00:01Ang allegation kahapon ni Sen. Aimee Marcos ang pinagkakaabalhan daw ngayon ng ilang mambabatas.
00:08Impeachment, no elections, term extension.
00:14Ang ugong daw, no-el o no elections sa 2028 at palalawigin ang termino ng Pangulo at mga mambabatas ng
00:22tatlong taon hanggang 2031.
00:25Ito raw ay para makapagsagawa ng charter change o cha-cha.
00:29Kanina, bago lumipad papuntang Japan para sa isang state visit, tinanong ng media ang Pangulo tungkol sa allegasyon ng kapatid
00:36na no-el, term extension at cha-cha.
00:53Bukod sa tila pag-ismid ng Pangulo, wala na siyang ibang isinago.
00:57Ayon kay Palace Press Officer Yusek Ter Castro, susundin ng Pangulo ang batas kabilang na ang pagsasagawa ng eleksyon sa
01:042028.
01:05Meron tayong batas patungkol sa susunod na eleksyon, 2028.
01:09So, nakakasiguro tayo na ang Pangulo ay susunod sa batas.
01:14Ang tanongin nyo, kung si Sen. Aimee ba ay nakakasiguro na ang kanya sinasabi ay totoo, sa kanya inyo itano.
01:20Ang hinala ni Castro, pinalutang ito ni Sen. Marcos para matabunan daw ang ibang issue,
01:26ang paglaho ni Sen. Bato de la Rosa at ang nangyaring kaguluhan sa Senado,
01:31ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
01:35Wala pang ang trial pero parang meron na siyang judgment.
01:37And at the same time, parang mapagtakpan kung ano nangyari talaga sa Senado,
01:42yung papaano pa naitakas o nailabas ni Sen. Robin Padilla, si Sen. Bato.
01:49At kung paano na nagkaroon talaga ng putukon at sino ba talaga ang nagpasimula nito
01:55at kung sino ba talaga ang may kanais na magkaroon ng kanitong klaseng doon.
01:59Hinihingan pa namin ng tugot si Senadora Marcos, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments