00:00Igan, umakita sa 36 ang bilang ng mga namatay sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
00:06Ayon sa Office of Civil Defense,
00:09nag-iwan din ang matinding pinsala ang lindol sa General Santos City.
00:13May unang balita live si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
00:18Efren!
00:21Yes, yes, Igan, dahil nga sa pinsalang dulot ng magnitude 7.8 na lindol,
00:28i-dineklara na ang state of calamity sa General Santos City.
00:36Buti na lang nakalabas na ang mga crew ng Jollibee ng Kumuho,
00:39ang gusaling ito sa Pendaton Street, General Santos City,
00:42nang mangyari ang pagyanig na magnitude 7.8 na lindol pasado alas 7 ng umaga kahapon.
00:51Ang SM Mall naman sa Jensan,
00:54tila hindi na makita matapos mabalot ng makapal na usok dahil sa naglalaglagang debris.
01:01Sa parking area sa labas ng isang establishmento,
01:05nasira ang ilang sasakyan matapos malaglagan ng mga debris.
01:10Nakitaan ng mga bitak ang mismong Sangguniang Panglongso Building sa General Santos City.
01:16Gumuho rin ang isang dalawang palapag na supermarket sa barangay Kalumpang.
01:22Gayon din ang harapang bahagi ng isang paaralan sa barangay Lagaw.
01:26Sa Alabel, Sarangani,
01:28gumuho ang ilang cottage sa Ladle Beach dahil sa lindol.
01:32Naitala ang epicenter ng magnitude 7.8 na lindol sa dagat na bahagi ng Maasim, Sarangani.
01:38Tektonik sanhin nito, ayon sa PBOX.
01:41Matindi rin ang iniwang pinsala ng malakas na lindol sa malapatan, Sarangani.
01:46Lubhang apektado ang ilang gusali at bahay.
01:50Patuloy ang monitoring ng MDRRMO sa kondisyon ng mga residente at sa danios na mga infrastruktura.
02:00Isang tulay naman sa glans, Sarangani,
02:02ang gumigay, kaya isinara ito sa mga motorista.
02:05Yan ang nagdurugtong sa General Santos City, papuntang sentro ng probinsya ng Sarangani.
02:17Yes, Igan, sa likod ko ang kasalukuyang sitwasyon ng isang gumuong gusali na may fast food restaurant.
02:25Kung kaya makikita natin ang mga tipak ng semento sa kalsada at ang mga basag na salamin.
02:31Napagalaman din natin na kaka-renovate lang at fully operational sa mga customer ang nasabing fast food restaurant.
02:39At sa taas ng bahagi ng nasabing gusali, meron palang tower antenna ng isang radio station.
02:47Kaya kung makikita natin, may mga tower dito ang nayupi.
02:50Meron pa nga sumabit sa kable ng kuryente.
02:53At meron pa nga tanke ng tubig.
02:57Kung tatansahin natin, posibleng dahil sa bigat ng mga pasilidad na nasa taas
03:02at kalumaan ng nasabing gusali, talagang bumagsak ito, bunsod ng lakas ng lindol.
03:11Ang nasabing gusaling ito at ang ipapang mga gusali sa General Santos City na naapektuhan ng lindol
03:16ay hindi muna pinahiyuntulutan na mapasuka ng mga individual o residente para sa kaligtasan.
03:24Maraming salamat, ingat, Efren Mamak ng GMA Regional TV.
03:30Patuloy naman binabantayin ang pamunuan ng Jollibee.
03:33Ang sitwasyon sa Mindanao kung saan isa nilang branch ang kabilang sa mga gumuho
03:37sa gitna ng magnitude 7.8 na lindol kahapon.
03:42Ayon sa Jollibee, ligtas ang lahat ng kanilang crew sa lahat ng branch sa General Santos City.
03:49Wala rong nasaktan.
03:52Nakikisa sila sa lahat ng naapektuhan ng lindol
03:54at prioridad daw nila ang kaligtasan ng lahat ng kanilang staff at customer.
04:00Nakipagunahin na rin daw sila sa mga otoridad.
Comments