00:00Ramdam sa iba't ibang panig ng bansa ang epekto ng Habagat at ng Bagyong Francisco.
00:05Sa barangay Manok-Manok sa isla ng Boracay sa Malay-Aklan,
00:09nalubog sa tubig ang basketball court at ilang eskinita madaling araw kahapon.
00:15Pinasok ng baha ang ilang bahay. Wala namang nasaktan at inilikas dahil sa pagbaha.
00:20Hinahatak ng Bagyong Francisco ang Habagat o Monsoon Rain sa Boracay at ilang pang panig ng Visayas.
00:27Higit na ramdam ang bagyo sa Cagayan. Malalakas ang hampas ng alon habang makulimlim ang panahon doon kahapon pa.
00:35Pinagbabawala na ng Philippine Coast Guard ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat
00:39ang pumalaot o maglayag dahil sa napakasungit na kondisyon sa mga dagat na nasasakupa ng probinsya.
00:47May ganito rin utos sa Batanes.
00:49Kaya ang mga mangingisda sa Basko nagtulong-tulong na sa pagtabi ng kanika nilang bangka
00:54para maiwasang masira ng malakas na bugso ng hangin at hampas ng alon.
01:00Madaling araw kahapon pumalaot pa ang ilang mangingisda sa Lawag, Ilocos Norte dahil maayos pa raw ang panahon.
01:07Laking pasasalamat nila na may mga nahuli pa silang isda.
01:11Dali-dali rin umuwi ang mga mangingisda bandang tanghali dahil sa unti-unting pagsama ng panahon doon.
01:20Dali-dali rin umuwi ang mga mangingisda bandang tanghali dahil sa mga maayos pa raw ang mga.