Skip to playerSkip to main content
Isa nang upper-middle income country ang Pilipinas, ayon sa World Bank.


Ibig sabihin, lumaki pa ang kita ng bawat Pilipino.


Ito ang problema, concentrated ang malaking kita sa mas kakaunting bilang ng mga Pilipino ayon naman sa hiwalay na pag-aaral.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00One of the upper middle-income countries, the Philippines, is the World Bank.
00:06It means that it's a lot of money for all Filipinos.
00:10This problem is to concentrate on a lot of money for the Filipinos,
00:18according to the study.
00:20This is Bernie DeFrey.
00:25Today, the world has taken notice.
00:28The Philippines has officially become an upper middle-income country.
00:33Masaya itong inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos batay sa pagsusuri ng World Bank.
00:38Upgraded na umano ang Pilipinas mula sa pagiging lower middle-income country
00:43dahil ang gross national income per capita o average umanong kita ng bawat Pilipino kada taon
00:49ay P295,850, lagpas na sa hangganan para matawag na upper middle-income country.
00:57Ibig sabihin, lagpas 24,000 pesos ang average na buwan ng kita ng kada Pilipino.
01:04Sabi ng gobyerno, lumaki ang kita ng bawat Pilipino dahil patuloy na lumago ang ekonomiya
01:10at dahil sa padala ng mga Pilipino abroad.
01:13Our steady economic growth, broadly stable currency, and long-term reforms have strengthened our economy
01:20even amid global uncertainties.
01:23Pero hindi naman lahat ng Pilipino umaabot sa P24,000 pesos ang buwan ng kita.
01:29Nang kwentahin kasi yan ng World Bank, pinagsama-sama ang kita ng lahat ng produkto at serbisyong likha
01:35ng mga Pilipino sa bansa at kita ng mga Pilipino abroad,
01:39tapos hinati yan sa bilang ng mid-year population ng Pilipinas.
01:43Ayon sa DepDev, nananatili pa rin ang mga hamon sa ekonomiya tulad ng income disparity
01:49o hindi pakakapantay ng kinikita at oportunidad ng mga Pilipino.
01:54Kaya naman, prioridad nila ang magiging inklusibo para maramdaman ng bawat Pilipino ang pag-unlad.
02:00Sa hiwalay na pag-aaral sa Pilipinas, wala pang 1% ang mga mayaman at may upper income,
02:07habang mahigit 50% pag pinagsama ang mga mabababa ang sahod at may hira.
02:13Si Rose halimbawa nagtitinda dahil hindi na sumasapat ang kita ng asawang elektrisyan.
02:18Parang hindi ko naman po nararamdaman.
02:20Hanap buhay ng hanap buhay pero ganun pa rin.
02:23Mataas na mga bilihin, pag-aaral yung mga school supply, mataas na din po.
02:29Hindi rin naabot sa P24,000 pesos ang kita ng tricycle driver tulad ni Jerwin.
02:34Ngayon, alos magkano lang naiuwi namin eh, dahil tumas yung mga bilihin, tumas yung gas.
02:43Para naman si estudyanting si Julia, masasabi lang niyang nasa upper middle income tayo kung
02:50Nabibili na po namin yung mga gusto namin na hindi na iniisip kung magkano ba yan o kasama ba sa
02:56budget natin yan.
02:57Kumbaga, may extra pa po sa budget na matitira.
03:01Paliwanag ng isang ekonomista, piling sektor lang ang agad makakaramdam ng pagiging upper middle income ng bansa
03:08dahil pang kalahatang panukat lang naman talaga ang gross national income per capita.
03:14Ang panukat na ginamit ng World Bank ay per capita GNI at hindi nito ginagamit ang mga panukat
03:20katulad ng poverty, hunger, human development index.
03:24Ang ordinaryong Pilipino, ang ginagamit niyang pamantayan ng kaunlaran niya ay ako ba ay nakakabili pa ng aking mga pangunahing
03:32pangangailangan.
03:33Pero ang upgrade na ito sa reputasyon ng Pilipinas, makakatulong naman dahil posibleng dumami ang mamumuhunan,
03:40kaya posibleng dumami ang trabaho sa bansa, bagaman may ilang pautang ang hindi na ma-access ng Pilipinas o mababago
03:48ang mga kondisyon.
03:50Ito ay isang oportunidad na maraming papasok, maaaring pumasok na mas magandang oportunidad dahil mas stable ekonomiya.
03:59Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended