00:00Silipin natin ang paglalayag sa makasaysayang Ilog Pasig na isa pang simbolo ng kultura ng mga Pilipino,
00:06ang balangay na may mahalaga rin papel sa pagbubuklod ng ASEAN.
00:12Tunghayan natin yan sa sentro ng balita ni Elijah Canlas.
00:17Time travel muna tayo pabalik sa nakaraan, sakay sa replica ng balangay na naglayag sa Ilog Pasig.
00:24Balik tanaw ito sa makulay na maritime heritage kasabay ng paghahanda ng bansa
00:29sa pangunguna sa ASEAN 2026.
00:32Kaugnay nito, ang balangay na tampok ngayon ay tinatawag na BB Florentino Das
00:37na nagsilbing trading vessel at cultural symbol sa panahon ngayon.
00:41May habang 24 na metro at lapad na 5 metro ang balangay na ito
00:45na maihahalin tulad sa haba ng dalawang magkasunod na bus.
00:49Ayon kay Art Valdez, na sikat na leader ng 1st Philippine Mount Everest Expedition
00:54at ng Voyage of the Balangay, ay mahalaga ang muling paglayag ng makasaysayang sasakyang ito.
01:00Kailangan malaman natin yung ating kasaysayan na tayo ay maritime people.
01:04Maritime nation ang Pilipinas.
01:07Nawala na yun because...
01:10Hindi naman ang dayuhan, dilistrap nila ang pag-isip natin na bilang maritime people.
01:17Kaya ito, an ancient boat, will revive that spirito na tayo lumaki taong dagat.
01:25Para kay PCO Undersecretary Mon Ilagan, malaking bahagi ang balangay sa pagkakabuo ng ASEAN countries.
01:31Malaki ang role itong balangay.
01:34Di ba ang team natin sa ASEAN is navigating our future together.
01:39So dito nagsimula eh, sa balangay yung parang samahan ng mga ASEAN.
01:44Kasi ever since talagang bumabiyahin na ito.
01:47Bagamat ang ganitong uri ng bangka ay naging pangunahing transportasyon
01:50ng mga sinaunang Southeast Asian nation na tatangi ang pangalang balangay sa Pilipinas.
01:56Ayon sa kasaysayan, ang salitang barangay na pinakamaliit na unit ng pamahalaan sa Pilipinas
02:02ay direktang nagmula sa salitang balangay.
02:05Samantala, ang atraksyong ito ay direktang nakakabit sa opisyal na tema ng ASEAN 2026
02:10na navigating our future together.
02:14Layo ng pamahalaan na gamitin ang makasaysayang simbolo na ito
02:17para palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng mga karatig bansa sa rehyon.
02:22Ang balangay ay sumasalamin sa ugnayan ng mga bansang kabilang sa ASEAN
02:26na bagamat binubuo ng hiwa-hiwalay na pulo
02:29ay pinag-uugnay ng iisang karagatan at sinaunang kultura ng paglalayag.
02:34Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments