00:00Tiniyak ng National Security Council na hindi magtatagumpay ang mga aktividad ng espya o espionage sa Pilipinas.
00:08Nanawagan naman si National Security Advisor Eduardo Año sa publiko na maging mapanuri sa pagtanggap ng mga alok na trabaho
00:16na maaring magtulak sa kanila na maging taksil sa bansa.
00:20Nauna ng kinumpirma ng National Security Council na ilang Pilipino ang umamin sa kanilang pagkakasangkot
00:27sa mga aktividad ng paniniktik na may kaugnayan sa China.
00:31Ayon naman sa Philippine Coast Guard, kabilang sa sensitibong impormasyong umanoy na ilik sa China
00:37ang mga aktividad sa West Philippine Sea gaya ng mga resupply mission.
00:42Samantala, nilinaw ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Jay Tariela,
00:48na ang isa sa mga hinihinalang Pilipinong espya ay hindi kanilang tauhan,
00:53ngunit malapit umano ito sa isang opisyal ng PCG na kasalukoyan ding iniimbestigahan.
Comments