, hindi na raw halos kumakain yun eh.
01:46Hindi na raw makausap yung mga asawa ng kon.
01:50Saka yung mga kapatid.
01:51Ang ala ng Panginoon Diyo, siyempre, yun talaga nagpapalakas na ng kon na makita pa sila na buhay,
01:59na may nagro pang kung saan sila na padpad lang o kaya nandyan lang sa barko pa na buhay pa.
02:05Labing walong pamilyang nasa covered court ng barangay Turda ngayong araw para hanapin ng mga nawawala nilang kaana.
02:12Isa-isa silang kinakausap ng mga social worker.
02:29Kaninang umaga, napasok na ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection ng barko.
02:33Idiniklarang fire out bandang alas 10.15 ng umaga.
02:36Sumiklab ang apoy sa ngayon sunog na sunog na barko noong martes ng gabi sa karagatan ng Koron, Palawan.
02:42Nagsagawa rin ang aerial survey ang PCG.
02:44Sa Regional Evacuation Center na nanatili ang labing isa sa mga nakaligtas.
02:48Si Richard nagtamo ng second degree burn sa kanang braso.
02:52Nadilaan din ang apoy ang kanyang buho.
02:54Nakatambay raw sila sa likuran ng barko na mangyari ang sunog.
02:57Mabilis na pangyayari lang. Simpleng ngusok lang nagumpisa.
03:00Galing sa iba ba.
03:01Hanggang sa segundo lang nakalipas, may sumirit na parang ano.
03:07Tapos biglang sabog.
03:09Biglang galat ng apoy.
03:11Tapos pag galat ng apoy, nagtalunan na kami.
03:15Tapos pag tapos namin tumalon, yun, dun na sumabog yung barko.
03:22Tapos nasa tubig ako, may ilang taong tumalon, noong nag-apoy na yung katawan.
03:26Tumagal ng halos dalawang oras bago siya nailigtas sa mga mga ingisda.
03:30Sa barko pa lang po, yun yung inisip ko.
03:32Di baling sa tubig na lang po, mamatay. Huwag na sa apoy.
03:36Kabilang din sa mga nakaligtas ang chief engineer ng barko,
03:39na si Danilo na nagtamo ng paso sa kaliwang binti.
03:41Nakukita ko sir yung apoy, sir. Dito na sa starboard.
03:44Kasi papunta yung apoy, sa lubong namin eh.
03:46Kasi yung hangin eh, so tumatakbo pa kami.
03:48Sipre papunta sa amin yun.
03:50Nag-decide ako, kuhan na talaga, dumaan sa railing.
03:54Yung tali doon sa trapal, yun ang ginamit ko, makababa ako.
03:59Gumamit siya ng life raft kasama ang isa pang tripulante at dalawang pasahero.
04:03Labimpito naman sa mga nakaligtas ang nagpapagaling pa sa dalawang ospital.
04:07Ayon sa Coron LGU, dalawa sa mga ito'y turisa na galing sa Chile.
04:12Karamihan po kasi sa mga pasahero po natin, nagkaroon po ng mga sunog po sa iba't ibang parte,
04:17o paso sa iba't ibang parte ng katawan nila.
04:25Samantala, ayon sa PCG, search, rescue, and retrieval operations pa rin yung isinasagawa nila.
04:30Hanggang sa mga oras nito, nandun pa rin sila sa loob ng MB June Aster.
04:34At ayon naman sa Coron LGU, isinasayos na yung lugar kung saan dadalhin yung mga labi kapag na-retrieve mula
04:41doon sa barko.
04:42Yung manilitas, mula po rito sa Coron Palawan. Balik sa iyo, Emil.
04:46Maraming salamat, James Agustin.
Comments

Recommended