Skip to playerSkip to main content
  • 9 minutes ago
Shared Service Facility para sa industriya ng paggawa ng patalim ng Tabaco City sa Albay, binuksan ng DTI | ulat ni Helen Balean - Radyo Pilipinas -Albay

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaasahan naman na uunad pa ang industriya ng pagpapanday sa Tabaco City na kilala sa kanilang mga patalim.
00:08Ito ay dahil binuksan na ang kanilang bagong shared service facility na inaasahan makatutulong para manatiling buhay ang industriya hanggang
00:17sa mga susunod na henerasyon.
00:19Si Helen Balean ng Radyo Pilipinas, Albay, sa Sentro ng Balita.
00:25Kilala ang Tabaco City sa Albay dahil sa paggawa ng mga katlery o mga patalim gaya ng kutsilyo, samurai at
00:33tabak o mas kilala sa tawag na itak.
00:35Kasabay ng pagdiriwang ng Tabac Festival ngayong Hunyo, formal na pinasinayaan ng Department of Trade and Industry o DTI,
00:42katuwang ang lokal na pamahala ng Tabaco City, ang isang shared service facility sa barangay Kobo na siyang sentro ng
00:49katlery industry sa lungsod.
00:51Si Tatay Edelberto na higit limang dekada nang nagpapanday, malaki ang pasasalamat sa tulong na ito ng pamahalaan
00:57dahil mababawasan ang bigat ng kanyang trabaho sa pagbuo ng kanilang produkto.
01:02Pababawasan ng kunti yung lakas na ilalabas namin sa aming katawan kasi mayroon na tayong lumating na machine.
01:11Galing niya sa gobyerno, sa pamahalaan, bigay po sa amin tulong, hindi namin hiningi, hindi binili kusang tulong po nila.
01:18Aabot kasi sa 5 milyong pisong pondo, ang inilaan ng DTI para sa makabagong kagamitan,
01:24kabilang ang anim na set ng forging hammer machine na magpapadali ng produksyon at magpapataas ng kalidad ng katlery
01:31at iba pang metal and crafts sa lungsod.
01:33Inaasa ang mapakikinabangan ito ni Tatay Edelberto at iba pang miyembro ng Tabaco Cutlery Manufacturers Association o TACOMA.
01:41At dahil unti-unti nang nawawala ang mga magpapanday sa lungsod, paraan din ang bagong pasilidad para mahikait ang mga
01:47kabataan na panatilihing buhay ang industriya ng pagpapanday.
01:51Tiniyak naman ang DTI na isa sa ilalim sa training ang mga gagamit ng makinarya at dadaan ang pasilidad sa
01:56safety assessment bago ito formal na buksan sa publiko.
01:59We will invite yung fabricator for a capacity building training para sa mga gagamit ng makina.
02:07Kasi hindi natin basta-basta yan pwedeng i-open without assuring yung safety.
02:12Kaya nga invite namin yung Dole, yung sa occupation na safety para mapag-aralan kung paano mag-prevent yung mga
02:18potential risk during operations.
02:21Sa pamamagitan ng mekanismo at patuloy na suporta ng pamahalaan,
02:25inaasaang mas mapapalakas pa ang industriya ng pagpapanday at patuloy na makikilala ang likha ng mga tabakenyo,
02:32hindi lamang sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa.
02:37Mula rito sa Albay, para sa Integrated State Media, Helen Balea ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments

Recommended