00:00Hindi katatakutan kung hindi kabanalan ang ipinarad ng aktividad sa world-famous beach na Boracay para sa All Saints Day.
00:10Nagposisyon sa White Beach ang ilan na nagbihis a la Virgen Maria, Reina Elena at ilan pang Santo at Santa.
00:17O Santa, may mga sumali rin na mga taong simbahan gaya po ng Sakristan.
00:22Isinagawa ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish na Boracay,
00:26ang tinatawag nilang Parade of Saints bilang pagbibigay-pugay sa mga banal ng simbahang katolika.
00:33Sa kabila po niyan, may grupo pa rin na nagpaandar ng katatakutan at magbihis ng iba't ibang nakakatakot na character.
00:41Sa Tugigaraw, Cagayan, dumagsa ang mga bata na Contodo Halloween costume.
00:46Pinalibot sila sa iba't ibang Halloween stations sa Kapitulyo ng Cagayan para mag-trick or treat.
00:52May pinili pang bata para sa mga natatanging papremyo.
00:56Ipinasyal din sila sa samagsaring Halloween-themed attractions sa Kapitulyo.