Skip to playerSkip to main content
  • 3 months ago
MAS MATAGAL DAW ANG ARAW NGAYONG JUNE 21?! ☀️

Ayon sa PAGASA, mararanasan sa Pilipinas ngayong araw ang pinakamahabang oras ng liwanag ng araw o tinatawag na “summer solstice.”

Pero bakit nga ba mas mahaba ang araw kaysa gabi kapag nangyayari ito?

Alamin ang paliwanag ni Kuya Kim Atienza sa video na ito!

Category

🗞
News
Transcript
00:00Napapansip mo bang may mga araw na tila mas matagal lububog ang araw?
00:03Alam niyo ba na may paliwanag ang astronomy dyan?
00:05Tinatawag itong Summer Solstice.
00:08Pero ano nga ba ang Summer Solstice at bakit mas mahaba ang araw kaysa gabi kapag nangyayari ito?
00:18Para maintindihan ng Summer Solstice, kailangan muna natin alamin kung ano ang ibig sabihin ng Solstice.
00:23Ang salitang Solstice ay galing sa Latin word na Sol,
00:26nang ibig sabihin ay sun, at stitium o sistere, nang ibig sabihin ay to stand still.
00:31Kaya ang kahulugan ng Solstice ay sun standing still.
00:34Ang Solstice ay isang astronomical event na nangyayari dalawang beses sa isang taon.
00:39Ito ang panahon kung kailan nararanasan natin ang pinakamahaba o pinakamahakling oras ng sikat ng araw.
00:45Kapag pinakamahabang oras ng liwanag, Summer Solstice.
00:48Karaniwan itong nangyayari tuwing Hunyo.
00:50Kapag pinakamahakling naman ang oras ng liwanag ng araw, tinatawag itong Winter Solstice.
00:55Karaniwan naman itong nangyayari tuwing December.
00:58Sa astronomical calendar, bukod sa dalawang Solstice,
01:02meron ding dalawang equinox na karaniwang nagaganap tuwing Marasot-Setyembre.
01:06Ang apat na pangyayaring ito nagsisilbi mga pananda sa pagbabago ng mga panahon sa iba't ibang bahagi ng mundo.
01:12Pero bakit nga ba mas mahaba ang araw kapag Summer Solstice?
01:15Dahil nakatagilid ang axis ng daigdig habang umiikot ito sa araw,
01:19may mga panahon mas direktang nasisinaga ng liwanag ang isang bahagi ng mundo.
01:24Tuwing Hunyo, mas nakaharap sa araw ang Northern Hemisphere.
01:26Dahil dito, mas tumatagil ang oras ng liwanag ng araw at nagkakaroon ng Summer Solstice.
01:32Ito rin ang opisyal na hudyat ng pagsisimula ng tag-init sa Northern Hemisphere.
01:36Sa Southern Hemisphere, kabaligtara naman ang naranasan kung saan ang sisimula ang taglamig.
01:42Dahil alam naman kasi antipiko ang hugis ng orbit ng Earth,
01:45bilis ng pag-ikot nito at ang pagkahilig ng axis nito.
01:48Bahari nilang matukoy ang eksaktong pecha kung kailan maaabot ang posisyong ito bawat taon.
01:54Ayon sa pag-asa, manggayari ang Summer Solstice ngayon June 21 at saan na mas matagal ng paglubog ng araw.
02:00Pero dahil malapit ang Pilipinas sa Equator,
02:02hindi ganong kapansin-pansin ang pagbabago sa haba ng araw at gabi
02:06kumpara sa mga bansang gaya ng Canada at Norway.
02:09Sa iba't-ibang mga bansa, may iba't-ibang selebrasyon ang ginagawa tuwing araw ng Summer Solstice.
02:14Sa United Kingdom, meron silang Stonehenge Sunrise.
02:19Midsommar naman sa Sweden,
02:21Kupalanite sa Eastern Slavic Countries.
02:24Sa mga lugar na malapit sa Arctic Circle tulad ang bahagi ng Norway, Sweden at Finland,
02:28halos hindi lumulmugang araw sa panahon ng Summer Solstice.
02:32Tinatawag itong Midnight Sun.
02:34Laging tandaan, kimportante ang may alam.
02:37Ito po si Puyakim para sa GMA News.
Comments

Recommended