00:00Ipinagpatuloy sa day 5 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
00:04ang cross-examination kay Atty. Jeremy Lotok ng National Bureau of Investigation.
00:09Ipinakita naman ang defense panel ang bahagi ng online press briefing ni VP Duterte noong November 23, 2024
00:16kung saan tinalakay ang tinagunang Operation Romanov at ang mga umanipahayag na naging batayan
00:21ng reklamong grave threats. Ang detali mula kay J.M. Thompson.
00:30Sa ikalimang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
00:34isinailalim sa cross-examination ng defense panel si NDI Regional Director Jeremy Lotok.
00:40Ipinakita ng defense panel ang bahagi ng online press briefing ni Vice President Duterte noong November 23, 2024
00:48kung saan tinalakay ang tinaguriang Operation Romanov at ang mga umanipahayag na naging batayan ng reklamong grave threats.
00:55Pero sino nga ba ang mga Romanov? Sila ang huling imperial dynasty na namuno sa Russia mula 1613 hanggang 1917.
01:04Nagtapos ang kanilang pamumuno ng mag-abdicate si Tsar Nicholas II noong March 1917 kasunod ng Russian Revolution noong July
01:131918.
01:15Pinatay si Tsar Nicholas II, ang kanyang asawa, ang kanilang limang anak at ilang pang kasama ng mga Bolshevik revolutionaries.
01:23Sa pagdinig, tinalong ni Atty. Mark Vinlua ng defense panel si Lotok kung makukumpirma nito na naganap sa totoong buhay
01:30ang mga pahayag ni Vice President Duterte na nakapaloob sa video.
01:35Your Honor, we invited the media personalities who have personal knowledge on that date and on that online press conference.
01:43And noong tinanong namin sila kung nag-participate sila, sabi nila yes.
01:49Nakausap nila yung Vice Presidente, nagbigay sila ng mga katanungan.
01:53So definitely yes, nangyari po yun.
01:55Nalito naman si presiding officer Francis Cheese Escudero sa direksyon ng pagtatanong ng depensa.
02:01Nilinaw ni Escudero na hindi maaaring magpatunay ang testigo sa katotohanan ng mga pahayag ng Vice Presidente.
02:09They can only testify as to the fact that those statements were made only as to tenor but not as
02:16to the truth given that he only investigated and was not there.
02:20Tinanong din ni Sen. Judge Rafi Tulfo si Lotok kung saan nagmula ang terminong Operation Romanov.
02:27Ayon kay Tulfo, una niyang narinig ang terminong Romanov mula kay Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte sa isang maisog
02:35rally sa Davao City.
02:36Ang tanong ko ngayon kay Mr. Witness, matatanong po ba kung anong sinabi ni Mayor Baste Duterte patungkol dun sa
02:44Romanov that night?
02:46Mr. President, sabi niya, remember what happened to the Romanovs.
02:53If I'm not mistaken sir, parang ang sinasabi niya kasi mayroong...
02:58No, I think when you go to bed tonight, continue.
03:01Yes sir, yan sabi po yan.
03:03Okay.
03:03When you go to bed tonight, think about the Romanovs.
03:07Yung po yata yung pagkasabi.
03:11Parang sinasabi niya na baka mangyari sa pamilya niyo yun gaya ng nangyari sa inyo noong 1996.
03:17Nagtataka ako na binanggit yan ni Princess Maui dun sa press conference, sa online press conference ni BP Sara, yung
03:27Romanov na banta for Sara Duterte.
03:33When in fact, it was Baste Duterte ang nabitaw na salita na yun warning sa first family.
03:39Sinang-ayunan din ni Sen. Judge Panfilo Ping Lakson ang naging obserbasyon ni Tulfo sa sinasabing Operation Romanov.
03:47I don't know about the other Sen. Judges, pero until today, when Sen. Judge Rapi Tulfo clarified na yung palang
03:59Oplan Romanov, a threat against the first family.
04:02Ang impresyon ko, since last week, nung piguusapan natin yung Oplan Romanov, a threat ito against the Vice President.
04:10Tinalong din ni Sen. Judge Francis Kiko Pangilinan si Lotok kung AI-generated, fabricated o spliced ang video ng VC
04:18Presidente na ipinresenta sa impeachment court bilang ebidensya.
04:23Yung authenticated video ba ay AI?
04:28No, sir.
04:29Ito ba ay fabricated?
04:32No, sir.
04:33Ito ba ay spliced?
04:34Hindi po, sir.
04:36So, in other words, yung video ay accurate?
04:43Yes, sir.
04:44And representation of what happened?
04:46Authenticated.
04:47Nilinaw naman ni Sen. Judge Vicente Tito Soto III ang saklaw ng mga paratang laban kay Vice President Duterte,
04:55particularang alleged grave threats at inciting to sedition.
04:58Sinabi ni Lotok na ang mga naturang reklamo ay wala pa sa korte at kasalukuyang nasa preliminary investigation.
05:06Tinalong naman ni Sen. President at Sen. Judge Sherwin Wingachalian si Lotok kung ano ang naging bataya ng NBI sa
05:13paniniwalang may kinontrata o mano si Vice President Duterte para ipapatay si na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady
05:22Lisa Aroneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
05:25Ayon kay Lotok, ibinatay ng NBI ang kanilang konklusyon sa mga pahayag ng Vice Presidente sa online press briefing noong
05:34November 23, 2024
05:35at sa muling pagbanggit nito sa isang panayam noong November 26, 2024.
05:41Inamin ni Lotok na may ilang typographical errors sa mga dokumentong isinumite bilang ebidensya,
05:47pero iginiit niyang hindi ito substantial at walang naging epekto sa resulta ng investigasyon ng NBI.
05:53Anya, hindi rin nabago ng mga naturang pagkakamali ang nilalaman ng video kung saan sinabi umano ni Vice President Duterte
06:01ang mga kinekwestiyong pahayag.
06:03Matapos ang dalawang araw, natapos na rin ang direct at cross-examination kay Lotok.
06:09Samantala, inalis na ng House Prosecution Panel si na Atty. Zulaika Lopez at Captain Belinda Belyo sa listahan ng mga
06:17ihaharap na testigo
06:18para sa Article 4 ng Articles of Impeachment na tumatalakay sa alleged grave threats.
06:24J.M. Thompson, para sa bayan.
Comments