Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong June 15, 2026


-20 armas ni Sen. Dela Rosa, isinuko ng kanyang kampo sa pulisya

-Mga taga-Davao at kalapit na bayan, nagpakita ng suporta sa nasawing atleta na si Rene Baterbonia

-Pamilya nina Rene Baterbonia at Divine Adili, hindi tinanggap ang sorry ni Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin

-Motorcycle rider, sugatan matapos may makasalpukang SUV sa Brgy. Concepcion Dos; Driver ng SUV, arestado; wala pang pahayag

-Ilang lugar sa Sarangani, nakaranas ng pagbaha dahil sa malakas na ulan dulot ng Easterlies

-Thunderstorm Advisory hanggang 12:06pm: Ilang bahagi ng NCR, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon Province

-Mag-inang tumatawid sa pedestrian lane, sugatan matapos mabangga ng garong

-U.S. at Iran, nagkasundo na sa peace deal matapos ang mahigit 3 buwang gulo; signing ceremony, posibleng gawin sa June 19 sa Switzerland

-Yate, sumadsad sa Tubbataha Reef; 28 sakay kabilang ang ilang dayuhan, nailigtas

-Michael Sager at AZ Martinez, pinasaya ang MicZ shippers sa kanilang fan meet

-Sen. Lacson: May posibilidad na hindi matuloy ang impeachment trial kung umabot sa 9 ang makulong na senador

-INTERVIEW: ATTY. LORNA KAPUNAN

-Mga bahura, seagrass, at iba pang lamang-dagat, nangamatay dahil sa pag-angat ng seabed at pag-atras ng tubig sa dagat

-NDRRMC (as of 8am): 65 ang nasawi at for validation; 1,447, sugatan; 36 nawawala

-Lalaking nagnakaw umano ng motorsiklo sa Rizal, naaresto sa Quezon City

-Rider, patay matapos ma-hit-and-run ng pickup sa Brgy. Isabang; pickup driver, tinutugis

-Sen. Villanueva sa posibilidad na magkaroon ng special session: "We will be there"

-Mga bagong pasilidad sa Bethany Hospital, binuksan na sa publiko

-Mga apektado ng Magnitude 7.8 na lindol, ipinagdasal ni Pope Leo XIV

-Bagong medical examination kay FPRRD, ipinag-utos ng ICC Pre-Trial Chamber III para matukoy kung kaya niyang humarap sa paglilitis sa November 30

-6 na kapatid ni Rene Baterbonia, makatatanggap ng scholarship mula sa Ateneo De Davao University

-Ateneo coach na si Tab Baldwin, hindi sumipot sa tanggapan ng DOLE dahil masama ang pakiramdam, ayon sa kanyang abogado

- PNP: Isa lang sa 5 miyembro ng ADMU management ang sumipot para sa fact-finding investigation; maglalabas muli ng subpoena

-Bianca Umali, may twinning moment sa prototype figure ni Ella Arcangel na kanyang binigyang-boses

