00:00Ipinaliwanag ng Ombudsman kung bakit State Witness na ngayon si dating DPWH Secretary, Manuel Bonoan.
00:07Gagamitin umano ang mga testimonya niya para sa binubuong kaso laban kay dating House Speaker, Martin Romualdez.
00:14Nakatutok si Joseph Moro.
00:16Exclusive!
00:19Isa sa mga dahilan ng Office of the Ombudsman kung bakit nila gagawing State Witness,
00:23si dating Department of Public Works and Highway, so DPWH Secretary Manuel Bonoan,
00:28ay gagamitin daw nila ang kanyang testimonya sa binubuong nilang kaso laban kay dating House Speaker, Martin Romualdez,
00:35kaugnay ng 2025 budget.
00:37Marami raw alam si Bonoan at handa itong makipagtulungan sa Ombudsman.
00:41Meron talaga siyang maibubuga dahil he was in the room.
00:45Siya mismo ang nandun, siya mismo ang kumakausap sa mga congressman, siya mismo ang kumakausap sa mga cabinet secretary.
00:51Yung grand case of conspiracy and plunder, no, na ang pinaka-punot-dulo nun ay si former Speaker Martin Romualdez.
01:02Ayon pa sa Office of the Ombudsman, posibleng may kinalaman nyo daw si Romualdez sa hatihan ng kickback.
01:08Yung budget ni former Secretary Manny Bonoan, yun po ang kinalikot na budget ng House leadership at that time.
01:15The former House Speaker may have had a big role to play when we talk about percentages.
01:24Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag si Romualdez kung aabot kay President Bongbong Marcos ang investigasyon.
01:31Sagot ng Office of the Ombudsman.
01:32Wala ko tayo talagang kinikilingan dito.
01:35And the Ombudsman has always said we will follow the evidence.
01:40So if the evidence is there, who are we to stop that from coming out?
01:44Sa mga mosyon ng Ombudsman para amyendahan ang impormasyon sa Korte,
01:48napirmado kahapon lamang na eksklusibong nakuha ng GMA News,
01:52hiniling nila sa dalawang dibisyon na gawing state witness si Bonoan sa halip na akusado.
01:58Aatasan din daw ng Ombudsman ng Department of Justice na siguraduhin ang kaligtasan ni Bonoan
02:03dahil sa kanyang mga isisiwalat, taas ng posisyon ng mga individual na madadawit
02:08at banta sa kanyang siguridad dahil sa kanyang kooperasyon.
02:11Ayon sa Ombudsman, nagsabi si Bonoan na handa siyang makipagtulungan.
02:16Bilang dating kalihim ng DPWH, meron daw siyang direct ng kalaman tungkol sa ginagawang investigasyon
02:22sa flood control at iba pang infrastructure projects.
02:25At handa siyang pangalanan ang mga matataas na opisyal ng gobyerno,
02:29privadong individual at sistema ng anomalya.
02:33Hawak na raw ng Ombudsman ang mga ebidensya tungkol sa project implementation at koleksyon ng kickback.
02:38Ang may hirap daw maipakita ay ang pagdesisyon na nangyayari sa pinakamatataas na level ng gobyerno
02:44kaya nangyayari ang korupsyon.
02:46Para sa mga kaso ni Bonoan ay iatras, wala raw aligasyon na kumita siya sa mga flood control project
02:52kaya hindi pa napag-usapan ang restitusyon o pagbabalik ng pera.
02:55The question is, how much would it be if he were to restitute or to return money?
03:04That is something that we are negotiating right now. That is something that we have to see.
03:09Sa dalawang dibisyon ng Sandigan Bayan, may kaso si Bonoan.
03:12May kaso siyang plunder sa 5th Division kung saan kapwa-akusado niya si S. Dorjeng Goy Estrada
03:18at Graff kasama si Estrada at tatlong iba pa ng mga engineer ng DPWH.
03:23Sa 2nd Division naman, magkasamang may kaso ng Graff si Estrada at Bonoan.
03:27Kawag na ito ng umunay kuntsabahan ni Estrada at Bonoan
03:30para makakuha ng mga proyekto kung saan kumita o muno ng P573M na kickback si Estrada.
03:37Nakasalalay pa rin sa desisyon ng Sandigan Bayan kung papayagan ito ang mosyon
03:42ng prosekusyon o ng ombudsman na gawing state witness,
03:46si datin DPWH Secretary Manuel Bonoan.
03:48We will ask for the discharging or we will ask for him to be excluded
03:53but ultimately it will be up to the court to do that.
03:56If it doesn't approve, then there's nothing much we can do.
04:00Joseph Morong, Nakatutok 24 Horas.
Comments