00:00Bukod sa pagpapaiting ng cultural cooperation ng Pilipinas at ng Mexico,
00:05patuloy ang embahada sa pagsasagawa ng mga hakbang para mapalalim ang ugnayan ng dalawang bansa,
00:12si Steph Vicente ng Radyo Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:19Patuloy ang pagsasumikap ng Philippine Embassy sa Mexico upang maisulong sa naturang bansa ang ating kultura at turismo.
00:28Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, ibinahagi ni Consul Ralph Roldan na mayroon silang buwan ng webinar na tinatawag
00:36na La Historia Olvidada
00:38na ang ibig sabihin ay Forgotten History.
00:41Sa pamagitan ng monthly webinar ay lumalalim pang lalo ang ugnayang pangkasaysayan ng Pilipinas at ng Mexico.
00:50Sa mga webinar na ito, binabalik natin yung mga ating mga history at yung ating mga bagay-bagay na nag
00:59-unite sa ating dalawa, sa Mexico at Pilipinas.
01:03Bukod sa inaasahang Memorandum of Understanding na pipirmahan ng Pilipinas at Mexico,
01:09kaugnay ng cultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa,
01:12nabanggit ng konsulado natin na mayroon ding linkages ang mga universidad sa Pilipinas at Mexico
01:19kung saan mayroong Philippine Studies sa National Autonomous University of Mexico o UNAM
01:25na isa sa mga pinakatanyag na universidad sa Mexico.
01:29Pagdating naman sa turismo, ibinahagi ni Consul Roldan na isa ang Mexico
01:33sa mga pinakamalalaking tourism market ng Pilipinas sa Latin America.
01:38Sa katunayan, bumibisita ang ating Department of Tourism sa Mexico upang makilahok
01:43sa mga tourism fair sa naturang bansa tulad ng IBTM Americas.
01:49Nahikita po natin yung strength ng Mexican market kasi malaki po ang bansa ito,
01:55mas malaking population kaya sa Pilipinas at marami na rin po ay may kakayahang bumiyahe.
02:00Yun nga po, medyo may kahirapan, medyo may kalayuan nga din po at wala pong direct flights.
02:07Pero yan po ay pinagtatrabuhan ng ating Department of Tourism.
02:11Sa kabila ng kawalan ng direct flights sa pagitan ng Pilipinas at Mexico,
02:16walang tigil ang mga tourism official ng dalawang bansa
02:19sa pagtuklas ng mga hakbang na magpapalakas ng turismo ng dalawang bansa.
02:24Pagbibigay din ni Consul Roldan, patuloy silang nagtatrabaho sa embahada
02:28upang mapayabong ang potensyal ng Pilipinas bilang isang tourist destination para sa mga Mexicano.
02:36Para sa Integrated State Media,
02:38Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments