00:00Marami pa rin mga magulang ang nag last minute shopping ng school supplies para sa pagbabalik eskwela ng kanilang mga
00:06anak.
00:07Ang ilang magulang mas pinili pa rin dumayo sa Divisoria para mamili ng school supplies kaysa mag online shopping.
00:15Ang detalya sa report ni Carlo Candelaria.
00:20Pagbabalik eskwela ng karamihan sa mga estudyante matapos ang dalawang buwang bakasyon.
00:25At sa Divisoria sa Maynila, tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga nagla last minute shopping ng mga school
00:30supplies.
00:31Kasama ang tatlong apo, nilibot ni Judith ang Divisoria upang mamili ng mga gamit pang eskwela.
00:36Sabi niya pinagkasha niya ang limang libong pisong budget para sa kanyang mga apo.
00:52Si Angelica naman, mas gusto niya rin anya mamili sa Divisoria kaysa online dahil nakikita niya ng personal ang kanyang
00:58mga binibili.
00:59Sa online kasi hindi ko makikita eh. Hindi ko makita yung sa sizes. Baka mamaya hindi ano. Parang parehas lang
01:07din kesa dun sa online. Eh dito kasi nakikita ko eh.
01:13Tanghali na pero dagsapa rin ang mga mamimili. Sabi ng mga nagtitinda, halos wala namang naging paggalaw sa presyo ng
01:19kanila mga panindang school supplies.
01:21Ang mga notebook mabibili ng ting sa sampung piraso na nasa 12 to 35 pesos ang isa depende sa laki.
01:26Ang pad paper nasa 35 to 65 pesos habang ang yellow pad ay nasa 60 to 85 pesos.
01:32Samotsari din ang mga lapis at ball pen at crayons na may mabibiling ting sa sampung piso lang ang isang
01:37box.
01:38Ang mga school bag nasa 150 to 450 pesos depende sa klase.
01:42Narito naman ang presyo ng mga pamasok na sapatos, sando, polo, blouse at pantalon at jogging pants na pang uniform
01:49na nakadepende ang presyo sa size.
01:51May mabibili ring medyas na 3 for 50 pesos.
01:54Mura naman po bumaba ngayon kaysa nakaraan. Maganda pa rin bumili ng walk-in kaysa sa online.
02:01Mas maraming pumunta ng walk-in kasi mas gusto nila yung nakikita nila yung binibili nila.
02:05Mas makakamura pa ang ating mga mamimili kung wholesale o bultuhan ang pagbili at syempre uso pa rin sa divisorya
02:12ang tawaran.
02:13Kaya naman ang iba nating kababayan mas pinipili pa rin dito mag-shopping.
02:16Dito po maraming ano'y mabibili at medyo mura lang din.
02:20Ang grupo ni Lynn, dumayo pa sa divisorya paraan niya'y makamura.
02:24Quaderno, ball pen, pentel pen bag.
02:27Bibili pa ng medyas.
02:29Pagka ganito pong mag-aano ng pasukan, talagang pinaglalaanan namin yun.
02:35Nito mga nakaraang araw, nag-ikot sa mga bilihan sa divisorya at baklaran ang DTI upang siguruhing sumusunod sa price
02:41guide ang mga nagtitinda ng school supplies
02:43at ayon sa ahensya, pasok ang presyo ng mga ito at ang ilan ay mas mababa pa nga.
02:48Patuloy namang nag-iikot ang pulisya sa paligid ng divisorya upang mapanatili ang siguridad sa lugar.
02:52Kaliwat kanan rin ang mga paalala sa mga mamimili na mag-ingat sa mga kawatan at mga mapagsamantala.
02:58Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments