00:00Bigong makakuha ng pansamantalang proteksyon sa Korte Suprema si Sen. Bato De La Rosa sa inilabas sa desisyon.
00:08Tinanggihan ng Supreme Court ang hinihingi niyang temporary restraining order at status quo under order.
00:15Ibig sabihin ang desisyon ito sa paghahain ng ICC arrest warrant kay De La Rosa sa pagtutok na ito ni
00:22Mary Zumali.
00:27Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Sen. Bato De La Rosa na pigilin ang pusibleng pag-aresto sa kanya
00:33ng mga otoridad habang dinidinig ng Korte ang kanyang petisyon.
00:36Sa botong 951, tinanggihan ng mga mayestrado ang hinihingi niyang temporary restraining order o agarang pagpigil sa pag-aresto.
00:44Hindi rin binigay ng Korte ang hinihingi niyang status quo under order na huwag baguhin ang sitwasyon bago naganap ang
00:51pinagtatalo ng issue
00:52habang wala pang pinal na desisyon ang Supreme Court.
00:55Ang petisyon ni De La Rosa isinumitin ang Senador matapos malamang merong warrant of arrest para sa kanya
01:01na inilabas ng International Criminal Court para sa crimes against humanity of murder bilang co-perpetrator sa war on drugs
01:07ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:09Sa kanyang mga manifestation, hiniling ni De La Rosa sa Korte na pigilan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno na
01:16arestuhin siya
01:17batay sa anumang warrant mula sa ICC, Red Notice o defusion ng Interpol
01:22o iba pang foreign judicial o quasi-judicial instrument ng walang katumbas na arest warrant mula sa hukuman sa Pilipinas.
01:30Tinanong namin ng isang legal expert kung sa desisyon ng Korte ay pwede na ba siyang arestuhin ng mga otoridad.
01:35So ibig sabihin po nun kung gusto po talaga ituloy ng gobyerno yung pag-aresto kay Sen. De La Rosa
01:42ay pwede na po magpatuloy ito asuming po na walang qualification ng Korte Suprema.
01:49Maaari na rin bang isuko ng gobyerno si De La Rosa sa ICC?
01:53Yes. Isa yung posibilidad. Kung hindi talaga mag-iissue yung PRO ng Korte Suprema
01:59at yung Executive Department natin ay ipagpipilit yung posisyon
02:05na pwede nilang iserender si Sen. Bato under RA-9851,
02:11dun yun yung consequence ng pagbabasura ng PRO.
02:14Pwede siyang i-implement under RA-9851
02:17at hindi na ito kailangan dibaan sa isang lokal na Korte.
02:20So inaantay na lang natin kung pangpanigyan ng Korte Suprema yun ultimately
02:23dun sa pinal na desisyon niya.
02:25Hinihinga namin ang reaksyon ng mga abogado ni De La Rosa
02:28pero naunan na nilang sinabi na hindi lehitimo ang ICC Warrant of Arrest
02:32hanggat hindi ito kinakatiga ng isang lokal na Korte.
02:35Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
02:40Tugon ng kampo ni Sen. Bato De La Rosa
02:43sa pagbasura ng Korte Suprema
02:45sa hiling nilang Temporary Restraining Order o TRO
02:49at status quo ante order,
02:52hindi pa rin tapos ang kaso.
02:53At maghahain sila ng motion for reconsideration sa Supreme Court
02:58sabi ng kanyang abogadong si Atty. Israelito Toriyon.
03:03Idiniin niyang nanatili ang constitutional question
03:07kung maaaring dumepende ang kalayaan ng isang Pilipino
03:11sa isang dayuhang proseso na hindi dumaan sa isang lokal na Korte.
03:16Gayun din sa kung maaaring bang magpatupad ang mga otoridad
03:21ng mga proseso ng International Criminal Court
03:24matapos mag-withdraw ng Pilipinas sa Rome Statute.
03:31Git niya, gagamitin ang kampo ni De La Rosa
03:34ang lahat ng legal na hakbang
03:36ang alinsunod sa batas
03:37at hahanap sa proper forum.
Comments