00:00Pinayimbestigahan ng Kamara sa Philippine Competition Commission at Energy Regulatory Commission ang posibleng umanong pananamantala ng mga kumpanya ng langis
00:10sa lingguhang taas presyo nito.
00:12Ayon kay Congressman Miro Kimbo, mananagot sa batas ang mga mapapatunayang sangkot dito. Si Vel Custodio sa Sentro ng Balita.
00:24Nananawagan si House Committee on Ways and Means Chairperson Miro Kimbo sa Philippine Competition Commission at Energy Regulatory Commission na
00:33imbestigahan ng posibleng sabwata ng oil company sa lingguhang taas presyo.
00:38Ito ay matapos sabihin ni Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev Secretary Arsenio Balisacan sa Joint Committee
00:46hearing kahapon na dapat tiyaki na regulators ang patas na galaw sa merkado at maiwasan ang cartel-like behavior.
00:54Masusi at mabilisan, ilabas na nila ang kanilang mga findings dyan para makita natin kasi hindi naman siya ganun kahirap
01:01alamin kung may true competition ba.
01:04Binigyang diin ni Kimbo na kahit deregulated ang industriya, may kapangyarihan ng gobyerno laban sa profiteering at anti-competitive practices.
01:13Let it be put on record that the Department of Dep-Dev is not even here. Nauna pang umalis, Mr.
01:24Chair.
01:24Yan ang hinaiing ni Kamanggagawa Partylist Representative Elisan Fernando sa Joint Committee hearing ng Kamara na isa ng ilatag at
01:33pakinggan na mamabatas ang plano ng economic managers patungkol sa isinusulong nilang taasahod.
01:39So yung sa tanong na magkakaroon ba ng public consultation, this is exactly the platform for us to ask questions
01:49and to interpolate ano ba ang plano ng executive patungkol sa mga wage earners natin.
01:58Tiniyak naman ni Representative Kimbo na pagkaaralan ang pagpapatupad ng taasahod pero kailangan din kunin ang panig ng mga pribadong
02:06sektor at regional wage board para rito.
02:09Kailangan din natin makita at ibalance ito kasi baka pag ipilit din natin bigla yung malawak ang pagtaas ng sahod,
02:18e baka maraming kumpanyang, lalungos maraming kumpanyang magsara.
02:23Mataas yung sahod pero kokonti naman ang tumatanggap ng sahod na yun dahil nagsara mga kumpanya, ayaw din natin yan.
02:29Ang problema, lahat ng tao kailangan ng ayuda kung lahat mabibigyan. Pero pinaka problema natin dyan sa ayuda system na
02:35meron tayo, prone to patronage politics yan.
02:39Hindi lahat nabibigyan. Hindi lahat nagiging beneficaryo. Kaya mas gusto ng mga manggagawa, itaas yung sahod.
02:46Inimbitahan naman ang Department of Labor and Employment sa susunod na committee hearing ng Kamara sa lunes para talakayin ang
02:53mga pangangailangan at programa para sa mga manggagawa,
02:56lalo na ngayong may energy emergency.
02:59Inaasahan din na bubuo ng subcommittees o cluster para balangkasin ang mga kinakailangang hakbang ng gobyerno
03:05para mas maging resilient ang ekonomiya kapag may mangyari muli ng oil price shocks.
03:11Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments