00:00Kasamang iaharap ng House Prosecution Panel bilang isa sa kanilang testigo si Mary Grace Piatos
00:05para sa nalalapit na pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
00:11Inaasahang tatayunin bilang witness si Atty. Michael Powa na nagsisilbi ngayon na Spokesperson at Legal Counsel ng BICE
00:17at dati rin naging opisyal ng DepEd.
00:19Ang detalya sa report ni Sheila Natividad.
00:25Ibinunyag ni House Prosecutor at Manila 3rd District Representative Joel Chua
00:29na nasa listahan ng mga testigo ng Prosecution Panel si Mary Grace Piatos
00:34ang isa sa mga kontrobersyal na pangalang tumanggap umano ng confidential funds
00:39noong kalihim pa si Vice President Sara Duterte ng Department of Education.
00:45Matatanda ang 405 sa 677 na mga pangalan na tumanggap umano ng pera mula rito
00:51hindi nakalista sa Civil Registry Records ng Philippine Statistics Authority.
00:56Kasama rito si Mary Grace Piatos.
00:58Pag hindi dumalo, ibig sabihin, eh tama yung teorya natin na talaga namang walang Mary Grace Piatos.
01:04Pag dumalo naman, o subject namin siya sa cross-examination.
01:08Maging si House Prosecutor at Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon,
01:12pabor na lumitaw sa pagdinig si Mary Grace Piatos.
01:16Nasa sentro siya eh. Nung pong kontrobersiya, nung pong paggamit ng confidential funds, no?
01:23Yung existence or non-existence po ni Mary Grace Piatos, yung pong smoking gun,
01:28kung talaga nga bang tama o mali, yung pong paggamit ng confidential funds.
01:33And going back to the COA report, marami po doon ay obviously hindi ho tama ang paggamit.
01:38Pero hindi lang si Mary Grace Piatos ang inaasahang magiging testigo ng prosecution panel.
01:44Kasama rin ang personal na tagapagsalita at legal counsel na VP Sara.
01:49Walang iba, kundi si Atty. Michael Powa.
01:52Kasama noon talaga siya doon sa very relevant witnesses po on how confidential funds
01:57and the entire operations of DepEd and OVP had been undertaken.
02:04So we will subject him to the witness stand.
02:07Sabi rin ni Ridon, pinahihintulutan naman ang prosecution panel na i-cross-examine ang defense team.
02:14Si Powa na rin anya mismo ang nagsabi na hanggat sa klawito ng kanyang naging trabaho
02:18sa Office of the Vice President at DepEd, ay wala siyang magiging pagtutol sa pagiging testigo.
02:23Ang chief of staff naman ng OVP na si Atty. Zuleyka Lopez
02:28napapabalitang magiging testigo rin ng prosekusyon,
02:31hinggil din sa usapin ng confidential funds ng vicepresidente.
02:35Mas mabuti na na sobra yung ating mga testigo
02:39kaysa kung kinailangan namin na sila itawagin
02:41at nagdesisyon kami na sila igagawin namin testigo
02:44tapos hindi namin naisama sa aming pretrial brief,
02:48eh hindi na papayagan.
02:50Sinabi naman ni House Prosecutor at mamamayang Liberal Partilist Rep. Laila De Lima
02:56na walang batayan ang surprise witness claims ng defense team ni VP Duterte.
03:01Giit ni De Lima, walang dapat ikagulat ang defense team
03:05dahil alam naman na ng magkabilang panig kung sino-sino magiging testigo
03:09at alin ang mga ipipresentang ebidensya.
03:12Lalot na pagkasundoan din ang magkabilang panig na magsabi sa isa't isa
03:15tatlong araw bago iharap ang kanika nilang testigo sa trial proper
03:20na hiling mismo ng defense team.
03:22Wala pang linaw sa ngayon kung totoong tao nga ba si Mary Grace Piatos
03:27at kung sino pabukod kina Atty. Michael Powa
03:29ang tetestigo sa panig ng prosecution panel
03:32hinggil sa usapin ng milyon-milyong confidential funds
03:36ng vice-presidente na hindi umano alam kung saan napunta.
03:40Pero ang inaasahan ng taong bayan sa magiging paglilitis,
03:44walang iba kundi ang katotohanan.
03:47Shilan Natividad para sa Bayan.
Comments