00:00Samantana naglabas ang bagong guidelines ng Education Department para sa class suspension tuwing may kalamidad o sakuna.
00:05Ang detalye sa report ni Carlo Candelaria.
00:10Sa bansa gaya ng Pilipinas na laging tinatamaan ng mga sakuna o kalamidad, madalas apektado ang pasok sa eskwela ng
00:17mga estudyante.
00:19Kaugnay nito may bagong guidelines na inilabas ang Education Department para sa suspension ng klase tuwing may kalamidad.
00:25Sa ilalim ng Department Order No. 14 Series of 2026 ng DepEd, titiyakin nitong tuloy ang edukasyon ng mga mag
00:33-aaral sa mga panahon ng national emergencies.
00:35Sa bagong panuntunan, gagamitin ang tinatawag na 4-level learning continuity framework na may apat na antas ng pag-aaral
00:43depende sa tindi ng disaster sa isang lugar.
00:46Ang unang antas ay ang hayo o ang pagpapatuloy ng normal na in-person classes kung ligtas ang lahat at
00:52maayos ang paligid.
00:53Ikalawa ang hinay kung saan marahan lamang ang mga talakayan at maaaring ilipat ang mga estudyante sa distance learning tulad
01:00ng online classes.
01:02Ikatlo ang hinga kung saan binabawasan ang academic demands at binibigyang daan ang mental health ng mga estudyante at kawaninang
01:08paaralan dahil maaaring apektado ng mga nagaganap na energy crisis o sakuna.
01:13At ang ikaapat ay ang hinto o ang ganap na pagpapatigil ng lahat ng uri ng pag-aaral dahil nasa
01:19matinding panganib ang kaligtasan ng mga estudyante.
01:21Sa pamamagitan ng order na ito, binibigyan ng karapatan ang mga school heads na magpasya kung ano ang angkop na
01:27antas ng pag-aaral kapag may suspension ng klase.
01:30Otorizado na rin ang mga pinuno ng mga paaralan na makipag-ugnayan sa mga schools division superintendent at lokal na
01:36pamahalaan para magpatupad ng ibang learning modes na dati nang ginagamit.
01:40Depende sa kalagayan ng kanilang komunidad tulad ng kapag nagtataas ang pag-asa ng mga wind signal tuwing may bagyo
01:46o rainfall warning alerts.
01:47Ayon sa DepEd, layo ng bagong emergency guidelines na gawa yan ang mga guro sa kanilang pagtuturo at suportahan ang
01:54kanilang mental health kapag may sakuna o krisis.
01:57Malaki rin ang may tutulong ng bagong pulisiya upang maiwasan ang learning loss ng mga estudyante nang hindi nasasakripisyo ang
02:04kanilang kapakanan.
02:05Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments