00:01Sa ating pagsuot kamakailan sa isang komunidad sa ilalim ng Osmeña Highway sa Maynila,
00:07natuklasan nating narelocate na pala sa Laguna ang mga nakatera roon pero nagbalik.
00:12Ang nagtutulak sa kanila para sumiksik muli at tumira underground at ang ginagawa ng gobyerno,
00:18tutukan sa part 2 ng special report ni JP Soriano.
00:25Walabas na ng kanilang unit o tirahan sa ilalim ng Osmeña Highway sa Malati, Maynila,
00:31ang pamilyang ito nang aming bisitahin ang tinaguriang underground community ng Maynila.
00:40Dahil wala pang isang metro ang pagitan ng sahig at ang ilalim ng Osmeña Highway na nagsisidbing sementadong bubong ng
00:47kanilang unit,
00:47paupo o pagapang lang ang tanging paraan para makalabas o makapasok dito.
00:57Dahil papasok sila sa trabaho, kailangan daw ipadlak ang kanilang unit para kahit papano
01:02ligtas ang ilang appliance na naiwan, gaya ng electric fan at ilang mahalagang gamit.
01:08Ito po, pintuan din po ito, sir. Pati po ito, mga pintuan po yan, kabilaan po, harapan na pintuan.
01:16Pati rin po, yung iba po, nasa trabaho, nagpapanda.
01:21Tapos yung iba naman po, nakapadlak.
01:25Kabila ang pamilyang ito sa hindi bababa sa 50 pamilyang naninirahan sa ilalim ng Osmeña Highway.
01:35Nakatabi rin ng isang creek.
01:39Ilan sa kanila, ilang dekada nang naninirahan doon.
01:44Nauna nang sinabi ng barangay officials na dati nang narelocate sa Cabuyaw, Laguna ang mga pamilya.
01:49Pero nagsibalikan lang daw dahil sa kawalan ng mapagkakakitaan at trabaho doon.
01:57Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD,
02:01bago pa man mag-viral sa social media ang underground community,
02:05na-census at na-profile na ng mga social worker ang mga pamilya doon.
02:09Noong Pebrero, nakausap na raw ang mga residente upang alamin ano ang mga kailangan nila
02:15para pumayag sila sa isang permanenteng relocation.
02:20Para maintindihan yung senaryo o yung pangangailangan ng bawat pamilya.
02:24Kasi iba-iba yan eh.
02:25Meron ba silang anak na nag-aaral so hindi natin pwede i-approve?
02:28Meron ba silang preferred na work relocation area kasi yung tatabaho nila mas malapit doon?
02:34Kasama raw sa mga ipinaniwanag ng DSWD,
02:37ang mga tulong na maaaring ipagkaloob sa bawat pamilya,
02:40gaya ng Pantawid Rental Assistance at Livelihood Assistance.
02:44Isinangguni rin ng GMA News ang sitwasyon ng underground community
02:48sa Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD.
02:53Kabilang daw sa short at long-term solutions ng ahensya
02:57na ipasok ang mga nakatira doon sa pambansang pabahay para sa Pilipino program.
03:02Ang ibig pong sabihin ng pinoprofile natin,
03:05minamatch po natin anong modality po ang angkop o ang appropriate sa bawat pamilya na maapektuhan.
03:11Meron po tayong rental program, meron tayong own the program.
03:15Depende po kung ano po yung gusto nila and ano yung kaya ng capacity nila to pay these modalities.
03:23Wala pang tugon si Manila Mayor Isco Moreno kaugnay sa underground community ng Maynila.
03:28Pero ayon sa DSWD,
03:30kaisa naman daw ang mga LGU sa pagresolba sa matagal ng problema ito,
03:34na hindi lang naman daw sa Maynila meron.
03:37So admittedly, marami pang trabaho ang gagawin,
03:40pero ang importante, kumikiloso kami sabay-sabay pati ng local government units.
03:43Sa mga susunod na linggo, magkakaroon ng town hall meeting ang DSWD,
03:47DHSUD sa mga pamilyang nakatira sa ilalim ng Osmeña Highway.
03:51Bagaman wala pa raw katiyakan kung ito na ang mag-aalis sa kanila sa ilalim ng kalsada,
03:55isang malinaw na hakbang daw ito para sa pag-asang magkaroon ng isang maayos na pamumuhay.
04:02JP Soriano, Nakatutok 24 Oras.
04:07Sampai jumpa.
Comments