Skip to playerSkip to main content
  • 4 minutes ago
Isang 'di pangkaraniwan na heat wave ang naranasan sa Europa nitong mga nagdaang araw.

Daan-daan ang nasawi sa record-breaking na init sa iba't ibang bansa roon, at inaasahang mauulit pa ito sa susunod na linggo.

Ano nga ba ang dahilan ng napakatinding init ngayon sa Europe? At bakit sa kabila nito, hindi pa rin makapagpakabit ng air conditioning systems ang maraming bahay roon?

Alamin sa report ni Bam Alegre.

Category

🗞
News
Transcript
00:00200 deaths sa loob lang ng apat na araw, kanyang karami ang nasawi sa Spain sa gitna ng pag-atake
00:07roon ng itinunturin na silent killer.
00:09Ang heat stress na dulot ng pinakamatinding heatwave na naranasan sa kasaysayan ng Europa.
00:15Sa France, hindi bababa sa 55 ang nalunod at nasawi sa loob ng 10 araw sa dami na mga dumagsas
00:21sa mga ilog, lawa, reservoir at quarries.
00:24Nito'ng June 24, 2026, 43.8 degrees Celsius ang init sa Palio sa France.
00:32Ito na ang pinakamataas na naitalang temperatura sa kasaysayan ng kanilang bansa.
00:36Sa Silangan, Germany, tatlong magkakasunod na araw ang record-breaking na init.
00:40Ang pinakamataas na temperatura, 41.7 degrees Celsius.
00:4441.9 degrees Celsius naman ang record high na temperatura sa Czech Republic, habang 40.5 degrees Celsius ang sa
00:52Poland.
00:53Sabi ng mga asyong tipiko, ang Europa ang pinakamabilis na uminit na kontinente sa buong mundo.
00:59Ang naranasan nilang heatwave, ang most severe recorded ever o pinakamatindis sa kanilang kasaysayan ayon sa isang pag-aaral.
01:07Ano nga ba ang dahilan sa likod nito kaya hindi bago sa kanila ang heatwave?
01:12Bakit nga ba maraming bahay sa Europa ang walang airpunch?
01:18Ito ang jet stream, ang makipot at mabilis na agos ng hangin sa itaas na bahagi ng atmosfera.
01:24Nagdudulot ito ng pagkakaiba ng temperatura at weather sa iba't ibang bahagi ng mundo.
01:29Nagbabago ang direksyon nito kapag may low pressure at high pressure system.
01:33Ang mga lugar na apektado ng high pressure, maaraw at karaniwang mas mainit ng 5 hanggang 10 degrees Celsius kumpara
01:40sa normal nitong temperatura.
01:42Samantala, ang mga apektado naman ng low pressure nakararanas ng maulap at maulang panahon.
01:47Kapag may high pressure na napagikitnaan ang dalawang low pressure systems, kumukurba ang jet stream at rumubuo ng pattern, nakamukha
01:54ng Greek letter na Omega.
01:55Kaya ang fenomenon na ito, tinatawag na Omega Block.
01:59Ito ang nagdudulot ng heat dome.
02:02Dito natatrap ng high pressure ang mainit na hangin, lalo pang umiinit sa loob ng dome dahil sa tindi ng
02:07sikat ng araw at global warming.
02:10Nagiging deadly ang heat dome dahil walang lalabasan ng init.
02:14Kahalintulad ng nangyayari sa kalderong tinakpan at isinalang sa apoy.
02:18Tumatagal ang heat dome ng 3 hanggang 10 araw at natatanggal lang kapag nawawala o nababago ng posisyon ng high
02:25pressure.
02:26Hindi naman bago sa Europa ang heat wave.
02:29Pero dati kasi malamig ang kanilang klima.
02:31Kaya hindi ganito katinde ang epekto ng init.
02:34Madalang pa rin noon tumatagal ang init ng panahon.
02:37Pero dahil sa climate change, kumaas ang temperatura sa Europa at tila hindi raw ito na paghandaan ng mga bansa.
02:44Ayon, sa isang eksperto.
02:46Ang unang problema ang arkitektura ng maraming bahay sa Europa.
02:50Luma kasi ang mga ito at na disenyo para itrap ang init sa loob ng kabahayan.
02:54Bilang proteksyon ng mga tao mula sa matinding lamig tuwing winter.
02:57Hindi rin akma ang lumang disenyo ng mga ito para kabitan ng air conditioning system.
03:01Sa katunayan, 20% lang ng European homes ang may aircon.
03:05Mahal din ang kuryente sa Europa at kakaunti ang kaya magbayad para sa dagdag na electric consumption.
03:11Bukod dyan, meron silang pulisiya para maging climate neutral ang mga bansang kasapi sa European Union sa taong 2050.
03:17Ang pagdami ng aircon magiging balaki dumano sa layuning ito.
03:21Gayunman, ayon sa International Energy Agency,
03:23posibleng tumaas sa 275 million ang demand sa air conditioning units pagdating ng taong 2050.
03:29Ang pag-improve sa arkitektura at paglalagay ng mga aircon,
03:33band-aid solutions lang daw sa mas malaking problema ng climate change.
03:38Mahigit 200,000 na ang nasa week sa nakalipas na apat na taon dahil sa efekto ng heatwave.
03:44Umasa ang maraming mga environmental advocates na maging wake-up call ito,
03:48hindi lang sa mga taga-Europa, kundi maging sa buong mundo.
03:51Ako po, si Bama Lagre, para si GMA.
04:07Ako po, si Bama Lagre, para si Bama Lagre, para si Bama Lagre,
Comments

Recommended