00:01Magandang gabi po Lujon, Visayas at Mindanao.
00:05Lima ang sugatan sa pagguho ng bahagi ng isang bahay sa Binondo sa Maynila.
00:10Nabagsakan sila ng mga debris at natrap sa guho.
00:13Matao pa naman sa kalsadang pinangyarihan ng insidente,
00:17kaya maraming napatakbo na nakuhanan pa sa video.
00:20At nakatutok si Jomer Apresto.
00:26Biglang gumuho ang bahagi ng isang bahay sa Sevilla Street, Baragay 272, Binondo, Maynila.
00:31Mag-aalas 9 kagabi, nagtakbuhan ng mga tao.
00:34Ang ilang nagtitinda ng palamig, nabagsakan ng mga debris at natrap.
00:39Isa sa kanilang 50 anyos na si Aling Dolores.
00:42Kumbaga yung kumalang dun sa may palamigan.
00:47Tinatawag ako ng manugang ko na para daw may bumabaksa.
00:51Sabi niya, mamaya, yun na yun, bumaksak na nga.
00:54Ayon sa Manila Police District, kabilang sa mga nasugatan,
00:57ang isang lalaking 14 anyos at 29 anyos na babae.
01:00Ayon naman sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Department,
01:04lima ang nagtamun ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:08Ipinagpasalamat naman ang barangay na hindi ganun karami ang nasugatan sa nangyari,
01:11lalo't mataong lugar ang pinangyarihan ng insidente.
01:14Lalo na pagdating po kasi ng 7pm to 7.30pm po talaga,
01:18daanan po yan ng estudyante, talagang punong-punong po yung kali na yan
01:22pagdating po ng ganun oras at sawa ng Diyos.
01:25Buti nga, at hindi ganun oras nangyari yung aksidente.
01:29Ayon pa sa barangay, walang tao sa loob ng nasabing bahay
01:32nang gumuho ang bahagi nito.
01:34Inaalam daw ngayon kung posibleng may kinalaman sa pagguho
01:37ang itinatayong bahay nakatabi ng gumuhong bahay.
01:40Nag-apply naman ng permit before, nung mga 5 months ago pa po.
01:43Old houses po yung itsura niya.
01:45So more than 50 years na rin po yung itsura ng bahay po.
01:48Ayan yung dalawang palapag na bahay na bahagyang gumuho kagabi.
01:52Dito yan sa bahagi ng Sevilla Street.
01:54Sa mga oras na ito ay hindi mo na pinadadaanan sa publiko
01:57at mga motorista itong kahabaan ng lugar.
01:59Yan ay para masiguro ang kaligtasan ng publiko,
02:01lalo na sa posibilidad na mas lalo pang gumuho itong nasabing bahay.
02:06Nakatakdaring inspeksyon din ngayong araw na Manila Engineering Department
02:08itong ang nasabing bahay para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
02:13Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang pahayag ng may-ari ng bahay.
02:18Jomer Ampresto nakatutok 24 oras.
02:21Pito ang sugatan sa karambola ng anin na sasakyan sa Haniway, Iloilo.
02:28Ang ugat ng disgrasya.
02:30Truck na nawala naman nun ng preno.
02:32Nakatutok si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
02:40Mabagal naman ang andar habang kumakaliwa ang truck na ito.
02:43Pero ang kasunod na truck, humaharurot.
02:47Bumanga tuloy ito sa palikong truck na napaabante naman.
02:51At umararo sa isang sinusundang sasakyan.
02:54Isang sasakyang nakapark, pati mga kasalubong na sasakyan at motorsiklo.
02:59Anim lahat ang sasakyang nagkarambola na nangyari sa barangay Crispin sa Lazarus South, Haniway, Iloilo.
03:05Pasado alas dos ng hapon kahapon.
03:08Naipit ang kaliwang paan ng driver ng nakabanggang truck na kinilalang si Alias Ram.
03:1230 anyos, kaya isinugod sa isang ospital sa Iloilo City.
03:17Anim na iba pa ang nasugatan pero nasa maayos ng kalagayan.
03:21Ayon sa pulisya, nawala nang preno ang truck na minamaneho ni Ram.
03:39Nag-usap na ang mga sangkot sa karambola para sa areglo ayon sa pulisya.
03:45Paalala ng pulisya sa mga motorista upang makaiwas sa kahalin tulad na aksidente.
03:49Laging i-check ang sasakyan.
03:57Mula sa GMA Regional TV, Kim Salinas, nakatutok 24 oras.
04:03Ngayong posibleng lumala pa ang El Niño.
04:07Tinimok ng gobyerno ang ilang negosyo malakas kumonsumo ng tubig.
04:12Tulad ng mga golf course na mag-recycle sila muna ng tubig tulad ng tubig ulan.
04:17Prioridad kasi ang suplayan ng tubig gripo ang mga bahay at irigasyon.
04:23Nakatutok si Bernadette Reyes.
04:29Sa resort farm na mag-asawang Israel at Romalin sa Nueva Ecija, binago na nila ang mga tinatanim na gulay.
04:36Sa halip na magtanim ng mga madadahong gulay, mga halaman na hindi gaanong malakas sa konsumo ng tubig ang tinatanim
04:43nila.
04:43I-experience namin ang bilis lang evaporation ng swimming pool, so we need to refill every day.
04:49Yung tubig ulan, ngayon pa lang dahil madalas naman yung ulan, sinesave na namin for future use.
04:57Ayon sa National Water Resources Board, sakaling lumala ang epekto ng Super El Niño,
05:02nakasaad sa water code na mas prioridad ang mga kabahayan at irigasyon sa agrikultura.
05:08Hindi ang mga negosyong may kinalaman sa recreation tulad ng mga resorts at golf courses.
05:38Sa kabila ng posibleng negatibong epekto ng Super El Niño, siniguro ng National Water Resources Board na magiging prioridad ang
05:45mga domestic users.
05:46Ito yung mga kabahayan na kumukonsumo ng tubig.
05:49Pero si Nora Pura, sinamantala ang malakas na buhos ng ulan.
05:53Kung naranasan na po namin, siyempre ang hirap pag ahantay ka ng pagdating ng truck. Agawan, di po ba?
06:00Mas priority po na yung water supply dito sa Metro Manila. Ang ano po is mas kukukukumpara natin sa irrigation.
06:09Pero sa irrigation po kasi, kapag nakapagtanim na, yung mga kabahayan po natin, kailangan natin i-sustain.
06:16Lalo yung palay po, usually, pag nagsimula magtanim.
06:20Pag-aaralan rao kung may mga kailangan gawing pagbabago sa protocol, pero mananatili rao na prioridad ang mga domestic users.
06:28O kakaiba itong El Niño, no? Very strong siya.
06:32Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
06:35Dahil hirap na silang makasabay sa presyo ng imported na karne, may hiling ang mga magbababoy sa bansa para hindi
06:42malugi.
06:43Baka pwede raw bawasan ang pag-aangkat at taasan ang kanilang taripa.
06:48Nakatutok si Mark Salazar.
06:54Expired na pero niriripak pa para ibenta ang 13 tuniladang karne na nasabat sa isang bodega sa Marikina nitong Abril.
07:03Galing ang mga ito sa US, Brazil at Spain.
07:08Hulyo naman ang mabisto sa isang palengke sa Dasmariñas, Cavite, ang apat na tuniladang mishandled meat.
07:14Wala silang dokumento pero hinihinalang imported na kung makonsumo ay delikado sa kalusugan.
07:21Maari pong sumakit andyan. Magkaroon po ng susundan po ng pagtatay na susuka o kaya sumakit yung ulo.
07:32Pero sakit din yan ang ulo ng mga magbababoy ayon sa Agricultural Sector Alliance Philippines o AGAP.
07:39Ang iba kasing hot meat, ibinibenta sa presyong 180 to 200 pesos per kilo lang.
07:45Kaya may mga tumatangkilik.
07:47Pag ganyan ang presyo, magduda po tayo.
07:50Hindi po yan makatutuhanan.
07:52At yan po yung maaaring unsafe.
07:56Pagka hindi na ayos yung karne, parang unsafe na, hindi mo na rin bibili dahil baka maamoy mo.
08:06So inuugasan ang may tawas.
08:09Ito ang ginagawa nila.
08:11Dahil umano sa sobrang importation ng karne, kaya dagsari ng hot meat sa merkado.
08:16Importation din ang dahilan kung bakit 250 million pesos kada araw ang nalulugi sa industriya ng pagbababoy sa bansa.
08:26Namumuhunan daw sila sa babuya ng 180 to 190 pesos kada kilo.
08:31Pero babaratin sila sa farm gate price na 100 to 140 per kilo.
08:36Kaya talo sila ng 50 to 90 pesos per kilo.
08:40At bakit sila binabarat?
08:43Dahil nakikipaglaban sila sa bagsak presyong imported pork na nasa 180 to 200 pesos lang per kilo.
08:51Nakipag-usap na raw ang agap sa Department of Agriculture sa mga hinihinging intervention.
08:58Una, itaas ang taripa sa imported pork to 30 to 40 percent mula sa kasalukuyang 15 to 25 percent.
09:06Pangalawa, dahan-dahang bawasan ang pag-import ng baboy in the next 200 days.
09:12At kung gaano kahigpit sa inspeksyon sa local pork, ganun din daw dapat sa imported para magkaalaman kung alin ang
09:19tunay na kalidad.
09:22Para tingde ng isa pang aray, ang Super El Niño, hindi lang sa mga baboyan kundi sa mga manukan.
09:29Pag ganyang kainit, ang mangyayari ay ang epekto niya sa mga baboy, sa mga manok,
09:35ay mahinang tumuka, mahinang ang katawan at madaling magkasakit.
09:41Paglaki ng baboy, babagal.
09:43Yung pagpangingitlog ng manok, mababawasan, at yung paglaki ng mga broiler, ganun din.
09:51Dahil ang pinakamatindi rin, yung sakit na pwede tumama dahil sa sobrang init.
09:57Sa industriyang lugi na nga, hindi rin nila alam kung papaano pa iraraos ang El Niño.
10:02Lalo't 60 percent ng baboyan sa atin ay mga backyard racing lang.
10:08Majority ay hindi kakayanin, kundi ang mangyayari niyan, dadami ang iyong ipainom ng mga vitamins,
10:17proteksyon, dadami ang gamot na magagamit mo, at siguro mga ventilasyon.
10:23Additional cost na naman yan, tatas na naman ang cost to produce.
10:27Kinukuha pa namin ang panig ng Department of Agriculture tungkol dito.
10:31Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
10:40Happy Friday chika na mga kapuso, from actor and fitspiration to comedian.
10:46Game dyan si Vince Maricela na palaban din sa kulitan at pagpapatawa,
10:50lalo as co-host sa Gandang Gabi Vice.
10:54Makichika kay Aubrey Karampin.
11:01Hindi lang on-cam ang kulitan dahil kahit off-cam.
11:05Bakit? Maganda ka naman talaga eh.
11:07May tawanan moments din.
11:09Sa kanyang vlog isinare ni Sparkle Honk Vince Maristela,
11:12ang kanyang POV na mga ganap behind the scenes,
11:15sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday,
11:18with guests Casey Tandingan at mister niyang si TJ Monterde.
11:23After three episodes, na-realize ni Vince na...
11:27Kaya ko pala magpasaya ng tao.
11:29Kasi di ba, pag umaarte ka,
11:31or ang papayakin mo yung mga tao ko.
11:33So, never ko naisip na kaya ko pala talaga magpapatay.
11:37Si Andy, si Mimi Vice yung ulo nagsabi sa akin noon eh,
11:40na pwede daw akong maging comedian.
11:43First time sa isang tao na nagsabi sa akin na nakakatawa naman daw.
11:51Pagkukumpirma nga ni Mimi Vice.
11:53Si Vince yung isa talaga sa pinaka nakakaaliw.
11:55Meron siyang ibang level of lutang,
12:00and natatawa kami lagi.
12:01May mga sinasabi siyang hindi ko na in-excess,
12:03nagtatawanan kami.
12:04Sabi ko, ilalagay ko ito sa GGB.
12:07Sabi ko, mapapakinabangan ko yung kasabawan mo.
12:10Sa ganda gabi Vice na ipapakita ni Vince
12:12ang kanyang kalog and not so serious side.
12:15Hindi lang ako yung firm and proper,
12:18pero makulit din ako.
12:20Kaya ko makipagsabayan.
12:22Bukod sa nag-e-enjoy ako,
12:23madami din po talaga ako natututunan kay Mimi Vice.
12:27Siguro, lalo na ngayon na first time ko maka-work siya na as co-host.
12:33Iba lang din talaga yung energy na,
12:35alam mo yun, palitan lang kayo and masaya-masaya.
12:38This Sunday, another late night kulitan ang magaganap.
12:42Dahil ang special guests,
12:44ang PBB Celebrity Collab Edition Season 1 voice
12:47na sina Brent Manalo,
12:49Ralph De Leon,
12:50River Joseph,
12:51at Emilio Daez.
12:53Bilang fans ng show at lagi raw nilang inaabangan noon,
12:57iba raw ang feeling ng kanilang first time na pagsalang
13:00sa talk show hosted by Uncabuggable star Vice Ganda.
13:05Kaabang-abang nga raw ang kanilang mga nakatutuwa
13:08at mga nakakagulat na revelations.
13:11Pwede ako nagulat nga ako sa mga ni-reveal nila,
13:15hindi ko rin alam yung mga...
13:16Alam na yung kay Emilio?
13:18Kailangan nyo abangayin yung kay Emilio?
13:19Oo, yun talaga lang talaga.
13:21Tsaka yung kay Brent.
13:22Tsaka yung kay Brent.
13:23Sa lahat.
13:23Aubrey Carampel,
13:25updated sa showbiz happening.
13:27Kailangan nyo abangayin yung kay Brent.