00:00Isa sa upong private prosecutor ng House Prosecution Panel,
00:03nagpahayag ng kanyang inaasahan sa napipitong impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:09Silipin sa sentro ng balita ni Carlo Luis Candelaria.
00:15A bloodbath?
00:16Yan ang matapang natugon ni Attorney Lorna Capunan
00:20nang talungin kung ano ang aasahan sa kanyang pagupo
00:22bilang private prosecutor ng House Prosecution Panel
00:25sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:28Si Capunan ay kilalang veteran litigator sa bansa
00:32na humawak na ng ilang mga high profile at malalaking kaso.
00:35Ayon sa abogada, tututok sila sa pagbibigay ng legal assistance
00:39sa mga kongresistang kabilang sa prosecution team
00:42para tiyaking matitibag ang depensa ng Vice at ng kanyang mga legal counsel.
00:46We will give them the bloodbath that they expect.
00:50So the bloodbath will come from our side, not from their side.
00:55Giit ni Capunan, malalakas ang apat na ground sa articles of impeachment
00:59laban sa pangalawang Pangulo.
01:01Kabilang na dyan ang umano'y maling paggamit ng confidential funds,
01:04unexplained wealth, bribery at grave threats.
01:08Ang bawat isang ground sa apat na ito ay sapat na umano
01:10para makapag-secure ng conviction.
01:12Kung hindi malakas yan at kung walang klarong probable cause,
01:18hindi yan isasama sa articles of impeachment na sinasmit sa Senate.
01:24Tiniyak pa ni Atty. Capunan na dadaan sa tama at maingat na proseso
01:28ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
01:31Matapos sumagot ni V.P. Duterte sa summons ng Senado,
01:34magkakaroon muna ng pre-trial para mailatag ang mga ebidensya at saksi.
01:38Maaaring umabot ito ng ilang araw para pagtapatin ng impeachment court
01:43ang mga ebidensya ng dalawang kampo.
01:45Matapos nito, maglalabas ng pre-trial order
01:48bago pagdesisyonan ang mismong trial proper at trial dates.
01:52Sakali namang mag-resign si V.P. Duterte sa kalagitnaan ng impeachment trial,
01:56magpapatuloy pa rin ang proceedings
01:58dahil maaari pang patawan ng perpetual disqualification from office ang vice.
02:20Sa nakataktang paglilitis sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bayan,
02:25umaasa ang lahat na maisisilbi ang karapat-dapat na hatol
02:28at sa huli ay magagawang ipanalo ang kapakanan ng taong bayan.
02:33Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments