Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00My rematch, sinapinay tennis ace Alex Ayala at Linda Noskova ng Czech Republic.
00:06Sila po magtatapat mamaya sa semifinals ng Berlin Tennis Open.
00:11Umusan si Ayala matapos niyang daigin sa quarterfinals ang world number 8 na si Elina Svitolina ng Ukraine sa score
00:19na 6-3, 6-4.
00:21Huling nagharap si Ayala at Noskova sa Indian Wells Open kung saan nanalo si Noskova.
00:26Minsan na rin natalo ni Ayala si Noskova sa kanilang junior days sa 2020 French Open Girls Tournament.
00:34Sino man ang manalo sa rematch na Ayala at Noskova ay aabante sa finals.
00:39Katapat ang sino mang manaig kina world number 1, Arena Sabalenka ng Belarus at world number 4, Jessica Pegula ng
00:47Amerika.
00:48Nasa pedestrian lane na nga, nasagasaan pa ang isang estudyante sa Rizal.
00:54Pinagpapaliwanag na ng LTO ang nakabanggang driver at suspendido na ang kanyang lisensya.
00:59Nakatutok si Von Aquino.
01:06Habang tumatawid sa pedestrian lane ng isang estudyante, huminto ang jeep kaya nakatawid ang bata.
01:12Pero dire-diretsyo naman ang isang van kaya nasagasaan ang batang nasa tama namang tawiran.
01:20Huminto ang van at pinuntahan ang driver ang biktima.
01:24Webes nangyari ang disgrasya sa General Luna Avenue, San Mateo Rizal.
01:28May ospital sa tapat ng tawiran kaya agad nasuri ang biktima.
01:32Nakita po namin na conscious pa yung bata kaya agad din po kaming nagpatawag ng volunteer doctor
01:38para tingnan yung bata, kung ano yung kanyang kalagayan.
01:44And agad din tayong nagpatawag ng ambulansya.
01:48Magtatunod kasi itong SUV at saka passenger gate.
01:52Noong puminto itong passenger gate kasi may dadaan na mga pedestrian natin,
01:58nag-overtake itong SUV at hindi niya napansin na may papatawid na bata.
02:06Ayon sa San Mateo Police, nagtamo ng galos ang bata.
02:10Sinagot ng driver ang gasto sa ospital.
02:13Mariing paalala ng LTO sa mga motorista,
02:16pagdating sa pedestrian lane, dapat bigyan ng daan ang mga tumatawid.
02:21Ngayon po narito tayo sa pedestrian lane kung saan naaksidente ang estudyante
02:24at susubukan po nating makatawid doon
02:27para makita kung ano yung behavior ng mga driver dito
02:30at kung may alam sila sa batas patungkol sa right of way sa mga pedestrian lane.
02:43Malayo para nakikita mo naman yung guhit-guhit eh.
02:45Kailangan nagme-menor ka na.
02:47Tapos hihinto ka pag may dumadaan.
02:48Dapat lagi kang alerto para iwas yung makasagasa ka.
02:53Paalala lang po sa mga driver, hindi tayo ang priority sa pedestrian lane.
02:59Yung pedestrian o yung tumatawid ang priority dyan.
03:03So obligado silang huminto.
03:05Marami pong mga driver natin ang pasaway,
03:08hindi nila nirirespeto yung pedestrian lane,
03:11kaya yun po nangyayari.
03:13Sa Land Transportation and Traffic Code,
03:16nakasaad na ang mga driver ng anumang sasakyan
03:18na bumabaybay sa mga highways sa mga business or residential district
03:22ay dapat magbigay sa mga tumatawid sa mga crosswalk,
03:26maliban sa mga intersection kung saan ang trapiko
03:28ay minamanduhan ng peace officer o traffic signal.
03:32Kapag walang tawiran,
03:33ang mga motorista naman ang may right of way.
03:37Nagpadala na ang LTO ng show cost order sa driver ng van.
03:41Sinuspindi rin ang 90 days ang lisensya ng driver
03:44habang iniimbestigahan.
03:45Kasalo po yun ho, nasa alarm na yung pagkas yan.
03:49Mabigat po yan ma'am kasi reckless yan.
03:53Mabigat yung kanyang parusa dyan.
03:55Kahit nagkaaregluhan na daw po.
03:59Opo ma'am kasi iba naman po yung sa complainant,
04:03iba naman sa amin sa government.
04:05Ayon sa LTO,
04:07depende sa resulta ng kanilang investigasyon
04:09kung papatawan ang driver
04:10ng mas mahabang suspension o revocation ng lisensya.
04:14Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras.
04:23Nanlumo ang mga eksperto sa Australia
04:25sa tagpong bumulaga
04:26sa kanilang isinagawang drone survey
04:28sa Kapaluan sa Indian Ocean.
04:30Mahigit labintatlong libong
04:32Southern Elephant Baby Seals
04:34ang nakita nilang patay na.
04:37Paano kaya nangyari ito?
04:38Kuya Kim, ano na?
04:43Ang kumpol ng mga islang ito
04:45na matatagpuan may 4,000 kilometers
04:47sa timog kalura ng mainland Australia
04:50nagsisinding isolated sanctuary
04:52para sa ilang ibon at marine animals.
04:54Ito ang territory of Herd Island
04:56and MacDonald Islands.
05:01Pero sa sinagawang drone survey doon
05:03ng Australian Antarctic Program
05:05may nadiscover silang nakakapanlumo.
05:07May 30,000 Southern Elephant Seal Pups
05:10na nakatira doon at nakamatay
05:11matapos tamaan ng bird flu.
05:13Bukod sa mga Southern Elephant Seal Pups
05:15may mga namataan din
05:16ng mga eksperto na carcass
05:18o labi ng penguin at ebon
05:20sa Herd and MacDonald Islands.
05:21Ang mga kasong ito sa isla
05:23ang pinakaunang deteksyon
05:24ng H5 bird flu strain
05:26sa isang Australian external territory.
05:29Inaalam naman ngayon ng mga eksperto
05:31ang impact ng pagkakahawahan
05:32ng H5 bird flu strain
05:34sa breeding adult population
05:35ng Southern Elephant Seal
05:36sa mga isla.
05:37Pero paano kaya nakarating
05:38sa isang isolated na isla
05:40ang H5 bird flu strain?
05:42Kuya Kim, ano na?
05:45Hinala nila ang H5 bird flu
05:47maaring nakarating sa isla
05:48sa pamamagitan ng wildlife
05:50mula sa Crozet Islands
05:51na 1,800 kilometers ang layo
05:53mula sa mga isla
05:54ng Herd and MacDonald.
05:56Ang mga Southern Elephant Seal
05:57o Mirawunga Leonina
05:59ang pinakabalaking seal sa planeta.
06:01Ang mga lalaking Southern Elephant Seal
06:03maaring tumimbang
06:04na hanggang 4,000 kilos.
06:06Magagaling din sila mga divers.
06:07Kaya nilang sumisin
06:08hanggang 1,500 meters
06:10para manghuli ng pusit at isla.
06:12Kaya sila ang may hawak ng record
06:14para sa deepest dive
06:15ng anumang air breathing vertebrate.
06:17Laging tandaan
06:18kiimportante ang may alam.
06:20Ito po si Kuya Kim
06:21at sagot ko kayo
06:2224 horas.
06:24Mas mababa po
06:25sa 180 meter minimum operating level
06:28ang kasalukuyang water level
06:30na ang gatda.
06:31Nasa halos 166 meters
06:33na lamang po ito ngayon.
06:35Ayon sa National Water Resources Board
06:37patuloy pang nababawasan
06:38araw-araw.
06:39Lalo't hindi sapat
06:41ang mga pagulan
06:41sa kalakhang luzon.
06:43At kung mananatiling kulang
06:44ang pagulan sa watershed,
06:45posible pang mabawasan
06:47ang tubig sa dam
06:48bago matapos ang buwan
06:50ayon sa pag-asa.
06:51Dahil po sa patuloy
06:53na pagbaba ng water levels,
06:54hinuspindi na
06:55ng National Water Resources Board
06:57o NWRB
06:58ang pagpapakawala ng tubig
07:00para sa erikasyon
07:01matapos ang dry cropping season.
07:04Tinututukan din
07:05ang mga alternatibong water source,
07:07mga water treatment facilities,
07:09at iba pang pasilidad
07:10na maaaring makatulong
07:11kung kakailanganin.
07:13Giniyak naman
07:14ang mga concessionary
07:14ng Maynilad
07:15at Manila Water
07:16na sapat
07:17ang isusupply nilang tubig
07:18sa kanilang customers.
07:19music
07:21music
07:22music
07:23music
07:23music
Comments

Recommended