-Grade 10 student, kinagigiliwan sa kanyang nametag na sinlaki ng placard

CBB


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:36Mainit na balita, isinuko ng kampo ni Sen. Bato de la Rosa ang dalawampu niyang armas na nakarehistro sa kanyang
00:43adres sa Davao City.
00:44May ulit on the spot si Mark Makalalad ng Super Radio DZBB. Mark?
00:50Koning nasa kusuginan ng Pilipinasional Police ang dalawampung baril na nakarehistro sa adres ni Sen. Ronald Bato de la Rosa
00:56sa barangay Maha sa Davao City.
00:58Ayon sa Civil Security Group, isinuko ang mga armas ng legal representative de la Rosa sa Regional Civil Security 11
01:04sa Davao City.
01:05Kasunod ito, nag-issue naman sila ng acknowledgement receipt sa kampo ng Senador.
01:10Agad din isinagawa ng CSG ang naayong safekeeping process sa mga armas bilang bahagi ng Notice and Order of Revocation
01:17of License to Own and Possess Firearms at Firearms Registration.
01:20Ayon sa PNP, June 11 isinagawa ng pagsuko sa mga armas. Matatandaan naman na noong May 27 ng formal na
01:27bawiin ng Firearms and Explosives Office
01:30ang License to Own and Possess Firearms at Firearm Registration ni de la Rosa na holder ng Type 5 LTAP
01:37at isang daan at nabingpitong registered na mga barila.
01:41Balik sa'yo, Connie.
01:42May informasyon ba, Mark, kung madadagdagan pa itong mga isusurender na armas ni Sen. de la Rosa?
01:49Connie, nakapag-ugnayan tayo kanina lang sa tanggapan ng Civil Security Group.
01:54Wala pa silang nilalabas na pahayag kaugnay sa bagay na yan kung posibili bang matatandaan.
01:58Pero dahil nga 117 yung mga baril na registered dito kay de la Rosa at ito ay 20 pa lamang.
02:05So meron pang nalalabig na 77 na mga baril.
02:09Merong opsyon yung kampo ng de la Rosa na mag-appela.
02:12Pero tinanong din natin yung CSG kung meron nga bang formal na request to appeal.
02:16Pero wala pa rin silang tugon sa bagay na yan.
02:44Connie, mga kapuso, inabangan nga po ng mga kataka Davao del Norte o Davao City
02:48at mga kalapit na bayan sa Davao del Norte ang pagdaan ng konvoy ng labi ni René Baterboña
02:54at ipinakita ang kaninang pagmamahal at suporta sa tinaguri ang batang sports hero ng Midanao.
02:59At Connie, kanina doon sa Ateneo de Davao,
03:01nagdasal po muna sa loob ng Ateneo de Davao Senior High School Building.
03:06Kaninang umaga kung saan ilang araw din ibinuro si René Baterboña sa kanyang alma mater.
03:11Bago mag-alas 8 ng umaga, inilabas po ng Ateneo de Davao Senior High School Building
03:16ang labi ni René sakay ng funeral convoy.
03:19Kasama ang GMA News, binaybay namin ng iba't ibang bayan sa Davao del Norte
03:23na dinaanan ng convoy sakay ang labi ni René.
03:26Saksi kami, Connie, kung paano nag-abang ang ating mga kababayan sa labi at convoy
03:32nitong si na tinaguri ang sports hero ng Davao Region.
03:37May mga placard pa, Connie, yung iba at marami ang sumisigaw ng MVP.
03:41Matatandaan kasing gumawa ng kasaysayan si René matapos maipanalo
03:44sa palarong pambansa ang Davao Region.
03:48Dito po sa Porenaria, kung saan sa bayan ng Panabo,
03:52ay saglit po na mananatili itong si René upang magkaroon po ng pag-aayos sa kanyang labi
03:58bago po siya dalhin sa Agusan del Sur.
04:01At yan muna ang latest. Balik muna sa'yo, Connie.
04:04JP, may informasyon ba tayo kung ano ang reaksyon ng pamilya ni Baterboña
04:08sa ipinakitang pagmamahal kay René?
04:15Dito sa mga nadaanan, yung mga kumakaway, mga bumabate,
04:20hindi pa natin nakukuha yung kanilang reaksyon dyan.
04:22Pero kagabi pa lang sa Davao City, yung kanyang kuya na nagsalita dun sa Eulogy,
04:26labis ang pasasalamat sa napakaraming mga tiga Davao City na pumila ng ilang oras
04:32para lang po makarating at makapasok makita si René sa public viewing na ginawa doon.
04:36Ano mang oras ngayon, Connie, inaasahan magtatagal kasi yung pag-aayos sa labi ni René
04:42dito sa Porenaria sa Panabo sa bayan ng Davao del Norte.
04:46Agad natin tatanungin sila kung ano ang kanilang masasabi sa kanilang nasaksihan dito.
04:52May dagdag na detalye ba na ibinigay ang pamilya tungkol sa gagawing burol
04:57kay Baterboa niya sa Agusan del Sur?
05:04Connie, mga 7 or 10 p.m. ang expected arrival ng labi ni René
05:10at ang kanyang kaanak sa Talacogon, Agusan del Sur.
05:14At ayon po sa advisory na inalabas ng LG na Talacogon,
05:17bukas po, alauna ng hapon, mag-uumpisa ang public viewing para kay René.
05:22Ngayong gabi po ay inilaan para sa kanyang pamilya
05:25para magkaroon po ng pribadong moment sa kanila.
05:27Kaya nga po nag-aabiso rin ang pamunuan ng LG doon
05:31ng respetuhin din ang kanilang privacy.
05:33Inaasahan kasing sobrang daming mga kababayan na René
05:36sa kanyang hometown ang makikiramay
05:38o inaasahan makikiramay at magbibigay pugay sa kanilang kababayan.
05:43Connie.
05:43Marami salamat, JP Soriano.
05:46Samatala, hindi tinanggap ng pamilya ni René Baterbonia
05:50at Divine Adili ang paghingi ng tawad
05:53ni Ateneo Men's Basketball Head Coach Tab Baldwin
05:56tungkol sa pagkalunod ng dalawang players.
06:00I feel I've failed and I'm sorry.
06:04To the depth of my being, I'm sorry.
06:08I'm so deeply sorry to not just the families
06:13but everybody that feels let down
06:18somehow betrayed.
06:19No amount of words, sorry, sorry, what is sorry?
06:23Sorry is not enough because no amount of words
06:25that would make Divine to come back to this world again.
