00:00Nagpasyal impeachment court na dagdagan ang bilang ng marking stations para sa Article 2.
00:05Para mapabilis ang proseso ng mga dokumentong kailangang markahan sa nagpapatuloy na pre-trial conference,
00:11kaugnay na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:14Yan ang report ni Bernard Ferrer.
00:18Sa ikatlong araw ng pre-trial conference, pinagpatuloy ang marking of evidence para sa mga nalalabing articles of impeachment,
00:25particular ang Article 1 of Misuse of Confidential Funds at Article 2 o Unexplained Wealth.
00:31Pero dahil sa dami ng mga dokumentong kailangang markahan, hindi pa rin natatapos ang proseso ng marking of evidence.
00:37Bilang solusyon, nagpasyang impeachment court na dagdagan ang bilang ng marking stations para sa Article 2.
00:43Mula sa isang station, magkiging dalawa na ito para mapabilis ang proseso.
00:47Sa kasalukuyan, tatlo naman ang marking stations na nakatalaga para sa Article 1.
00:52Sinagot naman ang defense panel ang puna na kulang umano sila ng tauhan na siyang dahilan kung bakit natatagalan ang
00:58marking of evidence.
01:00The opposite is true. It was actually the private prosecutors who lacked a certain personnel for the marking of the
01:08exhibits.
01:09Siguro hindi lang naintindihan masyado ni Representative Luistro ito kasi hindi naman sila nagpa-participate buong araw.
01:17So they just appear in the morning and then they leave and then they leave the rest of the task
01:23to the private prosecutors.
01:26Iginit din ang defense panel na hindi sila kinonsulta ng prosecution panel.
01:30Kaugnay ng hinihiling nito sa impeachment court na Palawigin hagang Sabado, June 27, ang isinasagawang marking of evidence.
01:37They're talking through you guys. So all these things, we have been open with them.
01:42But the prosecutor always talks to you guys. So this is the first time people are hearing about it.
01:47Hindi naman pumayag ang defense panel sa mungkahin ng prosecution panel na magkaroon ng common marking para sa mga magkakapareho
01:53exhibit o dokumento.
01:55Ang documents naman po nila ay sa kanila at ang documents namin ay sa amin.
02:01So sa amin, because it's being very careful dyan the way we do things. It's really the way we do
02:06things naman.
02:07We want our own documents to be part kahit na similar yung documents.
02:11At tiniyak ng defense panel na magiging transparent sila pagdating sa mga testigong iaharap sa impeachment trial.
02:18Handa silang isa publiko ang listahan ng kanilang mga testigo alinsunod sa isinumitin nilang pre-trial brief.
02:23May ilang testigo na hindi pa muna papangalala ng defense panel para matiyak ang kanilang siguridad.
02:28And if there is a rule that we have to disclose within three days, wala naman po kami nagiging problema
02:35doon.
02:35In fact, kami pa nga po yung humingi ng disclosure.
02:38Number one, ng order of trial, meaning anong article ang maunahin.
02:43And pangalawa, kung sino ang witnesses.
02:46Humingi rin kami ng disclosure kung sino ang mauna, sino ang sunod.
02:50Samantala, nakahanda ang minority bloc.
02:52Nakwestiyonin ang planong pagupong presiding officer ng impeachment court ni Sen. Francis G. Escudero.
02:57Para sa kanila, mas nararapat na sa Senate President Sherwin Gachalian
03:01ang manguna sa paglilitis bilang pinuno ng mataas sa kapulungan.
03:04Bernard Ferrer, para sa bayan.
Comments