Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Aaaaaah!
00:03Aaaaaah!
00:04Aaaaaah!
00:05Aaaaaah!
00:06Aaaaaah!
00:08Aaaaaah!
00:12Naghihitay pa rin ng relief goods
00:13ang mga residente ng GLAN, sa Rangani,
00:16na na-apekto ng magnitude 7.8 na lindol itong lunes.
00:20Pairapan po kasi ang pagdadala ng tulong doon
00:22dahil sa mga nasirang kalsada.
00:24Nakako naman si Pangulong Bogbong Marcos
00:26na kabilang sila
00:27sa hahatiran ng assistance ng gobyerno.
00:31May unang balita si Maki Pulido.
00:36Mula sa ere, kita kung paanong nabali ng magnitude 7.8 na lindol
00:41ang Sapumasla Bridge sa malapatan sa Rangani.
00:44Sa aerial survey ng FIVOX,
00:46kita rin ang pinsala sa dike
00:48at mga gumuho o di kaya'y tumagilid na bahay.
00:52Para makabiyahin na mga sasakyan hanggang sa Bayan ng GLAN,
00:55target na maayos ang kalsadang nabiyak at tila hiniwa-hiwa ang simento.
01:01Dahil ginagawa na rao ng DPWH yung portion ng highway na nagkabiyak-biyak
01:07ay pinagbabawalan dumaan kahit na mga tao, hindi lamang mga sasakyan.
01:12So para makarating tayo,
01:14lampas nun, para malampasan natin,
01:16ay kailangan sumakay tayo ng bangka.
01:19Nagdeklara na ng State of Calamity ang buong lalawigan ng Sarangani
01:23para magamit ang emergency funds at mapabilis ang relief efforts.
01:27Tulong na kailangan-kailangan ng maraming biktima ng lindol.
01:31Gaya ni Julito,
01:32nasa gilid ng kalsada muna natutulog
01:34matapos sirain ng lindol ang kanilang bahay.
01:37Naghihintay pa rin ng tulong.
01:38Wala namang matulong pa na tanggap namin.
01:40Pagkain at saka tubig.
01:42Walang mainom.
01:43Tatlong araw na rin naghihintay ng kahit kaunting tulong si Ronald Zubel.
01:47Gustuhin mang kumita,
01:49wala namang nag-aarkila ng kanyang bangka mula ng lumindol.
01:52Sa oras na maubos ang kanilang limang kilong bigas,
01:55wala na raw siyang maipapakain sa tatlo niyang anak.
01:58Walang lapit na maubos ma'am.
01:59Kunti na lang.
02:01Yan na ang problema.
02:02May kasi hindi kami kamarapuhin kasi kilitong ma'am.
02:05May lindol, wala namang trabaho.
02:08Burante lang.
02:09Bigas lang, ma'am.
02:09Saka tubig.
02:10Yan lang, ma'am.
02:11Matulogan ang anak namin.
02:14Sabi ng lokal na pamahalaan ng GLAN,
02:16pahirapan talaga ang pagdating ng relief goods.
02:18Kaya't hinihintay nilang maayos ang kasada
02:21para mapabilis ang pagdating ng tulong.
02:23Sa mga naghihintay ng tulong,
02:25naiintindihan namin sa,
02:26humingi lang kami ng pasyensya.
02:27Kami gusto talaga namin makarating agad.
02:30Pero naiintindihan naman natin
02:31na hindi talaga natin mapabilis
02:33kasi yung daan wala.
02:34Pati matitirhan,
02:36malaking hamon
02:37para sa maraming biktima ng lindol.
02:39Nasa dalawampung bahay,
02:41yung dating nakatirik,
02:42sa gilid ng bundok na ito,
02:43dito sa bayan ng GLAN,
02:45sa probinsya ng Salangani.
02:47Pero dahil dun sa lindol,
02:49sira na lahat ng mga bahay.
02:52Itong bahay nga na ito,
02:53nahulog na dun sa gitna
02:55kung saan nabiyak yung lupa.
02:58Dito dati nakatira ang pamilya
03:00ni Maricel Poncardas.
03:01Hindi po namin alam kung ano yung mangyayari
03:04kasi wala naman kaming mapupuntahan.
03:08Dito lang kami naninirahan sa ano,
03:10wala rin kaming sariling lupa kasi.
03:14Bahala na po ang ripamin noon.
03:16Nag-aalala na rin ang mga doktor
03:18sa Rural Health Unit
03:19dahil naubusan na sila ng anti-tetanus shot.
03:22Sa mga cases na nakita namin,
03:25yung mga patients talaga kami
03:26na makapunta dito na
03:27for example may mga deep wounds,
03:29yun kasi kailangan talaga yung
03:30magwigyan ng anti-tetanus
03:32para hindi mag-fester yung infection.
03:36Yung delikado kasi sa tetanus
03:37is kapag bababa yan sa lungs,
03:38magkakaroon ng respiratory arrest
03:41yung patient, hindi siya makakahinga.
03:43Sa GLAN Provincial Hospital,
03:45nagtitiis pa rin sa init
03:46ang mga pasyenteng nasa parking lot pa rin
03:48dahil hindi pa cleared ang hospital building.
03:51Our OR is non-operational,
03:55our laboratory is non-operational,
03:57and we don't have the consultants
04:00because our consultants
04:01come from Jansan area,
04:03anesthesiologist,
04:04they could not come here
04:05because the road is non-passable.
04:09So these patients need to be airlifted
04:12or by sea ambulance
04:15or whatever available
04:17for them to be transferred to higher facility.
04:20Isa si Cambria sa tatlong araw
04:22nang naghihintay
04:23na mailipat ng ibang ospital.
04:25May malalim na sugat siya sa ulo
04:27at dislocated din ang kanyang kanang paa
04:29matapos madaganan ang pader
04:31nang tumama ang lindon.
04:33Mahirap talaga ma'am,
04:35pero tiniis ko na lang ang hirap
04:38para madala ako sa ospital.
04:41Isang saranggani sa mga pinangakuan
04:44ni Pangulong Bongbong Marcos ng tulong
04:46sa kanyang pagbisita sa General Santos City.
04:49Ayon sa Pangulo,
04:5050,000 pisong tulong ang matatanggap
04:53ng mga namatayan sa lindon.
04:54Those areas naman
04:56na hindi kayang pasukin
04:58ng mga sasakyan
04:58para sa mga engineer natin,
05:00para sa mga magbubuo ulit
05:04ng mga sistema natin
05:05ay yung relief goods
05:07nakapag-deliver na tayo,
05:08nag-helicopter na tayo,
05:10places like Glan
05:11na hindi pa hanggang ngayon.
05:13Walang road passages.
05:16Isa sa mga binisita ng Pangulo
05:18ang napinsalang outpatient facility building
05:20ng St. Elizabeth Hospital.
05:22Kita pa mga gumuhong simento
05:25mula sa pader ng gusali
05:26na nagtamuri ng mga malalaking bitak
05:29kaya di na raw mapapakinabangan.
05:31Nagpunta rin ang Pangulo
05:32sa Romana at Charon Integrated School
05:34sa Barangay Kalumpang
05:35at sa General Santos City National High School.
05:38Yung mga engineer ay papasok na
05:41para i-assess kung ano ba
05:43yung parte ng building
05:45na pwede pang gamitin,
05:46ano yung hindi na talaga pwede,
05:48kailangan pabagsakin yung buong building,
05:50magbigyan tayo ng informasyon tungkol dyan.
05:53Ayon sa DepEd,
05:54mahigit isang libong pampublikong paaralan
05:56sa limang rehyon
05:57ang nagtamo ng pinsalada
05:59sa magnitude 7.8 na lindol.
06:01Nauna nang iniutos ni Pangulong Bombong Marcos
06:04na suspendido until further notice
06:06ang klase sa lahat ng antas
06:08sa mga apektadong lugar sa Mindanao.
06:10Mahirap sabihin, no?
06:11Kasi sa Gensan pa lang ang napupunta
06:13at yung kalatig bayan,
06:14yung mga malalayong lugar
06:16hindi pa nga naaabot.
06:17So nag-a-assess pa tayo ng damages
06:19sa ibang lugar,
06:20sa ibang classrooms.
06:21Pero mukhang tatagal din ito
06:23ng ilang buwan
06:24dahil nasa evacuation centers din
06:25yung iba,
06:26yung iba walang mauwian.
06:27So pati teachers damay dito.
06:29Ito ang unang balita.
06:31Mackie Pulido, GMA News.
Comments

Recommended