00:00Samantala, naka-alerto din ang Department of Environment and Natural Resources sa efekto ng El Niño.
00:07Kabilang na riyan ang banta ng forest fires at posibleng pagbaba ng supply ng tubig.
00:12Si Carlo Candelaria sa Sentro ng Balita.
00:17Iba't-ibang mga banta sa kapaligiran ang posibleng maging efekto ng inaasahang El Niño sa bansa.
00:23Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Juan Miguel Cuna,
00:27kina-kailangan mabigyan ng paalala ang publiko para maiwasan ang mga ito.
00:32Ngayong tag-init at bibihira o halos walang ulan,
00:35inaasahan ang tag-tuyot at pagbaba ng reserbang tubig sa mga dam dahil na rin sa mataas na demand.
00:41Inaasahan din ang mga forest at grass fires kaya't pinapayuhan ang publiko
00:45na iwasan ang mga pagsusunog na maaari ring magdulot ng pagbaba ng kalidad ng hangin dahil sa usok.
00:50Dahil sa mga fire na ito, sa mga sunog na ito, ay sumasama po.
00:54So pagka yung mga tinatawag po nating PM 2.5, yan po ay particulate matter na 2.5 microns,
01:05maliit po yan na pumapasok hanggang sa baga ng tao, ay masamang-masama po ito para sa kalusugan.
01:14May efekto rin ng El Niño sa mga buhay sa dagat.
01:17Kapag tag-init na babawasan ang oxygen sa dagat kaya't apektado ang mga marine life.
01:22Nagdudulot din ito ng tinatawag na coral bleaching kung saan namumuti ang mga coral reef.
01:27May efekto rin ang sobrang init na panahon sa ating biodiversity kung saan nagdudulot ito
01:32ng pagkamatay sa iba't ibang mga species na hindi kayang mag-adapt sa nagbabagong klima.
01:37Maaari ring magdulot ng mga matinding pagulan at pagbaha ang labis na init
01:41lalo na sa mga bansang tropikal gaya ng Pilipinas.
01:44Sa panahon ng El Niño, tayo mga kababayan ay dapat maging conscious tayong lahat.
01:50Lagi natin iniisip ang ating mga kilos kung paano maapektuhan ang ating supply ng tubig
01:55na makaiwas rin tayo sa mga sunog sa panahon katulad nito.
02:01Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments