00:00Kaugnay sa mga sitwasyon at usapin ngayon sa Senado,
00:03kausapin natin si UP and si Pag-Professor Emeritus Maria Fe Villamejor Mendoza.
00:08Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:12Magandang umaga, Sir Rafi at si Ma'am Connie.
00:16Opo pa.
00:16At sa mga sabi ko pinig niyo.
00:18Paano niyo po ilalarawan ngayon yung sitwasyon at tila gawaan sa liderato ng Senado?
00:24Nakakalungkot kasi parang nilalaro nila ang isang institusyon ng gobyerno.
00:30Hindi maganda itong pangitain kasi ang institusyon ng gobyerno ay para sa bayan.
00:37Hindi para sa maliliit na tao lamang o kukwanting tao lang.
00:42At saka parang it's not an entitlement, it's a public service institution.
00:49Ang nakikita niyo po bang debate pa rin dito sa Senado ay sa pulisiya o personal na yung mga dahilan?
00:56Ang dapat na debate ay pulisiya, di ba?
01:00Pero parang ang nangyayari, parang personal na interest ng majority ang nisinusulong at hindi yung para sa Senado as an
01:09institution.
01:10May nakikita po ba kayo paglabag sa pagliban ng buong majority senator sa scheduled sa session kahapon?
01:17Oo, kasi di ba?
01:19Hindi magkakaroon ng session kapag walang coroom.
01:22Hindi rin magkakaroon ng session kapag walang presiding officer.
01:26Bakit ang presiding officer at ang majority ay umalis para i-escort si Sen. Gingoy sa Camp Krami?
01:37At saka before, no, di ba?
01:40Nung nag-takeover, nagkuang majority doon noong May 11.
01:45At yung mga nangyaring sumunod na mga parang drama, May 12 to 13.
01:53Tapos yung 14 nga na nakatakas si Sen. Bato.
01:58Bakit nila ginawa yun?
02:01Ang ano kasi, parang kinakosya nila ba yung rule of law?
02:05Hindi yung independence of the three branches of government ang sinusulong kasi, di ba?
02:11Doon sa mga aksyon ng nagku at ang majority ngayon, parang pinapalabas nila na parang entitled sila.
02:21Kapag senador ka, hindi ka...
02:24Pero yung mga nangyayari, kasi di ba may valid ICC warrant na para kay Sen. Bato.
02:31So ang ano doon, bakit nila nagawa sila na, ay, dapat iano, di ba parang yung NBI at saka si
02:40Sen. Trillanes,
02:41gusto nilang i-inquest kasi bakit nila ginagawa yun?
02:46Pero yun nga, yung bakit parang kulang sila sa memorya?
02:51Kasi di ba si Sen. Dilima, si Sen. Trillanes, nung nakasuhan sila, talaga namang doon sa Senado, di ba?
03:00Hindi nila sinuko yung senador doon sa pag-arrest.
03:09Kasi naniniwala sila na yung rule of law should be parang promoted.
03:14Bakit gusto nila ang protective custody doon sa senador na gustong arestuhin?
03:21At yun nga, protective custody of the Senate, di ba accountable sila kung makatakas o mawala yung nandoon sa protective
03:28custody nila?
03:31Yung week na ito, nung inaresto si Sen. Chingoy, although sabi ni Sen. Chingoy, talagang nag-ano siya, sumuko siya.
03:40At di ba, nung last time nag-pose siya ng bail, pero itong accusation sa kanya ay non-bailable, di
03:49ba?
03:51Si Sen. Chingoy ay sumusuko doon sa rule of law. Bakit ang majority at ang Senate President APC ay parang
04:02iba yung pagtingin doon sa mga nangyayari?
04:06Kahit sila equal branch of the government, may kapangyarin ba yung Pangulo na makialam para masayos ang nangyayaring gulo po
04:13sa Senado?
04:13Oh, mayroon tayong strong President. Talagang pwede ang Presidente ay makialam. Kaya lang doon sa sitwasyon ngayon, complicated ang political
04:23situation.
04:25Di ba talagang binabanata nila ang Presidente? At yung majority ngayon ay talagang maraming banat sa Presidente.
04:34So parang mahirap na ang Presidente ay makialam sa ngayon. Parang gusto na lang niya let the events unfold and
04:47parang fix itself.
04:49Di ba? Parang gusto ni President Bongbong.
04:53Pero in natural, in normal times at meron tayong respeto sa mga institusyon, meron tayong respeto sa rule of law,
05:03siguro pwede makialam ang Presidente.
05:05Sa inyo pong palagay, makatarungan ba na payagang bumoto o makilahok sa sasyon ng ilang senador via online o video
05:11conference, lalo na sa mga talagang crucial na kailangang pagbutohan?
05:16Meron tayong, noong COVID, meron tayong flexible arrangements. Kaya lang nag-issue ang civil service na dapat ang gobyerno kasi
05:26ay face-to-face.
05:27Kasi ang ano doon, kapag meron pangangailangan yung mga tao kaysa Senado siya, sa Executive or sa Judiciary, magpupunta sila
05:38sa computer. So asa na ang gobyerno? Nasa computer ba?
05:41So ang anong ito, sa aking palagay, dahil may rules naman ang Senado, may sarili silang rules, diba? At hindi
05:50naman nila parang in-allow in the past at magkaroon ng video conferencing.
05:56Okay. May karagdagang tanong po si Connie.
05:59Ma'am, magandang umaga po sa inyo. Ano ho yung nakikita ninyong direksyon ng Senado kayong may iba pang mga
06:05senador na nahaharap din po sa kaso?
06:08Ang ano nga doon, siguro yung majority magiging minority in the long run or in the short run.
06:14Kasi talaga naman, yung nag-coup noong May 11, marami talagang may kaso na nakakaharap.
06:22Ang sabi nga nila, bakit sila parang sinisingle out?
06:26Pero tignan natin na itong mga ito ay nasa proseso pa last year.
06:33So hindi sinisingle out. It is just the process of either the judiciary, parang ito na yung output ng judicial
06:45process.
06:47Kaya ang ano doon, baka yung majority ay maging minority kasi magkukulang na sila yung number.
06:56Okay. Speaking of numbers, sa impeachment po ay kailangan makapagboto po ang 16 na mga senador para po sabihin na
07:06natin na ma-impeach po.
07:08Pero kapag hindi na nakarating sa plenario po yung mga senador, kung sakasakali ay automatic din daw na sinasabi nga
07:18nila na acquitted
07:20o hindi makakaroon ng impeach na vice president. Yun po ang sabi nila. Ano ba ang talagang nakikita niyo dyan?
07:30Siguro kung magkasi parang mata-technical na naman ba. So siguro we recourse yung ating problema sa Supreme Court.
07:44Kasi parang may constitutionality question dyan. Kasi yung constitutional mandate of the Senate as the impeachment court is at risk
07:53or is challenged.
07:54Ang ano doon, maaaring mangyari yun na kukunti na lang yung nandoon sa impeachment court.
08:03Hindi na sila 24, hindi na sila 23, hindi na sila 22. Wala na yun.
08:09And then the numbers na 13, 16, and 9, baka hindi na siya maano.
08:16So ang ano doon, if there is technicality, siguro pumunta tayo sa Supreme Court para maayos yung problema.
08:24I see. At kapag po na-arrestong isang senador, automatic na bang hindi rin talaga dapat sila sumusweldo?
08:31Kasi napangunahan na po kahapon ni Sen. Jingoy na hindi niya nakukunin ang kanyang sweldo.
08:37And of course, na-question naman yung kay Sen. Bato, bakit pa rin siya sumusweldo even after na hindi nga
08:43ho siya nagpapakita sa Senado?
08:45Ang Senado kasi may sariling rules, di ba?
08:48Pero yun nga, ang dapat sana kung hindi nga nagtatrabaho, walang sweldo.
08:53Pero iba kasi yung sitwasyon nila, di ba?
08:56Parang ang ano nila, natatabaho naman kami kahit wala kami doon sa Senado.
09:03Pero yun nga, kung titignan natin, doon sa ibang branches of government, kapag hindi ka pumapasok at walang productivity, wala
09:13kang sweldo.
09:14Diba? So, tignan natin kung paano ang Senate rules, Committee on Rules, ay tignan at mag-decide doon sa ganoong
09:24sitwasyon.
09:24Marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin sa Balitang Hali, Ma'am. Thank you.
09:29Okay, salamat din.
09:31Yan po naman si UP and si Pag-Professor Emeritus Maria Fe Villamejor Mendoza.
09:38May deadlock po ngayon sa Senado dahil sa sunod-sunod na pangyayari roon mula noong Mayo hanggang kahapon.
09:44As of June 1, 2026, sa labing tatlong miyembro ng Majority Block, labing isa na lang ang mga makaka-attend
09:51sa mga sesyon sa plenaryo.
09:52Sila ay sina Senate President Alan Peter Cayetano, Senadora Loren Legarda, Senadora Pia Cayetano, Senadora Aimee Marcos, Senador Dante Marcoleta,
10:02Senador Joel Villanueva, Senador Cheez Escudero,
10:06magkapatid na sina Senadora Camille at Senador Mark Villar, Senador Robin Padilla at Senador Bongo.
10:13Parehong bilang yan sa labing isang miyembro ng Minority Block.
10:16Sila ay sina Minority Leader Sen. Tito Soto, Senador Pantilo Lacson, Senadora Risa Ontiveros, Senador Sherwin Gatchalian, Senador Kiko Pangilinan,
10:26Senador Bam Aquino,
10:28magkapatid na sina Senador Irwin at Rafi Tulfo, Senador Lito Lapid, Senador Migs Subiri at Senador JV Ejercito.
10:36Bahagi pa rin naman ng Majority Block si Senador Bato de la Rosa pero nagtatago dahil sa reswarat ng International
10:41Criminal Court para sa Kasong Crimes Against Humanity
10:44at si Senador Jingo Estrada na nakakulong sa New Quezon City Jail dahil sa Kasong Plunder.
10:53Ipinasupina ng National Bureau of Investigation ang apat na tao na nakasama-umanoh ni Senador Bato de la Rosa bago
11:01siya umalis sa Senado noong May 14.
11:03Kabilang po dyan, si Suspended Acting Senate Sergeant at Arms Mau Aplasca at Pasay Police Chief Colonel Joselito De Sesto.
11:12Ipinasupina rin ang isang staff ni Senador de la Rosa at ang QHIN ni Senador Robin Padilla na nag-convoy
11:19umano sa sinakyan ni de la Rosa nang siya'y umalis ng Senado.
11:24Inaasahang haharap sila sa NDI ngayong linggo.
11:28Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartates Jr., patuloy ang paghahanap kay de la Rosa sa mga kilalang tirahan,
11:35pinupuntahan at mga posibleng koneksyon niya.
11:38May mga lead na raw ang CIDG kung nasaan si de la Rosa pero hindi maaaring isa publiko.
11:46Ukol naman sa insidente ng barilan sa loob ng Senado,
11:49kumpleto na ang lahat ng forensic examinations ayon sa PNP.
11:53Kabilang daw dyan ang ballistic examination, firearms identification, bullet trajectory analysis, gunpowder residue test at parafin test.
12:03Nakakolekta raw ang mga embesigador ng 36 na cartridges sa ikalawang palapag ng gusali,
12:10tatlo sa veranda at iba pang ebidensya sa Kalayaan Garden.
12:16Walong baril din ang isinailalim sa cross-matching examination.
12:25Nag-uwi ng dalawang civil medals ang Pinoy Jetski racer na si Anton Ignacio mula sa Waterjet Pro Tour Thailand.
12:32Nagmula ang kanyang medalya sa kategoriyang Expert Runabout 1100 Superstock at sa Pro-Am Runabout 1100 Open.
12:39Naka-score si Ignacio ng 149 points sa parehong event.
12:43Kapwa Thai riders ang nakakuha ng gold sa mga nasabing event.
12:47Congratulations, Anton!
12:496 na araw bago ang balik-eskwela, ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kapitbahayan Elementary School sa Navotas
12:57bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education.
13:02Inikot po ng Pangulo ang mga classroom at mga gusali para tiyaking ligtas ang pagbubukas ng klase sa lunes.
13:09Nakibahagi rin ang Pangulo sa pagpipintura sa classroom.
13:13Nagkaroon ng pagkakataon ang Pangulo na makasalamuha ang ilang estudyante sa Tarabasa Session kung saan ang Pangulo mismo ang nagbasa
13:22ng kwento.
13:23Kasama sa pag-iikot si Depth Ed. Secretary Sonny Angara.
13:28Nagtungo naman si Vice President Sara Duterte sa Justado P. Macapagal Elementary School sa Quezon City para makibahagi sa Brigada
13:36Eskwela.
13:37Ininspeksyon din ang bise ang ilang classroom at mga gusali roon.
13:40Lumahok rin sa paglilinis ng mga classroom at pagsasayos ng mga gamit ang mga tauhan ng Office of the Vice
13:47President.
13:48Nagtungo rin si Angara kahapon sa kick-off ng Brigada Eskwela sa Cabadbaran National High School sa Agusan, Del Norte.
13:56Nasa kick-off naman ng Brigada Eskwela sa Quezon City si DSWD Secretary Rex Gatchalian.
14:02Kahit maulan ng panahon, tuloy pa rin ang mga guru at magulang sa paglilinis ng mga classroom sa Samal, Bataan.
14:09Naki-isa rin po sa Brigada Eskwela ang ilang grupo sa paglilinis ng mga classroom at paaralanan sa Kasiguran Aurora.
14:18Kasalukuyang tinatapos ng Meralco ang clearing operation sa Ubando Bulacan matapos matumba ang siyam na poste ng kuryente roon.
14:25Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldariaga,
14:29Ito'y para tuloy ang maibalik sa normalang daloy ng trapiko sa lugar.
14:33Pasado alauna ng madaling araw kanina nang maibalik ang supply ng kuryente sa mahigit tatlong daan nilang customer sa barangay
14:39Tawiran.
14:40Bumagsak ang mga poste ng kuryente kahapon sa kasagsagan ng malakas na hangin at ulan, dulot ng masamang panahon.
14:51Ready nang magpakitang gilas ang 2014 Clashers sa kauna-unahang edisyon ng The Clash Teens.
14:58Sa webisodes ng Behind The Clash, ipinakilala in three batches ang official teen Clashers.
15:05May patis rin sa moments ng ilang Clashers nang malamang pasok sila sa kompetisyon.
15:10Excited na ang returning Clash Masters na sina Julian San Jose at Raver Cruz na makilala ang teen Clashers at
15:18makita ang kanilang talento.
15:20Maging ang The Clash Teens panel sa pangunguna ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista,
15:25star of the new gen Jillian Ward at BGYO member at former Clasher na si JL Toreliza.
15:32Abangan sila sa The Clash Teens this coming Sunday, 7.15pm sa GMA.
15:38Itinanggi ni House Justice Committee Chairperson Jerville Luizro na may nangyaring trial
15:43o pagliliti sa kanilang pagdinig sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
15:50Tugon niya po yan sa sagot ng bisya sa Articles of Impeachment laban sa kanya.
15:54Ang susunod na hakbang ng House Prosecution Team sa ulat on the spot ni Jonathan Andal.
16:00Jonathan?
16:04Connie, magme-meeting ngayong araw yung labing isang House Prosecutors para desisyonan kung sasagot pa ba sila o hindi na
16:11doon sa ipinasang sagot ng company Vice President Sara Duterte sa Articles of Impeachment sa Senado kahapon.
16:17Ang sabi po kasi ni Lead Prosecutor, Congresswoman Jerville Luizro,
16:21hindi naman direktang sinagot ni Duterte ang mga aligasyon sa kanya,
16:24kundi rehash o inulit lang ang mga punto noon tungkol sa teknikalidad ng impeachment process.
16:29Wala rin nga ro'y pinasang ebidensya ang depensa para kontrahin ang mga aligasyon sa Articles of Impeachment.
16:34Sabi pa ni Luizro, hindi tama ang hinihiling ni Duterte na ibasura ng Senado ang impeachment
16:39dahil wala namang ganitong opsyon sa Senate Rules on Impeachment.
16:43Itinanggi naman ni Luizro ang sinabi ng depensa na nag-trial sila noon sa kumite.
16:48Clarificatory hearing lang daw ang ginawa nila para matukoy kung meron o walang probable cause sa reklamo.
16:52Sinabi lang daw niya noon ang salitang mini-trial para ikumpara ang proseso ng Senado at Kamara.
16:57Pinuna rin kahapon ang depensa ang pagpasok ng mga bagong ebidensya sa hearing na wala naman sa orihinal na complaint.
17:03Sagot ni Luizro, pwede yun sa ilalim ng House Rules,
17:06ngunit hindi para palakasin ang reklamo kundi para malaman kung may basihan nga ba ang impeachment.
17:11Merong hanggang June 8 ang prosikasyon para sumagot sa impeachment court.
17:15Kung hindi sila magpapasa ng sagot, mapabibilis ng kaunti ang proseso sa punta sa pre-trial.
17:19Connie, sa mga oras na ito, may nagaganap dito ngayon na impeachment forum sa loob po yan ng Batasang Pambansa.
17:26Ang audience, ang mga kabataan, mga estudyante, ang mga nagsasalita po ay ang House Prosecutor sa pangungunan ni Lead Prosecutor
17:33Jervil Luizro.
17:34Yan muna ang latest.
17:35Mula rito sa Batasang Pambansa.
17:36Balik sa iyo, Connie.
17:37Maraming salamat, Jonathan Andal.
17:40Maraming salamat, Jonathan Andal.
Comments