00:00Naasahang mas bibilis pa ang pagresponde sa kalamidad at anumang emergency sa isang island municipality sa Albay.
00:07Ito ay matapos matanggap ng mabarangay nito ang kanilang mga bagong rescue vehicle.
00:12Si Paul Hapin ng Radio Pilipinas Albay sa Sentro ng Balita.
00:18Tuwing may kalamidad at may emergency, mabilis na pagresponde ang isa sa pinakamahalaga,
00:24lalo na sa mga isla gaya ng rapo-rapo sa Albay.
00:27Sa tulong ng mga bagong rescue vehicles, mapaiigting pang lalo ng mga barangay
00:32ang kanilang search and rescue operations at pag-alalay sa kanilang mga residente.
00:58Labing walong rescue vehicles na nagkakalaga ng 29.7 million pesos ang itinurn over sa lokal na pamahalaan ng rapo
01:05-rapo kung saan labing lima rito ay ibinigay sa mga barangay.
01:09Habang ang natitirang tatlo naman ay nakastandby sa munisipyo.
01:13At dahil matagal ng hamon ang kakulangan ng rescue equipment,
01:17lubos ang pasasalamat ng LGU rapo-rapo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa proyektong ito.
01:23Siyempre nagpapasalamat ako kay PBBM Pangulong Bongbong Marcos
01:28kasi itong fund na ito galing pa ito sa Local Government Support Fund year 2025.
01:36So yung past administration bago ako pumalit,
01:40kinontinue ko na lang yung mga program niya.
01:53Pag titiyak pa ng lokal na pamahalaan,
01:56pangangalagaan nila ang mga kagamitang ito para sa pangmatagalang benepisyo ng komunidad.
02:01Alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Marcos na pabilisin ang pagtugon ng mga LGU sa pangangailangan ng mga Pilipino.
02:09Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media,
02:12kasama si Helen Balian, Paul Happy ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments