00:00Lubos ang pasasalamat sa pamahalaan ng ilan nating kababayang overseas Filipino workers
00:05na na-repatriate mula sa tension sa Middle East at ligtas na naiuwi dito sa Pilipinas.
00:12Si Steph Vicente ng Radyo Pilipinas sa Sentro ng Balita.
00:18Pinuri ng ilang repatriated overseas Filipino worker mula Kuwait
00:22ang ating pamahalaan na tumulong upang sila ay makauwi dito sa Pilipinas
00:27sa gitna pa rin ng tensyon sa Middle East.
00:30Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service,
00:33ibinahagi ni Fritzy Yamson Bongar ang mabilis na proseso ng kanyang repatriation pa uwi ng Pilipinas.
00:40Sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Migrant Workers,
00:45Overseas Workers Welfare Administration at ng Department of Foreign Affairs
00:49sa pumagitan ng ating embahada sa Kuwait,
00:52agad na-cancela ang visa ni Fritzy na isa sa requirement para sa kanyang repatriation.
00:59So, after that, hindi pa po cancelled by the way yung visa ko.
01:04So, yun po yung pending ko kasi kailangan nila lang cancellation of my visa.
01:09So, the next day, ayun nga po, nakipag-coordinate ako ng company na kailangan na i-cancel
01:14kasi one of the requirements was the visa cancellation na.
01:19Ah, it's to be cancelled, oo.
01:19Oo, opo.
01:21So, ayun, March 24 and then March 25, nakancel yung visa ko.
01:25Kwento pa ng OFW, makalipas lamang ang 6 na araw matapos magsagot ng mga form para sa repatriation,
01:33ay nakatanggap na siya ng abiso na makakauwi na sila ng Pilipinas.
01:37Marso 24 nang simula niyang asikasuhin ang mga requirement para makauwi sa Pilipinas
01:42at noong Marso at Trenta nang siya'y tinawagan upang kumpirmahin na sila ay makalilipad na paalis ng Kuwait.
01:51And then, I just messaged doon sa one of the personnel doon
01:57and March 30 po ng past 6pm, tinawagan na po ako at sinabi na,
02:05be ready tomorrow, be there in Hawali and kasi aalis na po kayo.
02:10So, meaning in-house for one day and doon sa hotel and the next day, aalis na po kami.
02:17Kasama si Yamsun Bongar sa 177 OFWs at kanilang mga kaanak na dumating dito sa Pilipinas noong Webe Santo, Abril
02:26Ados.
02:27Ayon, sa DMW pagdating ng ating mga kababayan mula sa Kuwait,
02:31ay nabigyan sila agad ng iba't-ibang tulong mula sa ating pamahalaan,
02:35katuwang ang OWA, Department of Social Welfare and Development o DSWD,
02:40at Department of Health o DOH.
02:43Alinsunod yan sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
02:47na tulungan ang ating mga kababayan na apektado ng gulo sa gitnang silangan.
02:52Para sa Integrated State Media,
02:55Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments