Skip to playerSkip to main content
  • 18 hours ago
BIR, nagsagawa ng taxpayer education sa ilang negosyo sa Binondo | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinimustan ng Bureau of Internal Revenue ang ilang negosyo sa Binondo bilang bahagi ng pinaiting na taxpayer education.
00:06Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:10Isang linggo pa lang matapos ang Lunar New Year,
00:13nag-ikot na ang Bureau of Internal Revenue sa ilang tindahan at tiyangge sa Binondo, Manila
00:17para kumustahin at gabayan ang mga negosyo sa tamang tax compliance.
00:22Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza,
00:24bahagi ito ng National Simultaneous Chat Day ng Ahensya o Council Health Assist Taxpayers
00:31na sabay-sabay isinasagawa mula Luzon hanggang Mindanao.
00:34Layon itong palakasin ang taxpayer education,
00:37lalo na para sa micro, small at medium enterprises o MSMEs
00:41na kadalasang wala pang sariling accountant o bookkeeper.
00:45Bagamat marami ng transaksyon ng BIR ang online,
00:48sinabi ng Commissioner na mahalaga pa rin ang personal na pagpunta sa mga establishmento.
00:53We see the value of occasional face-to-face interaction with our taxpayers.
00:59Hindi lamang para turuan sila, kundi para makita rin namin,
01:02personally kami sa BIR, yung rigors na pinagdadaanan nila sa pagnenegosyo nila.
01:08Tinignan ng BIR kung compliant ang mga negosyo sa basic requirements
01:12gaya ng Certificate of Registration, Authority to Print, Books of Accounts,
01:16at tamang pag-i-issue ng sales invoice.
01:18Pero mayroong mga ilang tindahan na may kakulangan sa pag-display ng required notices,
01:23kabilang ang paalala sa customers na humingi ng resibo.
01:26At may mga kaso rin ng maling pag-encode sa journal,
01:29gaya ng pagsasama-sama ng entry sa dulo ng araw,
01:32imbis na hiwaiwalay kada invoice.
01:34Paalala ng BIR, obligado pa rin mag-issue ng sales invoice
01:37kahit hindi ito hinihingi ng customer.
01:40At dapat agad na maitala sa journal ang invoice number at amount
01:43para malinaw ang sales trail at iwas aberya sa compliance.
01:48Samantala, positibo naman ang pagtanggap ng
01:50Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated
01:53sa friendly visit ng BIR sa mga establishmento sa Binondo,
01:58lalo na kung mas nakatuon ito sa paggabay sa mga taxpayer.
02:01I think the commission is very friendly to the taxpayer.
02:08Taxpayers will be willing to pay more for the taxes.
02:12Giit ni Lim, obligado ang mga negosyong nagpaparenta sa mga establishment
02:16tulad ng mga mall ang mga government permit.
02:19At dahil ayon sa batas, dapat nakadisplay ang mga permit
02:23kanya-kanyang style ang mga tindahan sa pagpapaskil.
02:26Meron sa taas ng pinto, ang iba naman sa kisame pa.
02:29Pagdag ng BIR, hindi lang ito pang isang linggong aktividad
02:33dahil regular na ginagawa ang ganitong engagement.
02:36Gusto rin ng ahensya na mabawasan ang takot ng mga negosyante
02:40sa paglapit sa BIR at mas mahikayat silang magtanong
02:44kung may hindi malinaw sa proseso.
02:46Huwag kayong malatakot na lumapit sa BIR, magtanong kayo
02:49at ia-assist namin ko. At yan din ang directive ko
02:52sa lahat ng mga regional directors natin,
02:54sa lahat ng mga revenue district officers natin.
02:56So palagi kong sinasabi sa mga taxpayers,
02:58hindi nyo po kalaban ang BIR,
03:00kakampi nyo po ang BIR, magtulong-tulungan po tayo.
03:03Ayon pa sa BIR, kapag rehistrado at tama
03:06ang pag-i-issue ng invoice,
03:07mas maayos na naitatala ang benta
03:09at mas lumalawak ang tax base ng gobyerno.
03:12Sa ngayon, nananatili sa 3.58 trillion pesos
03:16ang official collection target ng BIR para sa 2026
03:19habang wala pang pinal na abiso sa anumang adjustment.
03:23Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended