Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga maiinit na balita ngayong August 27, 2026


-Lalaki, kalaboso matapos mabistong namboboso umano sa mga babaeng katrabaho; Suspek sa pamboboso gamit ang spycam, sa korte na lang daw magsasalita

-PAGASA: LPA sa Philippine Sea, may posibilidad na maging bagyo

-EDSA-Balintawak, ininspeksyon ng DPWH para solusyunan ang problema sa baha

-Lalaki, patay matapos maligo sa dagat nang nakainom

-Gust front o malakas na hanging dala ng thunderstorm, nagdulot ng zero visibility sa ilang bahagi ng Metro Manila

-Tubig, tumulo sa loob ng isang bagon ng LRT-1 matapos mabarahan ang drainage ng aircon; LRMC, inisyuhan ng citation ticket ng LRTA kasunod ng pagtulo ng tubig sa loob ng bagon ng LRT-1

-2, patay nang mabangga ng truck ang isang jeep; 11 sugatan

-Bag na naglalaman ng cellphone at P25,000 na pang-tuition sana, ninakaw sa isang bahay

-AZ Martinez, Ralph de Leon at Michael Sager, bibida sa romcom series na "The Way back to You"

-Physical at financial plan para sa OVP confidential funds, inusisa; OVP Asst. Chief of Staff Ortonio: Sina VP Sara Duterte at Col. Raymund Lachica ang may alam kung paano ginastos ang confidential funds;

-Depensa at prosekusyon, susundin daw ang desisyon kaugnay sa pagpapatupad ng sub judice rule sa paglilitis


-Cellphone ng isang babae, hinablot ng isang motorcycle rider

-Batang lalaking tinangay ng alon sa dagat, natagpuang patay

-Kaliwang braso ng 9-anyos na lalaki, natuhog ng bakal na gate habang naglalaro


-Bayan ng Mamburao, isinailalim sa State of Calamity dahil sa pinsalang iniwan ng Habagat; 

-Posibleng epekto o pinsala ng sama ng panahon, ibibigay na rin ng PAGASA sa pamamagitan ng impact-based forecasting

-INTERVIEW: DR. JOHN MANALO, WEATHER SPECIALIST, PAGASA


 


-Nepali Police: Hindi bababa sa 157, patay sa flash floods at mudslide; mahigit 400, nawawala; China State Media: 3 patay sa mudslide; 265 nawawala


 


-P12.34B halaga ng iligal na droga, sinisira para hindi maibalik sa illegal drug trade




-Batang babae sa Brgy. Mansaya, nasawi sa dengue


 


-Kaanak ng biktima ng War on Drugs, humarap sa ikalawang Public Truth-Telling Session ng Truth Commission


 


-Shuvee Etrata at Alex Eala, may unexpected encounter sa New York City; Shuvee Etrata, enjoy sa kanyang trip sa Amerika; Anna Wintour, napansin ang interest ni Alex Eala sa fashion



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30So, ang isang lalaki matapos mabisto ang pamboboso niya umano sa mga babaeng katrabaho sa Maynila.
00:36Ang suspect naglagay rao ng spy cam sa banyo nang tinutuloy nilang staff house.
00:41Balita natin ni Jomera Presto.
00:46Tila nagvavlog sa loob ng CR ang lalaking yan na nasa video.
00:51Pero, nagsiset up pala siya ng spy camera para makapamboso umano sa mga babaeng katrabaho niya
00:57na tumutuloy sa kanilang staff house sa Malate, Maynila.
01:00Ayon sa admin ng staff house, saktong naliligo ang isa nilang katrabaho
01:04nang mapansin ang isang hugis ballpen na nakaipit sa gilid ng inidoro.
01:09Nang inspeksyon ni nila, dito nakita na may memory card sa loob ng ballpen.
01:13Tinignan daw nila ito sa computer.
01:15Doon na nakita ang dalawang babae nilang katrabaho na nakuhanan sa video habang naliligo.
01:21Natukoy ng mga empleyado kung sino ang nasa likod nito
01:23dahil kita siya sa video habang sineset up ang spy cam.
01:28Sa pagkakilala ko po sa kanya, mabait po siya.
01:32Kaya hindi po namin siya nakitaan na parang may red flag na, parang gagawin sa amin yun.
01:37Bali, mag-eight months lang po siya sa amin.
01:40Agad isinumbong sa mga otoridad ang sospek.
01:43Inaresto siya ng pulisya.
01:45Malamang ko na matagal niya nang ginagamit yun.
01:49Nakakabit mo sa CR na yun.
01:51Na-inquest na kahapon ang sospek.
01:53Ayon sa pulisya, iniimbestigahan na nila kung ano ang planong gawin ng sospek sa mga nakuhang video
01:59at kung posibleng ibinibenta niya mga ito online.
02:02Pang-personal niya lang na pong consumption, yun po ang pagkakasabi.
02:07Sinampan po natin siya ng paglabag po sa RA-995
02:10o yung Anti-Photo and Video Buyorism Act of 2009.
02:15Nasa kustodiyan ng Malate Police Station ang sospek.
02:27May bagong low-pressure area na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
02:32Ayon sa pag-asa, may medium chance itong maging bagyo at tatawagin sa local name na Pilandok.
02:38Sa ngayon, namataan ang LPA mahigit siyam na raang kilometro kasilangan ng extreme northern Luzon.
02:44Wala pa itong epekto sa lagay ng ating panahon.
02:46Hanging habagat ang magpapaulan pa rin po sa Luzon at western Visayas.
02:51Makakaasa muli sa maayos at maaraw na panahon ang nalalabing bahagi ng bansa.
02:55Pero, binapa-alerto pa rin po sa mga posibleng local thunderstorm.
03:00Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin ng halos muong bansa.
03:04Kasama po tayo dito sa Metro Manila sa mga susunod na oras.
03:08May heavy to intense rain sa ilang lugar na maaari magdulot ng baha o landslide.
03:14Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilampanig ng Negros Oriental.
03:18Tatagal ang masabing babala hanggang 11.48 ngayong umaga.
03:22Easy na ilalim naman sa thunderstorm watch hanggang alas 10 mamayang gabi,
03:27ang Davao Region at northern Mindanao.
03:32Nag-inspeksyon ang DPWH sa EDSA Balintawa kaugnay sa plano kontrabaha.
03:38Bumungad sa kanila ang mababa at halos baradong concrete pipe sa G. Araneta Creek Extension.
03:43Parte ang creek ng isasagawang drainage master plan ng Quezon City.
03:46Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon,
03:49papalakihin ang kapasidad niyan para maiwasan ang pagbaha sa EDSA Balintawak.
03:54Lalagyan din ang water retention basin sa Balintawak Cloverleaf.
03:58Makikipagungnayan pa ang DPWH sa Maynilad para magamit sa pagre-recycle ang may impact na tubig.
04:04Makikipagtulungan ang DPWH sa LGU at Enlex Corporation para matapos ang proyekto.
04:15Patay ang isang lalaki matapos malulod sa dagat na sakop ng bawang launyon.
04:21Nag-beach trip ang lalaki at kanyang pamilya para ipagdiwang ang birthday ng isa nilang kaanak.
04:27Ayon sa pulisya, lasing ang 30-anyos na lalaki ng maisipang maligo sa dagat kasama ang kanyang pinsan.
04:34Hindi na nakaahon ang bikima hanggang matagpuan po siya na wala ng buhay.
04:40Nai-uwi na ang mga labi niya sa mga tarem, Pangasinan.
04:46Nabalot ng makapal na alikabok ang ilang bahagi ng Pase at Makati kahapon.
04:51Halos nag-zero visibility pa pasado alas dos ng hapon.
04:54Malakas ang hangin noong mga sandaling yun ayon sa uploader ng video.
04:58Unti-unti ring nagdilim ang paligid.
05:01Tumagal yun ng 30 minuto hanggang sa humina ang hangin.
05:05Tingin ng netizens, tinakay ng malakas na hangin ang buhangin at alikabok mula sa nire-reclaim na bahagi ng Manila
05:10Bay.
05:11Paliwanag ng pag-asa, hindi sandstorm kundi gust front ang naranasan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
05:17Ang gust ay bahagi ng thunderstorm na may dalang malalakas na hangin na maaaring tumangay sa mga buhangin o alikabok
05:23sa isang lugar.
05:25Ngayong panahon ng habagat, posibleng mapadalas ang thunderstorm activities.
05:29Pinag-iingat ang publiko tuwing may gust front dahil sa dala nitong panganib sa kalusugan.
05:34Maiging magsuot ng face mask.
05:39Tila umulan sa loob ng trend ng LRT-1 ito pong Lunes.
05:44Napatayo sa kanilang upuan ang ilang na perwisyong pasahero dahil sa malakas na tulo ng tubig mula sa kisame ng
05:51bagon.
05:52Kwento ni Hugh Scooper Sampeña Flor, galing siya sa Ninoy Aquino Avenue Station at papuntang FPJ Station nang matuluan ang
06:01kanyang ulo sa bahagi ng monumento.
06:03Nagtaka po siya dahil wala namang ulan noong oras na yun.
06:07Kalaunan, kumalat ang tubig hanggang sa gitna ng bagon.
06:11Ayon sa Light Rail Transit Authority, umapaw ang tubig mula sa air conditioner matapos mabarahan ang drainage system ng trend.
06:19Inissuhan ng LRTA ng citation ticket ang Light Rail Manila Corporation na maintenance provider ng linya.
06:27Sa inilabas na pahayag ng LRMC, sinabi nilang nahana o nahanap at napalitan na po ang nasirang drain line valve
06:34ng air conditioning unit.
06:37Nasira raw ito bago pa ang inaasahang 3 to 5 year lifespan nito.
06:42Isina sa ilalim na sa safety and maintenance check ang nasabing unit.
06:46Para maiwasan daw na maulit ang parehong insidente, mas dadalasan nila ang inspeksyon sa mga drain valve ng aircon ng
06:53mga trend.
06:58Nabanggan ang humaharurot na truck ang pampasayarong jeep na yan sa Batangas City.
07:02Saktong lumiliko noon ang jeep sa bahagi ng National Highway.
07:06Sa lakas ng impact, tumilapo ng ilang sakay ng jeep.
07:10Naaraw ang jeep hanggang madamay ang isang kotse.
07:12Dalawa ang patay sa insidente, kabilang ang isang minor de edad.
07:17Labing isa naman ang sugatan na dinala sa iba't ibang ospital.
07:21Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng truck na posibleng maharap sa patong-patong na reklamo.
07:26Wala siyang pahayag.
07:30Hulikam ang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang bahay sa Navotas.
07:34Kabilang sa mga natangay ay P25,000 in cash na pambayad sana ng tuition sa kolehyo.
07:41Malitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
07:47Nahulikam ang pagpasok ng lalaking yan na nakasuot ng face mask sa isang bahay sa barangay NBBS Kaunlaran na Votas
07:55pasado alas 12 ng hating gabi kahapon.
07:58Sinilip niya muna kung may ibang tao bago siya dahan-dahang umakyat sa second floor.
08:02Maya-maya, kita ang lalaki na may tangay ng bag at saka umalis.
08:07Ang bag, naglalaman daw ng cellphone na P25,000 na pang-tuition sana ng biktimang incoming third-year college student.
08:25Ayon pa sa ina ng biktima, nagkataong nasa kwarto siya nang pumasok ang lalaki sa kanilang bahay.
08:31Hindi rin daw siya na-alerto dahil hindi daw tumahulang alaga nilang aso.
08:36Hindi po ang pinagtataka namin, sir. Kasi kahit po kami, pagbiglang pasok po kami, talaga po tumatahul sila eh.
08:44Kaya kahit din po kami, nagugulat kami na wala kayong ginawa. Ito pong dalawa.
08:49Lumabas daw po yung kanyang anak bandang alas 12 pasado ng hating gabi para puntahan daw po yung tindahan sa
08:56unahan.
08:57Sinarado po niya yung gate pero hindi po nakalakagaya nito.
09:00At nang makita po niya na nakabukas na yung kanilang gate, sinat na po niya ang kanyang kapatid para tingnan
09:07ng CCTV kung may pumasok sa kanilang bahay.
09:10Ang pinapasalamat ko lang po, wala po talagang nangyayari sa'yo.
09:15Paniwala ng barangay, matagal nang inobserbahan ng lalaki ang galaw ng pamilya.
09:21Pagkakaanalyze ko po, parang minanman na na ho talaga eh.
09:25Akala mo nga, tagaroon siya eh. Yung dere-derecho lang po siya, wala siyang takot na ano eh.
09:29Yung buong sala, inigot niya hanggang sa umakyat siya sa 2nd floor.
09:35Mayroon daw mga tip na natatanggap ang barangay patungkol sa salarin at bine-verify ka pa nila ito.
09:41Ang pulisya, iniimbestigahan na rin ang insidente.
09:45Pinasisiguro namin, pero sa ngayon po, pinaliato namin yung lahat ng tanog namin.
09:53Paglaba sila, siguro din lang nakalaki mga gate nila o pintuan.
09:57Nananawagan ang mga otoridad sa may mga impormasyon ukol sa salarin na ipagbigay alam ito sa kanila.
10:04Desididong magsampan ng reklamo ang mga biktima.
10:08Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
10:17Pebe's latest, magsasama sa newest project ang former PBB housemates na sina AZ Martinez, Ralph DeLeon at Michael Sager.
10:27Yan ang romantic comedy series na The Way Back To You, nagkawala project ng New Philippines at Rain Entertainment.
10:35Chika ni AZ, excited at physically preparing na siya for her look sa series.
10:41Para kay Ralph naman, chance raw ito para maipakita ang kanyang kalog at comedic side.
10:47Aminado naman si Michael na labas sa kanyang comfort zone ang role na gagampanan sa The Way Back To You.
10:54Makakasama rin ni AZ at Ralph at Michael sa series si Ashley Sarmiento at Marco Masa.
11:03Super excited na po kasi ito yung first lead ko.
11:06I was the top of mind when they were creating this story.
11:08That's a big thing, that's a big achievement for me.
11:11Kaya ayun, I can't wait. Matagal ko na ito yung naantay.
11:13I think we will be able to create a new Ralph.
11:17Ang dami talaga nga abangan kasi may mga baon na akong mga jokes.
11:20Let's see how it goes.
11:21It's my first time portraying a character like this and siguro dream ko talaga gumawa ng romantic comedy.
11:27It's really stepping outside my comfort zone and trying something new.
11:36Sa muling pagsalang ni OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio sa impeachment trial kahapon,
11:41kabilang sa mga kinwestyon ang ginastos na confidential funds para ipambili ng gamot ng informants.
11:48Itutuloy sa Martes ang impeachment trial dahil regular holiday ang National Heroes Day sa lunes.
11:53Balita atin ni Ian Cruz.
11:58Muling sumalang sa witness stand si OVP Assistant Chief of Staff,
12:03Asek Lemuel Ortonio, para sa cross-examination ng depensa.
12:07Una nilang sinilip ang hindi pagsumite ng physical and financial plan
12:12kasabay ng request ng OVP na confidential funds.
12:16Your request for additional budget was actually approved by the Office of the President.
12:22That's correct, ma'am.
12:24And in the process of approving your request for additional budget,
12:30no issue whatsoever was raised by either the DBM or the Office of the President
12:37regarding the documents that you submitted.
12:40We did not receive any comment regarding the submissions that we've made.
12:46Nasilip din ang paggamit sa confidential fund na nakasal sa physical and financial plan.
12:52The confidential funds were not used to fund the good governance program in itself,
13:00but the implementation thereof.
13:02Yes, that's correct, ma'am.
13:04The confidential funds for the year 2023 were not used to fund the socio-economic program itself,
13:13but the safe implementation thereof.
13:15Pinalagan ito ng prosecution na tinawag si Ortonio na incompetent na tumistigo
13:21kung saan naggastos o napunta ang confidential funds.
13:25He himself explained that he had no participation whatsoever
13:29in the disbursement of said confidential funds.
13:32So this witness, Your Honor, by his own admission,
13:35is incompetent to testify where the confidential funds were spent.
13:40Muling nilinaw kung alam ba ni Ortonio kung saan ginastos ang mga pondo.
13:45Base sa testimony mo, Gino Ortonio, wala kang alam sa paggastos,
13:49pag-liquidate, pag-disburse ng confidential fund. Tama?
13:53Yes, that's correct, Your Honor.
13:55Sabi ni Gina Acosta, wala rin siyang alam.
13:58Based on what I have read in...
14:01Na-testimonyo niya?
14:02Yes, sir.
14:03Base sa pagkakaalam mo, alam ba ng Vice President kung paano ito ginastos?
14:10The way I understand it, sir, as the head of agency,
14:16I would understand that she knows the implementation, sir.
14:20Yes, so si Cornelachica alam din siyempre?
14:23Yes, sir, as the security officer.
14:25In-usisa naman ni Sen. Judge Rafi Tulfo kung bakit hindi tinanong ni Ortonio kung anong klaseng gamotang binili gamit
14:34ang confidential funds ng OVP.
14:36Did you ask kung anong medisinang binili, para saan medisinang bibili ng informant, yung pera?
14:42When the time na nag-consult po ako with the security officer, sir, I did not ask anymore on the
14:49specifics.
14:49You are a very highly educated person from prestigious schools.
14:53Come on, it doesn't make sense. It defies logic.
14:56Tatanoy mo dapat.
14:57At the time po, sir, when I consulted with the security officer, sir, I was not able to ask anymore
15:05on the details, sir.
15:06Why not? It's part of your job.
15:07In fact, pumirma ka eh dun sa pag-reply mo sa EOM.
15:13I asked, sir, kung anong mga nakapikit.
15:16Yes, sir.
15:17No, sir, hindi naman po na nakapikit, sir, because nagtanong naman po ako sa security officer namin, sir, on how
15:26it was released or implemented on the ground.
15:30You could have asked La Chica and said, La Chica, bakit tin tayo pumunta sa DOH, maghingi tayo ng gawit
15:35para makalibli, makatipid tayo sa confidential funds?
15:37That I cannot answer, sir.
15:39Sa pag-interject ni Sen. Judge Kiko Pangilinan, kinwestyon niya kung bakit gamot ang binili bilang reward sa mga informant.
15:47Mahirap paniwalaan na kayo ay gumastos ng 122 milyon para sa gamot na reward dahil nag-surveillance yung mga informant
15:58at nabigyan ng reward at hiningi nila gamot at hindi ninyo binigyan ng gamot, binigyan ninyo ng pera para sila
16:05nang bibili ng gamot.
16:06May napansin naman si Sen. Judge Panfilo Lacson sa Physical and Financial Plan ng OVP Confidential Fund noong 2022 at
16:162023 na nagkakahalaga ng 500 milyon pesos.
16:20Anya, tila iisa at copy-paste lang ang nagtasulat na physical target.
16:27Percentage of activities implemented without untoward security-related incidents.
16:39Paulit-ulit po ito, ano? Ano pong analysis nyo dyan?
16:43These are the activities that will be done, sir.
16:46I know. Hindi ba ito insulto sa common sense? Hindi man lang nyo binago ng konti.
16:51O ako na mag-describe. I think it's stupid.
16:56Sana man lang, binago-bago nyo ng konti.
16:59Sinilip din ang mga dipangkaraniwang pangalan sa acknowledgement receipt na pinirmahan ng mga informant.
17:06Minsan ang natanong ng ilang Sen. Judges, baka alias ang mga ito.
17:12Ang alias po, anong kahalagahan?
17:15I'm not sure of the circumstances surrounding their use of alias.
17:19Under the anti-alias law, sir, inaalaw naman po yung paggamit ng alias,
17:24provided kailangan po nakabanggit din, nakadisclose kung ano yung real name.
17:30That should be a non-issue because even them, they never claimed that in any of their pleading before this
17:35Honorable Court.
17:36Kailangan nyo po ba kung sino si Marisal Bonifacio?
17:40To be candid, Your Honor.
17:42I'm not familiar.
17:43Sino po?
17:44Si Binigno Aquino Jr., si Ninoy.
17:50Siya mismo may alias.
17:52Dahil nabanggit si Ninoy, nag-react si Sen. Judge Bam Aquino, pamangkin ng pinaslang na dating senador.
17:59Tama po, si Ninoy Aquino po ang kanyang alias ay Marshall Bonifacio para makauwi po siya sa Pilipinas kung nasa
18:06Boston siya.
18:07Pero wala naman po siyang confidential funds.
18:10Bago magtapos ang cross-examination, hiniling naman ni Sen. Judge Mig Zubiri na hingin sa COA ang status ng kanilang
18:18findings sa confidential funds.
18:20Can this court make representation with the COA, if possible, during the duration of this trial, so that we may
18:28be guided as judges?
18:30Can they make their finding already with finality?
18:33The Commission on Audit is an independent constitutional commission and I doubt if we would be well within our rights
18:43to compel them, similar to a mandamus, to act one way or the other.
18:50Sa cross-examination naman ang abogado ng BICE, ipinunto ni Ortonio na hindi pa naman daw pinal ang notice of
18:57disallowance ng COA sa OVP at pwede pa itong i-appela.