06:30Para sa mga magulang ni Adili, may kapabayaan kaya nalunod ang kanilang anak.
06:35Hindi raw marunong lumangoy si Divine kaya bakit siya dinala sa dagat para sa team building?
06:41Dapat din daw may rescuers at life jacket noong ginawa ang aktibidad.
06:45Hinihintay pa raw na mga magulang ni Divine ang resulta ng autopsy bago siya iuwi sa Nigeria.
06:51Sabi naman ang ina ni Materbonia na si Rovellyn sa isang social media post,
06:56hindi madadaan sa paumanhin ang pagkamatay ng kanyang anak.
07:00Ang gusto raw niya paliwanag sa kung ano ang totoong nangyari sa anak.
07:05Kung totoo raw na aksidente ang nangyari kay Rene,
07:08bakit daw hindi in-update agad ang kanyang pamilya?
07:11Parehong hindi pa nakakausap ng mga pamilya Adili at Materbonia si Coach Baldwin.
07:17Ina-upload naman sa social media ng New Zealand-based lawyer na si Tudor Klee
07:23ang pahayag ng kanyang kliyente, ang asawa ni Baldwin na si Effie.
07:27Sabi ni Effie, nagbabala na siya noon sa Ateneo de Manila University
07:32na hindi ligtas ang mga bata na nasa paligid ng kanyang mister.
07:36Sabi niya, iniwan na raw niya si Baldwin noong 2020.
07:42Nagsalita raw siya para tiyaking hindi mayuugnay ang kanyang pamilya kay Baldwin.
07:48Sinuportahan ang stepdaughter ni Baldwin na si Giotta Calogiro
07:52ang mga sinabi ng kanyang ina.
07:55Sinisika pang kunin ang pahayag ng Ateneo at ni Coach Baldwin.
08:00Bukas po ang GMA News para sa kanilang mga pahayag.
08:04I repeatedly told the Ateneo University that children are not safe around him
08:10and it was their duty to remove him.
08:14I urged them to move him away from the campus, the university campus
08:19and they proceeded to launch a campaign of intimidation and silencing.
08:26Sa ibang balita, huli kam sa Marikina ang salpuka ng isang motorsiklo at ng isang SUV.
08:32Ang rider nagtamo ng mga bali sa katawan at sugat sa ulo.
08:36Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
08:42Palikuna ang rider na ito nang biglang masalpok ng humaharulot na SUV
08:46sa barangay Concepcion 2, Marikina City nitong Sabado.
08:51Sa lakas ng pagkakabangka, tumila po ng rider na tumbarin ang tinamaang poste.
08:56Bumaba ang driver ng SUV at nilapitan ng biktima at bumalik din sa sakyan.
09:03Naglapitan din ang mga taong nakasaksi sa insidente.
09:06Ayon sa barangay Concepcion 2, agad nilang itinawag sa rescue ang insidente.
09:11Kinuha rin nila ang lisensya ng nakabanggang driver.
09:14Kailangan yung biktim muna maitakbo, maisalba.
09:19Yung George, pababayan eh.
09:21Lalo paggabi, mabibilis talaga.
09:23Alam mo, aksidente, hindi natin masabi.
09:25Tumangging magpaunlak ng panayam ang mga kaanak ng biktima.
09:29Ang kanyang kapatid, sinabing nasa ICU ang biktima dahil sa tinamong mga bali sa katawan at sugat sa ulo.
09:37Masakit anya sa kanilang pamilya ang nangyari sa kapatid.
09:41Nananawagan sila sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at paninira sa biktima.
09:47Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pulisya habang patuloy pa ang kanilang imbestigasyon.
09:53Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property ang sospek na nasa kustodiyana ng Marikinas
10:01City Police.
10:03Sinisikap pa siyang kunan ng pahayag.
10:06Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
10:11Hindi pa man nakakabagon sa mga pinsala ng magnitude 7.8 na lindol noong lunes.
10:17Ilang lugar sa Sarangani ang binaha dahil po sa malakas na ulan.
10:24Sa barangay Nomo sa bayan ng Maasim, naging hamon sa mga residente na maitawid sa rumaragasang baha ang isang motor.
10:33May ilang bata pang tumulong sa pagtulak sa motor.
10:37Sa kuha naman po ng video sa barangay Pananag, kita ang pagragasa ng kulay putik na baha sa kasagsaga ng
10:43ulan.
10:44Pero wisyo po yan sa ilang residente na tumawid sa baha para mamakakuha ng malinis na inuming tubig.
10:50Umapaw rin po ang ilog sa barangay Lumasal, kaya naging matindi rin ang bahang nararanasan sa lugar.
10:57Sa bayan naman po ng Quiamba, dalawang bahay ang nawasak dahil sa rumaragasang tubig mula sa ilog.
11:04Ayon sa pag-asa, Easter Lease ang nagpaulan sa probinsya ng Sarangani nitong weekend.
11:12Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Metro Manila.
11:16Ayon sa pag-asa, apektado ang Makati, Pasay, Paranaque, Taguig at Las Piñas.
11:23May thunderstorm advisory rin sa ilang panig ng Laguna, Rizal, Batangas at Quezon Province.
11:29Ina-alerto ang mga residente mula sa banta ng Baha o landslide.
11:34Tatagal ang babala hanggang pasado alas 12 ngayong tanghali.
11:38Sa susunod pang mga oras, posibli pong ulanin ang ilang pang bahagi ng bansa.
11:43Ilang lugar ang may tsansa ng heavy to intense rains base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
11:48Sabi ng pag-asa, Easter Lease ang magbubuhos ng ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
11:55Mga local thunderstorm naman ang aasahan muli sa natitirang bahagi ng bansa.
12:04Tumatawid ang mag-inangyan sa isang pedestrian lane sa barangay poblasyon sa Ordaneta, Pangasinan.
12:09Bago pa makarating sa gitna, biglang nabanggan ang garong ang mag-ina.
12:14Ayon sa opisyal ng barangay, bahagyang napayuko ang driver ng garong kaya hindi umuno napansin ang mga biktima.
12:21Nagkausap na raw ang magkabilang panig.
12:24Nangako ang driver na sasagutin ang pagpapagamot sa mag-ina.
12:27Hindi na sila nagbigay ng pahayag.
12:31Eto na ang mabibilis na balita.
12:35Sumadsad ang isang yate sa Tubataha Reef na sakop ng Palawan ayon sa Philippine Coast Guard.
12:41Ayon sa PCG, nakatali raw ang yate sa nakaangklang boy na lumakas ang hangin kaya ito sumadsad.
12:50Ligtas naman ang 28 sakay ng yate, kabilang po ang ilang dayuhan.
12:56Walang namataang pagtagas ng langis o anumang marine pollution sa lugar.
13:03Nailigtas din ang limang sakay ng isang bangkang tumaob sa dagat sakop ng Lucena Pagbilao sa Quezon.
13:10Ayon sa pulis siya, nangyari ang insidente dahil sa malalakas na alon.
13:15Rumesponde ang mga otoridad matapos matanggap ang ulat.
13:19Walang naitalang sugatan at nasa maayos na kondisyon ang mga na-rescue na sakay ng bangka.
13:54Happy Monday!
13:55Binalikan din nila ang kanilang memories sa PBB kung saan nahubog ang kanilang friendship at bond.
14:03Mas na-ship din ang dalawa nang magtambal sila noon sa online film na Opposite Almost Attract,
14:09na mismong si Michael ang nagproduce.
14:11Thankful si na Michael at AZ sa suporta ng fans.
14:14Sa ngayon, abala si Michael sa GMA Athenon Prime Series na Born to Shine.
14:18Napapanood naman si AZ sa GMA Prime Series na The Secrets of Hotel 88.
14:24At abangan din si AZ sa upcoming series na Love, Siargao.
14:41Iminumungkahi ni Senador Ping Lakso na hilingin ng Senado sa Sandigan Bayan na payagan nito
14:46ang mga nakakulong o makukulong na senador na lumahok pa rin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
14:53Balitang hatid ni Jonathan Andal.
14:59Sa 24 na senador, 8 ang may kaso o may kinakaharap na reklamo.
15:04Isa sa kanila, nakakulong na si Sen. Gingoy Estrada.
15:07Sabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia,
15:10siyam hanggang 10 senador ang iniimbestigahan nila sa plunder at iba pang paglabag sa batas.
15:15Sabi ni Sen. Ping Lakson,
15:16kung mangyari man na umabot sa siyam na senador ang makulong at masuspinde,
15:21may posibilidad na hindi na matutuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
15:26Alinsunod sa konstitusyon, labing-anim o two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado
15:32ang kailangang boto para makonvict ang isang impeachable officer.
15:36It's going to be a crisis, di ba?
15:39Walang impeachment na magaganap kasi forg down na yung conclusion o yung decision na hindi mako-convict.
15:45Kasi kung labing-lima lamang ang naiwan na senador o senator judges.
15:50Ang ibig sabihin ba noon, automatically acquitted?
15:52Dahil labing-lima lang yung pwedeng bumoto?
15:55Sa akin, hindi.
15:56Dahil hindi naman sila convicted, sila naman ay part pa ng Senate unless preventively suspended.
16:03Ang hypothetical, pero in the realm of possibilities, pwede mangyari.
16:08Panukala ni Lakson, sakaling may makukulong pang senador,
16:11pwedeng maghain ang senado ng motion na leave of court sa Sandigan Bayan
16:15para payagang dumalo sa trial ang senator judges,
16:17kahit may escort mula sa Bureau of Jail Management and Penology.
16:21Ang medyo awkward lang doon, dahil naka-robe sila as judge pagka-araw,
16:26pagkataos naka-PDL uniform sila sa gabi.
16:30Noong biyernes, pinalutang na Sen. Alan Peter Quetano ang usapin na baka ibaba sa 12
16:34sa halip na 16 ang kailangang boto para makonvict ang isang impeachable officer.
16:39Are we going to really have an impartial trial or aayusin at luto na ito?
16:44Are we going to tell them the truth that dapat 16 to convict?
16:47Or babawasan ba natin ang 6 na senador para maging 12 na lang?
16:51Video division. Ako and some members,
16:54nag-i-stick kami doon sa 16 to convict.
16:57No matter what the base number is, our base number will always be 24.
17:02Ang mag-motion dyan, napaguhin yung base number, either prosecution or defense.
17:08Sabi ni House Prosecutor Congressman Terry Redon,
17:1116 votes pa rin ang pinagahandaan nilang makuha sa impeachment trial.
17:14Talagang pinagahandaan po namin bilang to convict the Vice President ay 16.
17:21So up until today, yan pa rin po yung pinagahandaan po namin na bilang.
17:26Sinusubukan pa ramin ko rin ang panig ng defense team ng BICE.
17:29Sabi ng prosekwasyon, ang kukontrahin nila ay kung iuurong ang petsa ng paglilitis
17:33para lang hintayin sakaling masuspinde ang ilang senador na maisasalang sa paglilitis ng sandigan bayan.
17:40Inilunsad sa isang eskwelahan sa Quezon City ang isang citizen watch campaign
17:44na layong ipaalam sa publiko ang mga pangyayari sa impeachment court.
17:47Naroon ang mga miyembro ng House Prosecution Panel.
17:50Sa June 18, ang pretrial conference sa Senado at July 6, ang simula ng paglilitis.
17:56Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA News.
18:01Ipinakilala na ng House Prosecution Panel ang first batch ng private prosecutors
18:06na makakasama po nila sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
18:10Kausapin po natin ngayon ang isa sa miyembro nito na si Atty. Lorna Capunan.
18:15Magandang umaga at welcome po, ma'am, sa Balitang Hali.
18:19Magandang-magandang umaga sa iyo, ma'am Pony, at sa lahat ng mga nanonood at makikinig sa program.
18:25Opo. Atty, paano niyo po napagpasyahan na maging bahagi po ng private prosecution panel
18:30sa impeachment complaint ni Vice President Duterte?
18:33Alam mo, since last year, i-involved na ako atyong my law firm
18:38on the impeachment complaint, failed impeachment complaint last year.
18:43And tumulong rin naman kami.
18:46We were also sought for assistance itong House Committee on Justice.
18:53So tuloy-tuloy ang pagtulong natin sa mga public prosecutors.
18:57Hindi lang ako, mga ibang law firms, kanyang may first batch na announcement,
19:02may second batch, baka may third batch po yan.
19:05Ah, I see.
19:06So ang inuna muna yung tatlong law firm, my law firm, Campuna ng Tostilio,
19:12actually, hindi lang lima, no?
19:14Ah, sampo kami nun, no, no, in the impeachment, no.
19:19Then yung peka bar, tsaka yung libutan loong process.
19:24I see. Marami-rami rin po na pala, ano?
19:26At ano ko ang magiging saklaw ng inyong trabaho bilang private prosecutor, ma'am?
19:32In order not, pati dito sa impeachment court,
19:36eh, ang private prosecutors ko ay under the control and the supervision of the public prosecutors.
19:42So kung anong gusto nilang pagawa sa amin,
19:45whether it's research or update on the rules of evidence,
19:48kasi po nung nag-aaral sila kami ng rules of evidence,
19:52luma na yun, ano?
19:53There are, there is a new rules of evidence, 2000 at 2020,
20:00at pinag-aaralan nito.
20:03Including jurisprudence, yung mga bagong kaso ng Supreme Court.
20:07So in terms of legal arguments, eh, assisting po ang private prosecutors.
20:13Sa trial rin, pwede din, decision rin nila kung silang gusto mag,
20:18ah, sa direct examination or cross-examination,
20:22depende sa comfort level ng public prosecutors,
20:26pwede din nila i-delegate sa mga private prosecutors.
20:29Okay.
20:29I-pag-present ng witness on direct examination or cross-examination.
20:35Okay.
20:35So masasabi niyo po bang sapat at matibay yung mga ebidensyang nakalap na po
20:40ng House Prosecution Panel laban kay Vice President Duterte?
20:43Alam mo, very transparent ang evidence, no?
20:46Both documentary at testimonial, no?
20:48Kasi lumabas na yan.
20:49During the hearings on probable cause sa House Committee on Justice,
20:54eh, lumabas na yung mga witnesses,
20:57at lumabas yung mga documentary evidence,
21:00kanya nag-finding ang House Committee on Justice na
21:03there is sufficient grounds for probable cause.
21:08Okay.
21:08So, at nakita naman natin sa butohan sa plenary session,
21:14yan napakalaki, no?
21:15Very unexpected, yung 257 endorsements ng plenary session ng House of Congress.
21:23So, based on that, the strength of the prosecution witness,
21:29tsaka yung hindi nag-pisinta ng evidence,
21:32si Vice President Sarah and her defense team,
21:37parang ganun din ang nangyari dito sa Senate proceedings,
21:41hindi rin nag-present ng,
21:45sa answer niya, illegal arguments pa rin ang ina-answer niya, no?
21:50Sa, sa, kanyang ngayon, napakalaga ngayon ng deadline.
21:57Ang deadline ngayon, the deadline based on the notice of pretrial is,
22:01napinirmahan ng Senate Majority Head,
22:06si Senator Wynne Gatchelian,
22:08nakatanggap po kami ng notice of pretrial,
22:11for filing of pretrial briefs,
22:14e, due po yan today.
22:16So,
22:17so, malalaman po natin kung magpo-file ng pretrial brief
22:21si, ah,
22:22Vice President and the defense team,
22:25kung ano ang strategy nila, no?
22:28Baka,
22:30yun naman nila,
22:32yung, ah,
22:33legal arguments nila,
22:34no jurisdiction,
22:35one-year bond rule,
22:38ah,
22:39partiality daw,
22:40ng House Committee and Justice,
22:42walang ultimate facts,
22:44nag-fishing expedition,
22:45nag-mini-trial,
22:46yun ang mga linagay ng arguments sa answer.
22:50So,
22:51abangan po natin,
22:52kung ano yung ilalagay nila sa pretrial brief.
22:55Because in the pretrial brief,
22:57ang order po sa notice of pretrial,
23:00submission of pretrial brief,
23:02is ilista,
23:03ilista ng both prosecution at defense,
23:07ang mga witnesses na ipapa,
23:10na is,
23:12we present sa trial.
23:13The witnesses,
23:14the documentary exhibits,
23:16in normal court proceedings,
23:19pag walang,
23:20pag walang list of,
23:23first of all,
23:25the question is,
23:26darating ba
23:27ang vice president?
23:29Or is she just appearing to counsel?
23:31Kasi yung,
23:33yung pretrial,
23:34nakalagay po sa pretrial notice,
23:37na hindi po televised ang pretrial.
23:40I see.
23:41Okay,
23:41posible ho bang baka-apekto sa impeachment trial,
23:43ang hindi pa rin po,
23:44nare-resolve ang,
23:45sigalot po sa liderato ng Senado,
23:47at bilang po,
23:48ng mga senador na present sa plenario?
23:52Ang,
23:55ang legal issue na yun is,
23:58I'm sorry,
23:58can you repeat the question soon?
24:01Oo,
24:02maaari ho ba na,
24:03maka-apekto ho,
24:04yung kakulangan,
24:05ng bilang pa rin,
24:07ng mga senador,
24:08doon sa plenario,
24:09kung sa kasakali,
24:10at yung sigalot po,
24:11ng liderato pa rin,
24:13ng Senado?
24:14Alam mo,
24:15ang legal position,
24:16ng maraming legal scholars,
24:17at in fact,
24:19very clearly,
24:21in-explain it,
24:22former Justice Tony K. Hartfield,
24:26na ang constant lang,
24:28nakalagay sa Constitution,
24:30two-thirds of all the members of the Senate,
24:34ang hindi mo papapalitan,
24:36yung ibig sabihin ng two-thirds,
24:39pero yung all the members of the Senate
24:41is subject to interpretation,
24:44at ang interpretation,
24:45ang opinion ko,
24:46at opinion ng mga maraming legal scholars,
24:49pati yung mga deans ng law schools,
24:50at ang mga former justices,
24:55eh,
24:55ang,
24:56all of the members,
24:57hindi kasama sa bilang,
24:59yung,
25:00hindi pwedeng mag-attend,
25:03yung tinatawag na under,
25:04under suspension,
25:06preventive suspension,
25:08kasi pag-preventive suspension,
