00:00Ipilitin ang mga organizer ng ASEAN Summit na limitahan ang epekto nito tulad sa trapiko.
00:07Pero ang ilang nagtatrabaho marapit sa PICC Complex na mo'am problema.
00:13Alamin kong bakit sa pagtutok ni Rafi Kima.
00:19Isang linggo pa bago ang pagbubukas ng 49th ASEAN Summit.
00:22Pero ngayon pa lang, sarado na sa trapiko ang Pedro Bucaneng Street papasok sa PICC Complex.
00:27Mga opisyal na sasakyan lang ang pinalulusot.
00:29Kaya ang karamihan, nag-u-turn na lang pabalik sa Rawas Boulevard.
00:33Dahil dito, dalawang linggong sarado ang mga establishmento malapit dito.
00:38Kabilang ang restaurant kung saan waiter si Adrian.
00:40Nag-start po kami, ayan, November 8 po.
00:44Yan ang sarado namin kasi bawal na raw po kasi ang mga tao dito pagkano, lockdown daw po.
00:52Problemado ngayon si Adrian dahil nangangunugan itong mayigit dalawang linggo siyang walang sweldo.
00:56Wala po kaming pasok, wala po rin po kaming kakainin. Paano rin po yung pamilya namin?
01:00Wala po sinabing ayuda?
01:01Wala po, wala po sinabi. Hindi rin po, hindi mo po pwede yung sagot ng mga may-ari po ng
01:07restaurant kasi government naman po yung nagpatupad ng ganyan.
01:12Si Elaine at kanyang asawa, dalawang linggo rin munang isasara ang kanilang maliit na tindahan ng malaruan at rentahan ng
01:17bike.
01:18Binigyan naman daw sila ng ID para may akses sila sa kanilang pwesto pero wala naman silang customer.
01:22Ang mayayari nyan po, uuwi muna kami sa province namin po.
01:28E paano yung kita?
01:30Wala pong kita.
01:31Wala ho bang tulong man lang?
01:33Ayun nga po yung ano namin sana inyintay eh. Baka naman.
01:38Sa Jocno Boulevard, inabutan namin ang ilang kagawad ng DSWD na kinakausap ang 72 taong gulang na si Lola Maria
01:44na sa tabing kasada tumatambay.
01:47Nais na nilang tulungan ang senior citizen na bumalik sa kanilang bahay dahil ilalockdown ng kalye.
01:53Sa ngayon, bukas pa sa daloy ng mga sasakyan ng Jocno Boulevard sa pagitan ng SMall of Asia patungong Buendiya.
01:58Pero nakakalat na rito ang mga kawanin ng PNP at militar.
02:01Pipilitin daw ng ASEAN 2026 organizers na malimitahan ang epekto ng summit sa ordinaryong paumuhay at daloy ng trapiko.
02:08Ayon sa MMDA, wala namang pangunahing kalsad ng isasara.
02:11Pero ang PICC complex, ituturing umanong security exclusion zone kaya hindi pwedeng madaanan.
02:17May pakiusap naman ang ASEAN National Organizing Committee sa mga magrarali.
02:21Sana daw gawin na lang ito pagkatapos ng summit bilang respeto sa mga darating na bisita.
02:26Ang mas maganda sana sa ating mga kababayan kung gawin na lang natin yung protesta natin pagkatapos ng hosting natin
02:34kasi parang pangit naman na may bisita natin sa paano diba?
02:40Kanina may patikim na ang ilang relista sa Quezon City.
02:43Tutul daw sila sa pagbisita ni U.S. President Donald Trump.
02:46Kabilang dito ang pinaplanong pagpapatayo ng Paxilica AI Hub sa Kapas Tarlac.
02:52Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.