19:01Hindi rin daw umano ginamit ang confidential funds sa mga regular na programa ng OVP.
19:07Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
19:14May kausap sa cellphone ng isang babaeng naglalakad sa Bacolod City.
19:17Sa likuran niya, may isang lalaking motorcycle rider na binagalan ang kanyang patakbo.
19:22Hanggang sa hinablot na ng rider ang cellphone ng babae.
19:27Sinubukan pang bawiin ang babae ang kanyang cellphone pero bigo siya.
19:31Tumagi magbigay ng pahiyag ang biktima.
19:33Ayon sa kanyang landlady, humo-order noon na makakain ang kanyang tenant gamit ang cellphone.
19:39Inimbestigahan na ng pulisya kung sino ang rider snatcher.
19:46Samantala, wala ng buhay ng matagpuan ng isang batang lalaki matapos tangayin ng alon sa dagat sa Cavite City.
19:54Balitang hatid ni Bam Alegre.
19:59Emosyonal na ang kaanak ng batang lalaki na hinahanap sa taping dagat sa bahaging ito ng barangay 8 Cavite City
20:04kagabi.
20:05Pasado alas 5 kahapon nang iulat sa barangay na nawawala ang 8 taong gulang na bata matapos daw lumangoy kasama
20:11ang dalawang kaanak na minor de edad din.
20:13Ayon po sa kasama, dalawang bata na minor de edad na 12 at 13 at yung biktima po ay 8
20:23years old.
20:23So sila po'y naligo at hawak-hawak po ng 12 years old yung bata at ito po'y napanalim
20:30at nahulog niya yung bata kasi nalunod din po sila yung dalawa.
20:35Hanggang sa pagkita nila, naka-hawon sila na wala na po yung bata.
20:39Tinangay na po ng alon po.
20:40Mula kahapon hanggang bago maghating gabi, nagpatuloy ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard.
20:47Nag-bye-bye-bye-bye ng limang oras po.
20:50So talagang pagod na rin po, nagkasukot-sukot na rin po yung mga panang ating Coast Guard.
20:54So hindi po talaga nila mahanap.
20:56So ngayon po, nagkaplano po sila kung paano ang gagawing operation ulit.
21:02Mamayang umaga po, para napin po ulit yung bata.
21:05Sa bahagi nito ng seawall ng barangay 8 sa Cavite City, huling nakita ang batang biktima.
21:11Kaya dito nakatutok ang paghahanap ng Philippine Coast Guard.
21:14Pansamantala muna nilang itinigil ang operasyon sa magdamag at magpapatuloy sila sa umaga.
21:20Kanina, nakita ng mga taga-barangay ang katawan ng bata.
21:24Inanod ang bangkay malapit sa mga bangka pasado las 4 na madaling araw kanina.
21:30Ang lokal na pamahalaan at pamilya na ang magtidesisyon kung saan siya ibuburol.
21:35Bama Legre, nagbabalita para sa GMA News.
21:44Pasintabi po, natuhog ng bakal na gitang kaliwang braso ng isang batang lalaki sa Tagaluan, Misames, Oriental.
21:51Sa investigasyon ng pulisya, nakikipaglarono ng taguan ng bata sa may kapilya sa barangay Santa Cruz.
21:58Sinaway na ro siya ng ilang residente na huwag akyatin ang gate ng kapilya pero hindi ro'y nakinig ang
22:03bata hanggang sa maaksidente.
22:05Ligtas na ang bata na nagpapagaling pa sa ospital sa Cagayan de Oro City.
22:10Wala pang pahiyag ang kanyang mga magulang.
22:15Easy na ilalim sa state of calamity ang Mamburao Occidental Mindoro dahil po sa pinsalang iniwan ng habaga.
22:21Umabot na sa mahigit sa 100 milyong piso ang kaitalang pinsala sa halos tatlong linggong pag-uulan at pagbaharoon.
22:28Patuloy ang isinasagwang assessment ng lokal na pamahalaan upang matukoy ang kabuang epekto ng masamang panahon sa mga residente, agrikultura
22:38at infrastructure.
22:40Sa Binyan Laguna naman, halos dalawang linggong nalubog sa baha ang barangay de La Paz dahil sa masamang panahon.
22:48Apat na water pumps ang binuksan sa lugar para mabigyan ng ginhawa ang mga residente.
22:54Ayon sa Binyan LGU, pansamantalang solusyon ito habang hinihintay na maitayo ang permanenting pumping station doon.
23:04Hindi na lang po abiso o babala sa paparating nasama ng panahon ang ibibigay ng pag-asa sa publiko,
23:10kundi tungkol sa posibleng epekto o pinsalang idudulot ng weather hazard sa iba't ibang lugar.
23:15Yan po ang impact-based forecasting na iba pa sa nakasanayang ulat panahon ng pag-asa.
23:20Alamin niyan sa Balitang Hatid ni Jamie Santos.
23:26Kung ulan ba o aaraw, nakabantay ang pag-asa at mayang-mayang naglalabas ng mga abiso at babala.
23:34Pero kung dati ang pinakapokus ay uri ng hazard o lagay ng panahon gaya ng lakas ng bagyo o dami
23:41ng ulan,
23:42hindi ng bugso ng hangin o pagiging delikado ng damang init,
23:46ngayon, posibleng na rin makapagbigay sila ng mas espesipikong impact o epekto ng mga ito sa komunidad.
23:52Gaya ng kung gaano kalawak ang pagbaha at posibleng dulot nito sa mga bahay at pasilidad,
23:58pati sa iba't ibang sektor gaya ng agrikultura, kalusugan at utilities.
24:03Posible yan sa panibagong programa ng pag-asa na impact-based forecasting.
24:07So ang ina-address ng impact-based forecasting ay more of potential impacts na dinudulot ng malalakas ng pag-ulan
24:16sa grounds,
24:17kagaya nga po ng malawakang pagbaha.
24:19May apat na level ng potential impacts.
24:22Minimal o green, minor o yellow, significant o orange at severe o red.
24:27At hindi pare-pareho sa iba't ibang lugar.
24:30Ano yung impacts ng heavy rainfall na ito sa health and safety, sa housing and building, sa society and economy,
24:37sa transportation?
24:38For instance, sa health and safety, pag sinabi natin minimal, that's color green, more of business as usual siya.
24:46Pero kung nasa severe or red na IVF or impact-based,
24:51most of the health facilities may be affected, severe injuries, permanent disability and danger to life may be expected.
24:57Sa Metro Manila, dalawang impact levels ang nakikita ng pag-asa sa epekto ng posibleng pag-ulan.
25:04Significant level ang maaring maranasan ng Kaluokan, Maynila, Mandaluyong, Quezon City, San Juan, Marikina, Kaluokan, Malabon at Valenzuela.
25:15Minor impact naman sa timog na bahagi ng NCR.
25:18Pagsapit ng August 29, lalawak na raw ang sakop ng significant level.
25:23Kung sakaling maging severe ang impacts, parang kagaya ito nung nangyari nung Friday, nung nakaraang linggo.
25:33Ito na po yung mga malawakang mga pagbaha na nararanasan.
25:37Hindi lang ng isa, dalawa, tatlong mga cities, kundi majority of the cities in Metro Manila,
25:43and even the entire Metro Manila, inasaan na po talaga natin na may mararanasan na po tayo mga severe impacts.
25:49May babala na rin sila sa posibleng epekto ng ulan sa iba pang lugar.
25:54Nasa severe o red category ang ilang lugar sa Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.
26:00Orange category sa ilang bahagi ng Bataan, Cavite, Rizal, Zambales, Batangas, Laguna, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.
26:09Dagdag lang ang impact-based forecasting sa tradisyonal na rainfall warning ng pag-asa.
26:15Jamie Santos, nagbabalita para sa JMA News.
26:20At para sa latest, sa lagay ng panahon, ngayon pong may binabantay ang low pressure area na posibleng maging bagyo,
26:26makakaparean po natin si pag-asa weather specialist, Dr. John Manalo.
26:30Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
26:33Magandang umaga din po, Ma'am Connie, at ganun din sa mga nakasubaybay.
26:37Saan po mga lugar? Unang makakaapekto kaya ang LPA na may medium chance na maging bagyo
26:42at tatawagin po kasakali ng Pilandok as local name.
26:47Opo, tama po, Ma'am Connie.
26:49Yung unang makakaapektohan, actually, yung habagat pa, yung mas makakaapekto.
26:54Lalo na dito sa Ilocos Region, ganun din sa Cordillera Administrative Region.
26:58Yung Central Zone, lalo na po yung nasa kandurang bahagi, itong Zambales at Bataan.
27:04Kasama din po dito yung mga probinsya ng Cavite, Batangas.
27:08And actually, bukas magsisimula na po ang mas mataas na chance ng mga pagulan,
27:13lalo na sa hapon dito sa Metro Manila at ilang lugar sa Western Visayas.
27:18Kasama po dito yung Antique, Iloilo, Guimaras at kasama din po yung Negros Occidental.
27:24Kakatingin ko lamang po doon sa monitor ng pag-asa, monitoring system nyo,
27:30parang 99% chance of rains bukas, tama po ba?
27:34At sinasabi nilang po pwedeng magkaroon ng mga bahabahan na naman muli.
27:39Yes po, tama po yan, Ma'am Connie.
27:41At posible na naman po yung mga localized floodings.
27:45Kaya ngayon pa lang po gusto natin na ipaalala sa mga kababayan natin.
27:49Kasama po yung Metro Manila, yung kandurang bahagi ng buong Luzon at yung Western Visayas.
27:53Posible po yung mga pagulan na posibleng magdulot ng mga localized flooding.
27:58So yung mga uwi-bukas ay magingat po at maging aware.
28:02Okay, magiging sing tindiho kaya yan nung nakalipas po na lunes, no?
28:07Kung saan talagang matindiho yung naging pagbabaha?
28:11Ang Ma'am Connie, yung nakaraang lunes na nangyari na sobrang severe ay kinoconsider natin ito as extreme rainfall event.
28:19So, bihira po itong mangyari at hindi po natin inaasahan yun sa darating na weekend.
28:24Pero, huwag po natin alisin yung posibilidad.
28:27Although mababa yung chance na mangyari ito, pero yung possibility ay mananatili po na present.
28:33Okay, sa latest monitoring po nyo, may iba pa bang LPA na namamataan po sa labas ng PAR?
28:40Sa labas po ng PAR, medyo may kalayuan po, pero may minomonitor po tayo.
28:44Ang good news naman po dito, yung distansya nito sa Pilipinas ay sobrang laki na kung saan na hindi po
28:50ito makaka-apekto sa mararanasan nating weather dito sa ating bansa.
28:54Okay, pero pagdating ho ng weekend, may mga maglalakwat siya.
28:57Ano naman ho ang lagay ng panahon?
28:59Kaya may mga malalakas pa rin ho ba na pag-uulan, nadulat pa rin ho ng habagat?
29:05Kina-tulungkot po natin, Ma'am Goni, pero magiging maulan po yung ating darating na weekend dahil po sa moisture
29:11na daladala nitong hangin habagat.
29:14Kaya po mataas yun siya sa mga pag-ulan.
29:17Lalo na po, again, sa kandurang bahagi ng Luzon, yung sa mga binangit po natin na mga lugar.
29:22Doon po naman sa kabaliktaran nyo na nangyayari ngayon sa Mindanao, mataas pa rin ho ba yung heat index na
29:27kanila hong mararanasan doon in the coming weekend or kaya bukas?
29:33Yes po, magpapatuloy po pa rin yung ganong weather condition.
29:38Actually, medyo weird nga po, bakit sobrang ulan dito sa my Luzon pero sa Mindanao?
29:43Ay hindi, response din po ito ng difference, ng efekto ng L-nino.
29:48L-nino pa rin po tayo ngayon and then yun po yung mas nakaka-apekto sa Mindanao.
29:51Pero mahalaga din po na maintindihan natin, ano po ba yung difference ng habagat at L-nino?
29:56Nung L-nino po ay longer period. May mga taon tayo na L-nino, may mga taon tayo na L
30:00-nino.
30:01Pero yung rainy season po natin na kung saan ay nakaka-apekto sa atin sa lukuyan, ay nararanasan po at
30:07nakaka-apekto sa atin taon-taon.
30:10So magkaiba po yung temporal period nito pero pareho po nakaka-apekto sa ating bansa.
30:13Okay, yung tungkol naman sa gust front na namataan po sa Bandang Pasay kahapon, ano ba ang kaibahan nito sa
30:20ipo-ipo o yung tinatawag na sandstorm?
30:24Well, yung ipo-ipo po ay may local term po tayo nito na kapag may maliit na dust devil o
30:29may pag-ikot ng hangin sa kalupaan, maliit lang, ipo-ipo yung tawag natin dito.
30:34Pero ipo-ipo din po yung tinatawag natin na water spout, yung pag-ikot ng tubig na konektado dun sa
30:40mga kaulapan and then sa tubig-dagat din.
