00:04Kwento naman ng magigiting na haligin ng tahanan.
00:08Ang sunod nating kwento, tamang-tama, sa papalapit na Father's Day.
00:13Advance, happy Father's Day to you.
00:16Salamat, ma'am.
00:17Pero mga kapuso, may iba pang ipinagdiriwang ang nakilala naming padre de familia.
00:24Kaggraduate rin kasi ang kanyang anak at siya mismo.
00:28Ah, sabay ah.
00:29Kilalani natin si Ronaldo Tabanao, na nahintuma noon sa pag-aaral,
00:34bumalik pa rin sa eskwela, nagsumikap, at ngayon gagraduate ng junior high school
00:40sa pamagitan niyan ng alternative learning system o ALS
00:44na pwedeng hindi sa classroom at depende sa tugmang schedule ng nag-aaral at nagtuturo.
00:51Hindi po biro yan, lalo't isinasabay din ni Ronaldo ang pamamasada ng tricycle
00:57at pag-aalaga sa pamilya.
00:59Kaya naman, mga kapuso, proud na proud ang kanyang pamilya,
01:02lalo na ang anak na si Hugh Scooper Jael sa kanyang tatay Pogi.
01:08Saksi raw si Jael sa magdamagang pag-aaral ng ama kahit pagod sa trabaho.
01:13Kaya kung kinaya raw ng kanyang papa, hindi rin sumuko si Jael.
01:17Nag-agraduate naman ang kolehyo ngayong taon.
01:20Congratulations po sa inyong dalawa!