00:00Hindi umano-dumaan sa regular na proseso ang 27 bilyong pisong halaga ng mga proyekto
00:06kung saan nakalista bilang project proponent si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:12Laman yan ng testimonya sa Sandigan Bayan ni Peter Paul Cortez,
00:17ang Division Chief ng Programming Division and Planning Service ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:24Sa bail hearing ni Romualdez para sa 7.4 billion pesos na plunder case,
00:30sinabi ni Cortez na mahigit apat na raang infrastructure projects daw ang pinag-uusapan.
00:37Ayon pa kay Cortez, hindi rin kasama sa National Expenditure Program
00:42ang mga proyekto na ipinalista umano ni Yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
00:49Sabi ni Cortez, insertion ang tawag nila rito.
00:53Ilang ulit ng itinanggi ni Romualdez na sangkot siya sa umunoy kickback scheme sa mga flood control project.