25:11klaro,
25:12klaro po,
25:13sa Plunder Laws natin,
25:14sa Anti-Grath and Interrupt Practices Act natin,
25:18if a public official,
25:20in a pending case,
25:23against that public official,
25:25is,
25:26there is a pending case,
25:29eh,
25:29ang penal,
25:30ang,
25:30ano,
25:30ang public official,
25:32is under preventive suspension.
25:34Ang ibig sabihin ng preventive suspension,
25:38eh,
25:38hindi pwedeng mag-attend.
25:41Okay.
25:42Hindi pwedeng mag-attend ng hearings,
25:44kasi suspended na eh.
25:46Aha.
25:46Pag hindi pwedeng mag-attend ng hearings,
25:49at hindi pwedeng mag-participate,
25:53kasi ang importante sa trial,
25:56eh,
25:56makita yung demeanor ng witness,
25:59marine first hand,
26:00yung evidence,
26:02yung testimonial evidence,
26:04at ma-examine yung mga dokumento,
26:06eh,
26:07pag suspended ka,
26:08part of suspension means that,
26:10you cannot go to office.
26:12Yun ang ibig sabihin ng suspension.
26:14Okay.
26:15So,
26:15dapat hindi pwedeng,
26:16hindi,
26:17hindi bilangin,
26:19ngayon,
26:20ang isang fugitive of justice,
26:22no,
26:23na si Batol,
26:24because hindi nga,
26:25in the case of Avelino versus,
26:27ah,
26:28Avelino case,
26:30no,
26:31eh,
26:32nakalagay doon,
26:33if you cannot be under the coercive powers of the Senate,
26:37hindi ka dapat kailangan sa bilang.
26:40Okay.
26:41Alright.
26:42So,
26:42ang sinasabi ko,
26:44kung yung two-thirds,
26:45it should be two-thirds of,
26:47ah,
26:4824 minus two.
26:50Apo.
26:51Kung meron pang susunod na isa-suspend,
26:53o pa-firing ng cases sa ombudsman,
26:57under the Plunder Laws,
26:58or the Anti-Graft Interruption Laws,
27:01pag suspended yan,
27:02dapat hindi kailangan sa,
27:05bilang ng all of the members.
27:07Okay, but,
27:07yun po ang legal position namin.
27:10but according to Senator Panfiro Lacson,
27:13hinihikait niya,
27:13na sana po pwedeng makakuha po,
27:15ano,
27:15ng court order,
27:16yung mga,
27:18mawawala dun sa plenario,
27:19dahil sa kanilang mga kaso.
27:20Do you agree, ma'am?
27:22Hindi po.
27:23Ah,
27:24with all due respect to Senator Lacson,
27:27it is very clear in our
27:29Anti-Graft Interrupt Practices Act,
27:32yung Republic Act 3019,
27:36at, ah,
27:37very clear then sa Plunder Act natin,
27:40yung Republic Act 7080,
27:43if official is charged in court,
27:46preventive suspension na yan.
27:48Alright.
27:49So,
27:50klaro-klaro na dapat,
27:52o preventive suspension ka,
27:54hindi ka makakaparticipate.
27:57Yung sinasabi na leave,
27:59leave of court,
28:00para mag-attend dyan,
28:01eh,
28:02hindi po tama yan.
28:04Alright.
28:04Marami pong salamat
28:06sa inyong oras na ibinahagi dito
28:07sa Balitang Hali,
28:08attorney.
28:09Thank you so much then,
28:10at mag-uwi tayo yung lahat dyan.
28:11Yan po naman si
28:12attorney Lorna Capunan.
28:28Nangamatay ang mga bahura
28:30at iba pang lamang dagat
28:31sa Pangiyan Marine Sanctuary
28:33sa Glan,
28:34Sarangani.
28:34Ayon sa DENR,
28:36resulta po yan
28:37ang tinatawag na
28:37coastal uplift
28:39na epekto ng magnitude 7.8 na lindol
28:42noong nakaraang lunes.
28:43Sa pagsisiyasat ng FIVOX,
28:45umangat ng hanggang dalawang metro
28:47ang seabed
28:48sa ilang lugar doon.
28:50Dahil po dyan,
28:51umatras ang tubig
28:52sa may bayi
28:53ng hanggang dalawang daang metro.
28:54Kaya ang mga bahura
28:56at mga lamang dagat
28:57na dating lumog sa tubig
28:59tumambad
29:00at nangamatay.
29:01May namonitor din
29:03na coastal uplift
29:04sa Davao Occidental.
29:06Pinagaaralan ang mga yan
29:07ng mga otoridad.
29:1165 ang pinakahuling bilang
29:13ng mga nasawi
29:13sa magnitude 7.8 na lindol
29:15na tumama sa Mindanao
29:17noong June 8.
29:18Ayon sa National Defense
29:19for Risk Reduction
29:20and Management Council,
29:21subject for validation
29:22ang datos
29:23ng mga nasawi.
29:24Umabot naman
29:25sa mahigit 1,000
29:26at tapat na naang
29:28ang mga nasugatan
29:29sa lindol.
29:30Mahigit 30 naman
29:32ang naiulat
29:33na nawawala.
29:34Mahigit 100,000 pamilya
29:35ang apektado ng lindol.
29:37Sa panayam
29:37ng unang balita
29:38kay FIWAC
29:39si Rector Teresito Makulkol,
29:41umabot na sa halos
29:426,000
29:43ang naitalang aftershock
29:44simula
29:45noong lindol
29:46noong June 8.
29:49Arestado ang isang lalaki
29:51dahil sa pagnanakaw
29:52umanon ng motorsiklo
29:53sa San Mateo Rizal.
29:54Kung papaano
29:55nahuli ang suspect
29:56sa Quezon City
29:57sa Balitang Hatid
29:59di James Agustin.
30:02Walang suot na helmet
30:04ang nalaki
30:04na kamotorsiklo
30:05kaya hinarang
30:06ng mga polis.
30:07Sa Central Avenue,
30:08Quezon City,
30:08Pasadalas 3 sa madaling
30:09araw nitong Sabado.
30:11May re-respondihan lang
30:12sana noon
30:12ang polisya
30:13sa kalapit
30:14na establishmento.
30:16Noong sinita nila,
30:17nag-atimpang tumakbo.
30:19So,
30:19hot pursuit tayo
30:20and then eventually
30:21na-plugdown siya.
30:23Tapos,
30:23noong tinanong siya
30:24kung
30:25meron ba siyang
30:27driver's license,
30:28identification card,
30:29so wala siya
30:30may pakita.
30:31So,
30:31dahil wala siya may pakita,
30:32tinignan rin yung
30:33ORCR
30:34ng motor
30:35kung sa kanya talaga
30:36yung motor
30:37so napatunayan na.
30:38Ang simpleng pagsita
30:39na uwi sa pagkakaaresto.
30:41Sa 27-anyo sa lalaki
30:43matapos makumpirma
30:44ng minamanehon
30:45yung motorsiklo.
30:46Ninakaw sa San Mateo Rizal.
30:48Iniwan nila yung motor nila
30:49na nakapark.
30:50Pero dahil umuulan,
30:52yung susi iniwan nila sa motor.
30:54O siguro para
30:56pagsakay nila uli,
30:57mabilis.
30:58Iyon,
30:58nachempuhan
30:59nung magnanakaw
31:00kaya nakuha yung motor nila.
31:02Itinerant over sa San Mateo
31:03Municipal Police Station
31:04ang sospek
31:05na maharap sa reklamang paglabag
31:07sa New Anti-Carnapping Act.
31:08Tumanggi siya magbigay ng pahaya.
31:10Base sa record ng polisya,
31:12pitong buwan pala nakakalaya
31:13ang lalaki
31:14mula ng makulong noong 2025
31:16dahil sa pagnanakaw.
31:17James Agustin,
31:19nagbabalita
31:19para sa GMA News.
31:27Patay ang isang
31:28motorcycle rider
31:29matapos ma-hit and run
31:30sa Tayabas, Quezon.
31:32Napatigil ang
31:33motorsiklong yan
31:34sa outer lane
31:35ng Maharlika Highway
31:36sa barangay Isabang.
31:37Ayon sa polis siya,
31:39biglang huminto
31:39ang makina
31:40ng motor.
31:41Nang subukang
31:42paanda rin ng rider,
31:43bigla siyang nabangga
31:44ng paparating
31:45na itim
31:46na pick-up.
31:47Saglit na huminto
31:48ang sasakyan
31:49pero tumakas din
31:50kalaunan
31:50patungong sa riaya.
31:52Sinusubukan pangkuna
31:53ng pahayag
31:54ang kaanak
31:54ng nasawing rider.
31:56Patuloy ang
31:56investigasyon
31:57at backtracking
31:59ng mga otoridad
31:59para matukoy
32:00ang pagkakakilanlan
32:02ng tumakas
32:03na driver.
32:06Huwag manggulo!
32:08Yan ang sinabi
32:09ni Sen. Ping Lakson
32:10kay Sen. Alan Peter Cayetano
32:12na iginigiit
32:13na siya pa rin
32:14ang Senate President.
32:15Isang senador naman
32:16na bahagi
32:17ng Cayetano Block
32:18ang nagsabing
32:19dadalo siya
32:19sakaling magkaroon
32:21ng special session.
32:22Balitang hatid
32:23ni Darlene Kai.
32:27Hindi po ito
32:29panahon
32:29ng kampihan.
32:30Bahagi ito
32:31ng video message
32:32ni Sen. Joel Villanueva
32:34na ipinalabas
32:34sa worship service
32:35ng Jesus is Lord Church.
32:37Siniguro ni Villanueva
32:38dadalo siya
32:39kung magkakaroon man
32:40ng special session
32:41ang Kongreso.
32:43Bilang mga lingkod bayan
32:44prioridad po natin
32:46dapat
32:47ang siguruhin
32:48na patuloy
32:49na nagtatrabaho
32:50ang bawat isa sa atin
32:51lalo na ang Senado
32:52para po sa ating
32:54mga kababayan.
32:55Sa pagkakataon po
32:56na magkaroon
32:58ng special session
32:59tutuparin po natin
33:01ang ating
33:01sagradong tungkulid
33:03sa ilalim
33:03ng ating saligang batas.
33:05We will be there.
33:07Kabilang si Villanueva
33:08sa mga miyembro
33:09ng Cayetano Block
33:10na hindi na dumulo
33:11sa anumang sesyon
33:11ng Senado
33:12mula ng arestuin
33:13si Senator Jingoy Estrada
33:15noong June 1.
33:16Nakasinedie adjournment
33:17ang Kongreso
33:18pero
33:18nais ng bagong
33:20Senate Majority
33:21na magsagawa
33:21ng special session
33:22kung hihilingin din
33:24ang Malacanang
33:25lalot may mga
33:25panukalang batas
33:27na kailangang maipasa
33:28ayon kay Villanueva
33:30na iipit din
33:31ang mga empleyado
33:32ng Senado.
33:33The Senate staff
33:34should not be caught
33:35in the middle
33:36of this political fight.
33:38Bibigyan katiyakan po natin
33:39ang ating mga kapwa
33:41lingkod bayan
33:42na naghihintay
33:43ng confirmation
33:44ng kanilang mga appointment.
33:47Lalo na po
33:47ang mga opisyal
33:48ng ating sandatahang lakas.
33:50Kung matuloy
33:51ang special session,
33:53sabi ni Sen.
33:53Ping Lakson,
33:54dapat present
33:55lahat ng senador
33:56para maplan siya
33:57na rin
33:57ang issue
33:57ng Senate leadership.
33:58Hindi niya
33:59masabi
33:59kung aanib
34:00sa mayorya
34:01si Villanueva.
34:01I appreciate
34:02and I admire
34:03yung attitude
34:04ni Sen. Joel
34:05na
34:07kinoconsider niyang
34:08sagradong duty
34:09yung pag-aten
34:10ng special session.
34:10I just hope
34:11na yung ibang
34:12kasama niya
34:13sa
34:14sa block
34:15ni Alan Peter Cayetano
34:16eh ganon din
34:18ang attitude.
34:18Hindi naman natin
34:19alam
34:19kung magpa-participate
34:21siya
34:21o mag
34:22sasama siya
34:23sa pagboto
34:24pag-elect
34:25ng Senate President.
34:26Si Sen. Alan Peter Cayetano
34:27sinabi nitong biyernes
34:28sa Facebook Live
34:29na nagkausap na sila
34:31ni Villanueva
34:31pero wala siyang
34:32ibinigay na detalye.
34:34Nag-heart-to-heart kami
34:35ni Brother Joel
34:37and
34:38even if I know
34:39the cost
34:42it's not something
34:44you can feel
34:45unless ikaw talaga.
34:47Sakaling matuloy
34:48ang special session
34:49at magkabotohan
34:49para sa bagong
34:50Senate President
34:51handa kaya
34:52ang Gatchalian Block
34:53sa senaryo
34:54na ginawa noon
34:55ni Cayetano
34:55sa Kamara?
34:57Pagkahambawan
34:57ng special session
34:58naisip ko lang
35:00nag-iinsist po kasi
35:01sa Sen. Alan Cayetano
35:02na siya pa rin
35:03ang Senate President
35:04so pag nag-special session
35:05ay baka magagawan
35:06sa podium.
35:07Yun nga yung ugly
35:08kaya naiwasan din natin
35:09who is capable
35:10of doing anything
35:11to preserve
35:13his power
35:14as the leader
35:16of the House
35:17noon
35:17at saka leader
35:18ng Senado ngayon.
35:19Huwag naman sana
35:19kasi lalong napakapangit
35:21pagka dalawa yung
35:22tatayudo sa podium.
35:24Pag isa na lang
35:24siyang kumikilala
35:25sa sarili niya
35:26o siguro
35:27yung ilan
35:28sa kanya
35:28mga kasama.
35:29Maski sabihin niyang
35:30ipagsigawan niya
35:31sa buong mundo
35:32ako yung Senate President
35:33wala namang
35:34sumusunod sa kanya
35:35at napansin ninyo
35:35tahimik na rin
35:36yung mga iban
35:37ng kasama eh.
35:38Yung mga dating
35:39mayingay din
35:40na kasabay niya.
35:41Ngayon wala na rin
35:42comment eh.
35:42So na-realize din nila
35:43siguro
35:44yung reality na
35:46kapos na yung boxing.
35:47Huwag nating
35:48i-underestimate
35:49kasi capable
35:50yung tao na yan
35:51na gumawa
35:52na maski anong gulo.
35:53He doesn't care
35:54about the institution
35:55he only cares
35:56about himself.
35:57Panawagan ni
35:58Lakson kay Cayetano?
36:00Huwag mang gulo.
36:02Maging mga senador
36:04makilahok
36:04tapos kung ano
36:06yung tinglalaban na
36:06sa floor namin
36:07pag-usapan
36:08huwag sa Facebook.
36:09Sa isang social media post
36:10sinabi ni
36:11Sen. Alan Peter Cayetano
36:12na hindi niya
36:13kinuha ang
36:14Senate Presidency
36:15para lang sa
36:15kapangyarihan.
36:17Ang totoong issue raw
36:18ay kung bakit
36:19tila may pumipigil
36:20na lumabas
36:21ang katotohanan
36:21tungkol sa
36:22kwestyonabling
36:23flood control projects.
36:24Ayon pa kay Cayetano
36:25may mga tao
36:26na pinagtatakpan-umanoh
36:28ang flood control scandal
36:29at isusulong pa raw
36:31ang charter change
36:32para ibaon
36:33ang issue.
36:34Nagising daw
36:34ang taong bayan
36:35dahil anya
36:36sa lawak
36:36ng katiwalian
36:37sa flood control projects.
36:39Kaya may mga
36:40hakbang daw ngayon
36:41para makalimutan
36:41ang issue
36:42habang naghahanap
36:43ng pwedeng sisihin
36:44sa flood control scandal.
36:47Darlene Cay
36:47nagbabalita
36:48para sa GME News.
36:50Bukas na sa publiko
36:51ang mga bagong
36:52pasilidad
36:52ng Bethany Hospital
36:53sa San Fernando
36:54La Union.
36:55Kabilang po dyan
36:56ang clinical laboratory,
36:58dietary department,
36:59x-ray facilities,
37:00wellness center
37:01at orthopedic
37:02multi-specialty center.
37:04Bukas na rin po
37:05ang Bethany
37:05Wounds Center.
37:06Layon daw
37:07ng ospital
37:07na maabot
37:08ang pangangailangang
37:09pangmedikal
37:10ng mga mas maraming
37:11ilukano.
37:12Taong 1921
37:13nang buksan
37:14sa publiko
37:15ang Bethany Hospital.
37:18We have
37:19a more
37:20inclusive
37:21perspective here
37:22so that
37:23especially
37:24the poor
37:24may benefit
37:27from these
37:28upgraded
37:29facilities.
37:30In wound care
37:31naman,
37:31what we can do
37:32is that
37:32we can offer
37:33the basic
37:34support
37:35but at the same
37:36time we can also
37:37give the advanced
37:40modalities
37:40in the treatment
37:41of wounds.
37:56Nakiisa si
37:57Pope Leo XIV
37:58sa mga Pilipinong
37:59apektado
37:59ng magnitude
38:007.8 na lindol
38:01sa Mindanao.
38:05Asikuro
38:06la mia vincinanza
38:07a la populación
38:09de la Pilipina
38:10COVID-19
38:12de la Pilipinong
38:13de la Pilipinong
38:14Forte Terremoto.
38:16Bahagi po yan
38:17ang Angelus Prayer
38:18ni Pope Leo
38:19sa Vatican City
38:20kahapon.
38:22Ipinagdarasal
38:22daw ng Santo Papa
38:23ang mga nasawi,
38:24mga sugatan,
38:25pati ang kanikanilang
38:26pamilya.
38:29The International
38:31Criminal Court
38:32is now in session.
38:34Rodrigo
38:34Roan
38:36Lutero
38:43Ipinag-utos
38:44ng International
38:45Criminal Court
38:46Trial Chamber
38:463
38:47ang panibagong
38:48medical examination
38:49kay dating
38:49Pangulong
38:50Rodrigo
38:50Duterte.
38:51Ayon sa chamber,
38:52ito'y para malaman
38:53kung maayos
38:54ang kalusugan
38:55ni Duterte
38:55at kaya niyang
38:56humarap
38:57sa paglilitis
38:57sa Nobyembre.
38:59Kailangan daw
38:59ang objective
39:00na assessment
39:01sa kalusugan
39:02ng akusado
39:02mula sa mga
39:03independent expert.
39:05Tatlong doktor
39:06na hindi pinangalanan
39:07ang inatasang
39:08sumuri sa kalusugan
39:09ni Duterte.
39:10Sa August 18,
39:11ipinasusumiti
39:12ang resulta
39:13sa registry.
39:15Sa November 30,
39:16itinakda ang simula
39:17ng paglilitis
39:18kay Duterte
39:18para sa kasong
39:19Crimes Against Humanity.
39:23Inaprobahan din
39:24ng chamber
39:25ang hiling
39:25ni Duterte
39:26na isama
39:27ang isang
39:27individual
39:27na hindi
39:28tinukoy
39:29sa listahan
39:30ng kanyang
39:31non-privileged
39:31contacts
39:32o yung mga
39:33maaari niyang
39:34makausap
39:34at tanggapin
39:35bilang bisita
39:36sa detention center.
39:41Samantala,
39:42bibigyan
39:42ang scholarship
39:43ang anim
39:44na kapatid
39:44ng pumanaw
39:45na Ateneo
39:46men's basketball
39:46player
39:47na si
39:48Rene
39:48Batorboña
39:49mula po
39:50sa Ateneo
39:51de Davao
39:51University
39:52kung saan
39:53siya
39:53nagtapos
39:53ng high school.
39:54Sabi ni
39:55Ateneo
39:56de Davao
39:56University
39:57President
39:57Father
39:57Karel San Juan
39:58sa isang visa
39:59nitong
40:00Sabado,
40:01ito'y para
40:01matupad
40:02ang pangarap
40:03ni Rene
40:03na mapag-aral
40:05ang mga kapatid.
40:06Inanunsyo rin
40:07ni Father
40:07San Juan
40:08na ipapangalan
40:09kay Batorboña
40:10ang covered court
40:11ng Ateneo
40:12de Davao
40:13Senior High School.
40:14Mula sa Davao City,
40:16ibinabiyahin na
40:16ang mga labi
40:17ni Batorboña
40:18sa kanyang hometown
40:19na
40:21Talacogon
40:22Agusan
40:23del Sur.
40:24Inihanda na
40:25ng lokal na pamahalaan
40:26ang Talacogon
40:27Municipal Gymnasium
40:28kung saan
40:29ibuburol ang labi
40:31ni Batorboña.
40:35Susunod,
40:36prototype
40:37ng karakter
40:38ni Bianca
40:38Umali
40:39na si Ella
40:39Arcangel
40:40ipinakita
40:41sa ToyCon
40:422026
40:43sa pagbabalik
40:44na yan
40:45ng Balitang Han.
40:46lai
40:47na ni
Comments

Recommended