00:001,000,000 katao ang nakiisa sa White Ribbon March para isulong ang accountability, good governance at justicia,
00:07kung saan nanawagan din ang iba't ibang grupo sa naturang aktividad na pairali ng batas para panagutin ang sangkot sa
00:15katiwalian.
00:16Yan ang report ni Gab Villegas.
00:21Pinangunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagsisimula ng aktividad sa pamamagitan ng misa sa Edsa Shrine.
00:28Sa kanyang humiliya, nakasentro ang pagninilay ng obispo sa pagmamahal sa pamilya.
00:34Ayon sa obispo, dapat ilagay sa sentro ng buhay ng bawat isa si Jesucristo.
00:40Ang punto ni Jesus ay ito.
00:46Walang dapat mas mahalaga pa kaysa Diyos at sa kanyang kaharian.
00:55Walang tao, walang bagay, walang ambisyon, at kahit tayo mismo.
01:05Ang dapat ilagay sa sentro ng ating buhay ay walang iba kung hindi ang Panginoong Diyos at ang kanyang kaharian.
01:17Nakikita rin ang obispo na hindi lamang nakaugat sa kahirapan at kakulangan ng oportunidad ang kasamaan,
01:24kundi sa pansariling interes.
01:26Kapag ang isang tao ay puro sarili lamang ang iniisip,
01:34ang kanyang kapakanan, kanyang interes, kanyang kapangyarihan, kanyang pakinabang,
01:43unting-unting nawawala ang malasakit sa iba.
01:50Nagpaalala rin ang obispo sa lahat na magmahal, maglingkod, at magmalasakit sa kapwa.
01:56Ang tunay na buhay ay matatagpuan sa pagbibigay ng sarili para sa Diyos at para sa kapwa.
02:07Ang kabaligtaran ng korupsyon ay hindi lamang katapatan.
02:19Ang mas malalim na kabaligtaran ng korupsyon ay pagmamahal.
02:26Ang taong tunay na nagmamahal ay hindi magnanakaw sa kapwa.
02:35Mula et sa shrine ay nagmarcha na ang iba't ibang grupo patungo sa People Power Monument
02:41para doon ipagpatuloy ang kanilang programa.
02:44Iba't ibang problema na kinakaharap ng bansa tulad ng kahirapan, katiwalian, good governance,
02:50katarungan at accountability ang naging laman ng talumpati ng mga naging tagapagsalita.
02:56Dito ay nanawagan ang mga grupo na panagutin ang mga nagnakaw sa kabang ng bayan
03:01at pairalin ang batas para sa lahat.
03:04Gab Humilde Villegas, para sa bayan.
Comments