Skip to playerSkip to main content
  • 1 week ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Mga kapuso, maulang weekend sa gitna po ng tag-init.
00:05Inulan na maraming lugar sa Metro Manila ngayong araw
00:08at bumuho sa malakas na ulan na nagpabaha sa ilang lugar sa Quezon City.
00:13Bukod sa Metro Manila, nakaranas din ang pagulan sa ilang probinsya sa Luzon at Mindanao.
00:18Ang paliwanag dyan ng pag-asa, tutukan, maya-maya lang.
00:23Sa kabila po ng mga nararanasang ulan at baha sa malaking bahagi ng bansa,
00:27nilinaw ng pag-asa na hindi pa po tag-ulan.
00:30Nakatutok si Jamie Santos.
00:35Sa nakalipas na mga araw, nakapagtala ng pag-ulan sa ilang probinsya,
00:40tulad sa Aurora, maging sa ilang lugar sa Metro Manila.
00:44Muli ring bumuhus ang ulan sa Quezon City kanina,
00:47kaya bumaha sa Quezon Avenue sa bahagi ng biyak na bato,
00:51pero ayon sa pag-asa, hindi pa tag-ulan.
00:54Normal ito, climatologically, mas dumadalas po yung occurrences po ng ating thunderstorm activity sa panahon ng tag-init.
01:00For the later half of May, mas nadalas po yung mga occurrences na ito.
01:04Throughout the day, may chances po ng thunderstorms,
01:07pero usually po kasi mas mataas lang yung mga pag-ulan na ito afternoon to late evening.
01:12Maaring makatulong sa pagtaas ng water level na mga dam ang mga pag-ulan ayon sa pag-asa.
01:17Pero sa ngayon, patuloy ang pagbaba ng level ng tubig sa Anggat Dam.
01:21Ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.
01:25Dahil mababa na siya sa minimum operating level,
01:28ay kailangan na rin po natin i-regulate yung pag-release na Anggat Dam sa ibang gamit po nito,
01:35kagaya ng irigasyon.
01:36Kaya sa kasalukuyan po ay binawasan na po ang alokasyon para sa irigasyon po.
01:43At by next week po, ay baka po isuspend na natin yung pag-release sa irigasyon.
01:52May contingency measures ang nila silang inilatag.
01:55Dito po may mga treatment facilities po tayo dito sa Laguna Lake.
02:00At sa ngayon, pwede rin po gawin yung pag-recover ng mga tinatawag na backwash.
02:08Ito po sa mga water treatment facilities.
02:12At sa kasalukuyan po, ay pinayagan na rin po, pinahintuluto na rin po ng WRB
02:17na i-activate po yung mga deep wells dito po sa Metro Manila
02:22para kung sakali po ay mangailangan ng karagdaga supply
02:29na hindi na po kayang ibigay na Anggat Dam ay meron po ibang mapagkukunan.
02:34Sa dulo ng Mayo o kaya'y tuwing Hunyo, karaniwang nagsisimula ang tag-ulan.
02:40Ayon sa pag-asa, bandang Hunyo rin posibleng magsimula ang El Niño
02:44at maaring magtagal sa unang bahagi ng 2027.
02:48Isang epekto niyan sa Pilipinas ay posibleng mabawasan ang ulan.
02:52Actually, in terms of El Niño, hindi pa po talaga siya officially nag-start.
02:56So kung baka papunta po po tayo doon based po sa assessment ng ating latest climate models.
03:01Based on our latest assessment ay on the second half of the year pa po.
03:04So second half of the year onwards pa po natin mararanasan yung peak ng efekt ng El Niño.
03:09Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
03:14Bukod sa Metro Manila, inulan din ang ilang lugar sa Luzon at Mindanao
03:17ngayong weekend na nagdulot ng pagbaha.
03:20Nakatutok si Jamie Santos.
03:25Lumusong sa hanggang gutter na baha kagabi ang mga sasakyan sa barangay Manuyo 2 sa Las Piñas.
03:31Ang kalsada, papasok sa isang subdivision.
03:34Tila naging lawa kasunod ng ulan.
03:36Kaya napilitang lumusong ang mga residente.
03:39Pagka umuulan po talagang lagi hong bumaba dyan.
03:42Naayos po yung kanal, pinalalakihan po yung Marulas Creek po.
03:46Gagawa po ng palibagong drainage na papunta po sa main creek po natin.
03:53Hanggang gutter din ang baha kagabi sa bahagi ng Aguinaldo Highway sa Baco or Cavite.
03:59Umulan din sa Dagupan City pasado alas otso kagabi.
04:03Bumaha sa ilang kalsada at humupa matapos ang halos dalawang oras.
04:08Ilang araw nang umuulan tuwing hapon sa Senador Ninoy Aquino Sultan Kudarat.
04:13At nang sumungit ang panahon kahapon, umapaw ang mga sapa at ilog at binaha ang mga kalsada at bahay.
04:21Nalubog din pati babuyan ng isang residente.
04:24Kaya sinalba ang mga baboy.
04:27Pinasok din ang tubig baha ang ilang bahay sa tabing kalsada sa Dato Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.
04:34Umapaw sa National Highway ang tubig at putik mula sa ilog at sapa kasunod ng pagulan kahapon.
04:41Sa Tampakan, South Cotabato, nagka-traffic ng humambalang sa kalsada ang mga sanga at puno na napinsala ng malakas na
04:49hangin at ulan.
04:50Pinagtulungan ang mga residente at ilang motorista na alisin ang mga kalat.
04:55Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang nagpaulan sa Metro Manila, ilang bahagi ng Luzon at sa Mindanao kahapon.
05:03Jamie Santos, ng Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended