Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibong balita. Maging disente sa pagkomento.


Hinataw ng baseball bat ng isang driver ang isang rider sa Mabini Bridge sa Maynila.


Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Office ang nanakit, bagama’t hindi pa malinaw kung ano ang mitsa ng away.


Suspendido na rin ng tatlong buwan ang lisensya ng driver, habang hinihikayat ang sinaktang rider na maghain ng reklamo. #24Oras24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao!
00:05Kinataw ng baseball bat ng isang driver,
00:09ang isang rider sa Mabini Bridge sa Maynila.
00:13Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Office
00:15ang nanakit bagamat hindi pa malinaw kung ano ang mitya ng away.
00:19Suspendido na rin ng tatlong buwan ang lisensya ng driver
00:23habang hinihikayat ang sinaktang rider na maghain ng reklamo.
00:28Nakatutok si JP Soriano.
00:32Sa viral video na ito, makikita ang pangahataw ng baseball bat
00:36ng isang lalaki sa mamang nakadilaw na damit.
00:39Ilang beses ng hampas ang lalaki sa rider ng motorsiklo na nakasuot ng helmet.
00:44Kuha ito sa bahagi ng Mabini Bridge sa Sampalok sa Maynila.
00:47Ang video, ibinahagi na rin sa social media page ng Land Transportation Office o LTO.
00:53Hindi pa malinaw kung ano ang nangyari bago ang hampasan,
00:56pero sabi ng LTO, sapat na raw ang nasaksihan ng video para maglabas sila ng show cost order.
01:03Ipinatawag na ng LTO ang nanakit na driver at suspendido na ang kanyang lisensya ng tatlong buwan.
01:09So sa ngayon, naka-alarm na yung sasakyan at yung license ng registered owner.
01:14Itong ganito, mabigat yung kasalanan niya.
01:17May maaring ma-revoke to, perpetual.
01:21So ibig sabihin, habang buhay siya matanggalan ang lisensya.
01:25Hinikayat din ang LTO ang hinampas na rider na maghain ng reklamo.
01:29Bumaba ka, nakipag-away ka, hinampas mo yung isang tao.
01:33So may violation yun.
01:35Regardless kung nag-initiate ng away is yung motor.
01:38Yes, oo.
01:39Kaya nga parati namin sinasabi, pagka may mga away na ganyan,
01:43huwag kayong bumaba ng sasakyan.
01:44I-dokumento ninyo, picture-an ninyo.
01:46Pwede nilang i-reklamo sa amin eh.
01:48Ha-action na naman namin.
01:49Patuloy pa rin sinisikap ng GMA News na matuntot
01:52at makuha ang panig ng mga sangkot sa viral road rage case na ito.
01:56Dito sa baguito na Sampalok, may nila pinaniniwalaan nangyari ang insidente.
02:00Pero ayon po sa Manila Police District,
02:02basa sa kanilang records,
02:03pati na rin po sa records sa barangay na may sakop dito,
02:06wala pong nagpuputa sa kanila para maghain ng reklamo
02:09na may kaugnayan sa insidente.
02:11Batay sa datos ng LTO,
02:13umabot na sa 103 viral road rage cases
02:17ang naitala sa bansa.
02:18Mula October 2025 hanggang November 6, 2026.
02:23Sa huli, paalala ng otoridad,
02:25isipin ang ibubunga ng mga aksyon.
02:28Hindi tayo lahat perfecto,
02:30madali tayong magalit.
02:31Pero isipin natin yung magiging resulta
02:35nung gagawin nating pag-aaway.
02:37JP Soriano, Nakatuto 24 Oras.

Recommended