30:43So water spout naman po yung tawag dito.
30:45So totally different po ito dun sa naranasan natin na binabanggit natin ngayon.
30:51At iba rin po ito dun sa binabanggit natin na sandstorm.
30:55Yung sandstorm naman po usually yung ideal na sandstorm po kasi yung nangyayari sa mga desertong mga lugar.
31:01Pero in context, pwede po natin ihalin tulad na pwede medyo may kapareho yung case na ito in terms of
31:09pagdadala ng hangin o pagpapaakit ng hangin sa mga dust, sa mga particles, sa sand.
31:15So kapag dahil po dun sa area, dun sa pinakita na video na pinapakita po natin ngayon,
31:21ay may mga sand and dust po na tinangay ng hangin.
31:24Bago mangyari yung thunderstorm activity, usually may posibilidad po ng mga downburst o bigla ang paglakas ng hangin sa front
31:32o sa harapan ng mga thunderstorm activity.
31:35At yung pagbugso ng hangin na yun, yun po yung umihib dun sa area na kung saan may mga dust.
31:42And then yun din po yung nagpaangat.
31:43Kaya usually, ang nagiging efekto po nito ay bumababa yung visibility.
31:48And gusto rin po natin na ipagbigay alam na hindi po ito maganda kapag ini-inhale natin.
31:56Yung mga dust po, yung mga small particles suspended, yung air, kapag na-inhale po natin yan,
32:00posible po pumasok yan sa ating respiratory system at maka-apekto ka po.
32:05Oo, talaga po. Ano yun nga po, lalong-lalong dun sa mga may respiratory problems, ingat.
32:10But is there a way para po ma-predict ito before mangyari?
32:14Ano ba yung mga factors na nakaka-apekto po kung bakit tayo nagkakaroon ng gust front?
32:21Yung thunderstorm activity po, ayan yung medyo parang ideal sa Pilipinas.
32:29Kasi maritime continent po tayo, napapaligiran tayo ng mga katubigan.
32:33So yung mga thunderstorm activity, bigla-bigla po yan na sinusulpot.
32:37Kaya yung kahalagahan ng heavy rainfall warning natin and then thunderstorm advisory natin
32:41na nakikita po natin gamit yung mga Doppler radars,
32:44yung lead time po yan ay usually 2 to 3 hours prior to the event.
32:49So posible na mangyari yan basta-basta, lalo na po sa ganitong panahon ng rainy season.
32:55So para ma-prevent po ito, ay tignan po natin kung merong mga clear area,
33:00usually yung mga dry area na may mga kalupaan, buhangin, mga dust, sand,
33:05na posibleng lili pa rin ng hangin and then pwedeng matransport from one area to another.
33:11So yun po yung mga area na mas prone sa mga ganitong fenomen.
33:16Okay, marami pong salamat sa inyong update and karagdagang impormasyon na yan.
33:20Thank you po.
33:22Salamat din po, ingat po tayo.
33:23Yan po naman si pag-asa weather specialist Dr. John Manalo.
33:35Huli ka, mang takbuhan ng mga tao papalayo sa isang gulaas ilang gusali sa Nepal-China border
33:40dahil sa rumaragas ng baha na may halong putik at bato.
33:43Ang ilang nakaparadang bus at track, tinangay na parang mga laruan.
33:47Sa bilis ng ragasan ng baha, marami sa mga tawang natabunan, pati mga bahay at iba pang struktura.
33:54Ayon sa Nepali Police, may narecover na silang 157 bangkay.
33:59Mahigit apat na rang turista naman ang pinaghanap.
34:02Mahigit tatlong daan sa kanila ay mga dayuhan.
34:05Sa tala naman ng state media ng China, tatlo ang nasawi sa mudslide sa bahagi ng Tibet
34:10habang mahigit dalawang daan ang nawawala.
34:13Nagpapatuloy pa ang rescue operations.
34:16Inaalampan ng motoridad ang sanhin na matinding flash flood at mudslide na ito.
34:20Wala pang impormasyon kung may nadamay na Pilipino.
34:23Sa insidente.
34:27Ongoing po ngayon ang pagsira ng motoridad sa mga nakumpiskang mga iligal na droga
34:31sa iba't ibang operasyon.
34:34Update tayo sa ulat on the spot ni Oscar Oida.
34:37Oscar!
34:40Yes, Rafi, aabot nga sa mayigit dalawang tunelada ng iligal na droga na tinatinagkakahalaga
34:47ng aabot sa 12.34 billion pesos ang sinisira ngayon ng mga tawangan ng Philippine Drug Enforcement Agency
34:55o PIDEA.
34:57Ito'y sa pamamagitan ng tinatawag na thermal decomposition sa isang waste management facility dito sa Cavite.
35:05Ayon sa PIDEA, ito na ang pinakamalaking volume ng dangerous drugs na sinira ng ahensya ngayong taon.
35:13Kabuang 2.22 milyong gramo ng solid substances at higit 106,000 milliliters ng liquid dangerous drugs
35:22ang sinailalim sa disposal.
35:25Pinakamarami rito ang shabu na umabot sa higit 1.77 milyong gramo
35:30at tinatayang nagkakalaga ng 12.06 billion pesos.
35:35Kabilang sa pinagmulan ng mga droga, ang malalaking operasyon sa Mimaropa at Valenzuela City
35:41kung saan humigit kumulang 1.7 metrikong tunelada ng shabu ang nakumpiska.
35:47Ayon kay PIDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez,
35:51tinitiyak ng pagsisira na hindi na muling makakabalik sa iligal na drug market
35:56ang mga nakumpiskang droga.
35:58Nasaksiyan din ang aktibidad ng Dangerous Drugs Board Chairperson Secretary Oscar Valenzuela
36:05at kinatawan ng iba't ibang ahensya at law enforcement partners.
36:09Ayon sa PIDEA, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na masiguro ng iligang iligal
36:15or ang legal, transparent at permanenteng disposal ng mga nakumpiskang droga.
36:22Raffi?
36:23Maraming salamat, Oscar Oida.
36:30Nasawi ang isang batang babae sa Ilo-Ilo City dahil po sa dengue.
36:34Kwenta nung ama ng bata, sinundun niya ang anak sa eskwalahan noong August 17,
36:39matapos sumama ang pakiramdam.
36:41August 20 nang ipacheck up nila ang bata sa health center dahil sa pabalik-balik na lagnat.
36:46Doon na nalaman na positibo po siya sa dengue.
36:50Inirecommenda umano ng doktor na agad ipa-admit ang biktima sa ospital
36:53pero umuwi din sila kalaunan matapos mag-normal ang platelet ng bata.
36:58August 21 nang i-admit na ang biktima sa ospital dahil sa mababang platelet count.
37:03Makalipas po ang tatlong araw, binawian ng buhay ang bata.
37:07Sa record ng barangay Mansaya, anim na ang nagkadengge sa lugar ng ngayon pong buwan.
37:13Nakatira malapit sa creek ang ilan sa kanila.
37:15Kahapon, nagsagawa na po ng misting ang City Health Office roon
37:19at inabisuhan ang mga residente na patuloy na maglinis ng paligid.
37:24Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health,
37:27109,390 ang naitalang dengue cases sa bansa.
37:32Mas mababa po daw yan ng 43% mula sa 192,788 cases
37:38na naitala sa parehong panahon noong 2025.
37:40Ayon sa kagawaran, Central Luzon, Davao Region at Ilocos Region ang may mga pinakamataas na barangay clustering o pinagsama-samang
37:50kaso ng dengue.
37:51Paalala po ng DOH gawin ang 5S para iwas dengue.
37:55I-search or I, i-search and destroy ang mga pinamumugaran ng mga lamok.
38:04Seek early consultation, lalo na kung may sintomas ng dengue gaya po ng mataas na lagnat,
38:09mananakit ng ulo at katawan at namumulang rashes o pantal.
38:14Secure self-protection o magsuot po ng long-sleeved na dami at pantalon at gumamit po ng mosquito repellent.
38:23Support, fogging and spraying sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue.
38:28At sustained hydration o uminom po ng maraming tubig.
38:36Binaluhan ng ilang kaanak ng biktima ng extrajudicial killings ang ikalawang public truth-telling session
38:41ng Truth Commission na nangangalap ng mga salaysay tungkol sa drug war.
38:47May ulat on the spot si Ian Cruz.
38:49Ian?
38:53Yes, Connie, si Marisa Hamoy nga ang truth-teller sa ikalawang public truth-telling ng Truth Commission.
39:00Ito yan sa Popayos 12 Center sa lungsod ng Maynila.
39:05Si Nanay Marisa, ang ina niya, Darwin Hamoy, na napas lang kasama ng apat na iba pa sa Payatas, Quezon
39:11City noong August 15, 2016.
39:13Ikinwento ni Nanay Marisa ang nangyari noong gabi bago ang insidente.
39:17Nasa lamay pa daw sila at ang anak, nagpaalam na may pupuntahan lamang.
39:21Maya maya may narinig na siyang putukan at hindi na nakauwi ang anak.
39:24Nakasama na pala sa umuna insidente ng drug by bus operation kung saan limang patay at isa ang sugatan.
39:29May birthday party rao sa pinangyarihan ng insidente.
39:32Naiyak si Nanay Marisa na ikwento na hindi naging madali ang pinagdaanan niya at pong pamilya matapos ang insidente.
39:39Ilang ospital at puneraria rao ang pinuntahan niya para mahanap lamang ang anak.
39:43Pangwalong araw na nang matuntun nila sa puneraria sa Kamuning, Quezon City, ang anak.
39:47Nahirapan siyang tubusin ang anak dahil mahal umano ang hinihingi ng puneraria.
39:51Paahirapan din ang pagkuhan ng mga dokumento mula sa pulis siya.
39:53Matapos mailibing ang anak, nagtungo raw siya sa Commission on Human Rights para maghain ng reklamo.
39:58Kalauna napunta sa ombudsman ang usapin para sa mga nag-operate na pulis pero na-dismiss din ang reklamo.
40:04May reklamo rin sa Internal Affairs Service o IAS ng PNP pero na-dismiss din.
40:09Ang nakalulungkot ang ibaronyang kasama na unang nagreklamo laban sa mga pulis, nagpaareglo at napunta na.
40:15Sa kabilang panig, maraming hirap din daw ang inabot ng pamilya yung kanyang mister.
40:19Hinuli ng mga pulis dahil sa droga at cara-cruise sa drug test.
40:22Lumabas na hindi gumagamit ng droga ang kanyang mister at magiging sinanay Marisa.
40:26Naulit para ang paghuli sa kanyang mister dahil sa cara-cruise ng apat na beses.
40:31Pero ang nais daw ng asawa niya, okay lang na makulong siya.
40:34Basta tuloy ang paghahanap ng ustisya para kay Darwin.
40:37Nagbigay ng presentasyon si Dr. Raquel Fortun patungkol sa pag-handle sa crime scene.
40:41Marami siyang nakita na hindi tamang ginawa.
40:43Gaya ng pagdadala sa ospital ng mga nasawi, dapat daw ay naidokumento na sa crime scene.
40:48Hindi rin satisfied si Fortun sa ulot ng medico-legal na tumingin kay Darwin.
40:52Nagsasagawa o nagsagawa na pagsusuli ang grupo ni Fortun sa mga buto ni Darwin.
40:56Pinangunahan naman ni dating ICC Judge Raul Pangalangan,
41:00ang Truth Commission na isang independent at civil commission na naglalayong malaman
41:06ang buong katotohanan tungkol sa mga extrajudicial killings na naganap noong war on drugs
41:10ng nakalipas na administrasyong Duterte.
41:14Yan muna ang latest mula rito sa lungsod ng Maynila.
41:16Bali sa'yo, Connie.
41:17Maraming salamat, Ian Cruz.
41:23May unexpected encounter si Sparkle star Shuvie Etrata while enjoying her trip abroad.
41:30Si Pinay tennis player at world number 18 Alex Ayala ang namit ng Cebuana Beauty.
41:35Sa kanyang pag-iikot sa The Big Apple.
41:38Stunning in their OOTD si Shuvie at Alex while posing for photos.
41:42Kita rin ang excitement ni Shuvie na napa-fangirl mode on sa kanyang Instagram story.
41:48Nasa Amerika ngayon si Shuvie savoring the aesthetic spots, delicious meals at boutiques
41:53na proof daw na worth it ang lahat ng kanyang struggles at prayers.
42:00Yan ang may init na balita ngayong tanghali. Ako po si Connie Season.
42:04Rafi Tima po.
42:05Kasama niyo rin po ako, Obri Carantel.
42:07Ito po ang GMA News. Walang kinikilingan, walang pinaprotektahan.
42:10Noon at ngayon, servisyong totoo.
42:12Noon at ngayon, servisyong totoo.
42:14Noon at ngayon, servisyong totoo.
42:25Noon at ngayon, servisyong totoo.
42:26Socmasti Blow note on 3S.
42:26Noon at ngayon, servisyong totoo.

Recommended