00:00Inasa ang malaking tulong sa Pilipinas ang biyahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Canada
00:04para madagdagan ang katuwang na bansa ng Pilipinas pagdating sa iba't ibang narangan.
00:09Ang detail sa report ni Steph Desente ng Radyo of Pilipinas.
00:16Nagsimula na ang apat na araw na official visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Canada
00:21sa kanyang pagdating sa Vancouver.
00:23Ang pagbisita ng Pangulo ay tugon sa opisyal na imbitasyon mula kay Canadian Prime Minister Mark Carney
00:28na layong palakasin pa ang strategic ties sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
00:34Kaugnay nito ay binahagi ni Philippine Ambassador to Canada Jose Victor Chan Gonzaga
00:38sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service na kabilang sa mga inaasahang tatalakay
00:43ni na Pangulong Marcos at Prime Minister Carney sa kanilang bilateral meeting
00:48ang mga usapin sa enerhiya at siguridad.
00:51Kabilang narito ang kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea.
00:54On the security and defense cooperation side, I think alam natin na linagdaan natin
01:00yung Visiting Forces Agreement with Canada.
01:02Napakalaki ng contingent ng Canada in the recent balikatan exercises.
01:06So I think this visit will also be an opportunity to recommit ourselves
01:13to rules-based international order, particularly in ensuring there is freedom of navigation
01:18and there is stability in the Indo-Pacific and particularly in the South China Sea region.
01:23Bukod sa enerhiya at siguridad, inaasahang mapagtutunan din ang pansin
01:27ang mga industriya ng critical minerals, artificial intelligence o AI
01:32at business process outsourcing o BPO.
01:36Ang mga paksang ito ay may malaking epekto at pakinabang hindi lamang para sa Pilipinas
01:40kundi maging sa mga katuwang nitong bansa tulad ng Canada.
01:44We can make the Philippines and Canada natural, reliable supply chain partners
01:51when it comes to critical minerals.
01:53Kasi parehas po tayong very rich in those mineral assets
01:58and pwede tayong magtulungan para makapag-process and refine
02:01and to establish a supply chain that is safe and reliable for us and for our partners.
02:08At ngayong nasa Canada na si Pangulong Marcos, asahan na naibibida ng Pangulo
02:14ang patuloy na paglakas ng ekonomiya ng Pilipinas upang makahikayat ng mga mamumuhunan.
02:20Para sa Integrated State Media, Steph Vicente ng Radyo Pilipinas World Service.
Comments