Skip to playerSkip to main content
Aired (April 26, 2026): MGA PROYEKTONG INUUGNAY KINA ZALDY CO AT DATING HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, INIMBESTIGAHAN NG KMJS AT SUSURIIN KUNG MAY KUWESTIYONABLE NGA BANG PAGGAMIT NG PONDO RITO

Matapos ang ilang buwang pananahimik, nagsalita ang dating House Speaker at Congressman ng first district ng Leyte na si Martin Romualdez tungkol sa pagkakadawit niya sa mga diumano flood control corruption scandal!

Lumabas din ang balita na sa Czech Republic sa Europe nakita na si former House Appropriations Chairperson at partylist representative ng Ako Bikol na si Congressman Zaldy Co at ayon sa Pangulo mismo, na-hold.

Para mag-imbestiga, lumipad pa-Leyte ang KMJS at napag-alamang hindi lang flood control projects ang hinawakan ng Sunwest sa Leyte. Sa kabuuan, 6 billion pesos ng mga proyekto ng DPWH ang in-award sa kanila. Meron nga bang kuwetiyonableng paggamit ng pondo sa mga ito?

Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:00 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:01Si Zaldico, party list representative ng ACOBICOL at dating chairperson ng napakamakapangyarihang Appropriations Committee sa Kongreso na huli na raw
00:14sa Europe.
00:15At dating speaker sa Kongreso na si Martin Romualdez, nagsalita na ilan lang sila sa mga personalidad na nabanggit sa
00:25mga di umano, kinorakot na proyekto.
00:35Martes, April 21, matapos ang ilang buwang pananahimik ng salita sa wakas si dating house speaker at congressman Martin Romualdez
00:46ng 1st District ng Leyte tungkol sa pagkakadawit niya sa mga di umano, kinorakot na proyekto ng gobyerno.
00:54I did not run. I did not evade scrutiny. I faced it head on because I know there is no
01:00evidence that proves I committed plunder, conspiracy to commit plunder, or any similar offense that the ombudsman may be contemplating
01:08against me. I have nothing to hide.
01:09Agad din niyang pinasinungalingan at inalmahan ang mga posibleng kasong ihahain laban sa kanya.
01:17Now let us address the most absurd accusation of all. I am supposedly the mastermind of this corruption scheme.
01:24How can I be the mastermind?
01:25I was the former Speaker of the House of Representatives, but the House of Representatives is only one part of
01:31the branch of government, the legislature.
01:32The national budget is not conceived, executed, implemented, billed out, supervised, and completed by one congressman or even by Congress
01:41alone, and certainly not by the Speaker of the House.
01:44I will not allow myself to be turned into the scapegoat so that others who are actually accountable can walk
01:49away clean.
01:50Limang araw lang bago nito, lumabas ang balita na sa Czech Republic sa Europe, nakita na si dating House Appropriations
01:59Chairperson at Partylist Representative ng Ako Bicol na si Congressman Zaldico.
02:06Pagamat si Pangulong Marcos mismo ang nag-anunsyo nito, lumabas din ang mga pagdududa kung hawak na ba talaga ng
02:15mga otoridad at kung maibabalik na ba siya sa Pilipinas.
02:18We are in close coordination with the Czech government to ensure that all legal processes are followed and to arrange
02:25for his return to the Philippines at the soonest possible time.
02:29He was denied entry and returned to Czech authorities where he remains in custody.
02:44Merkoles, naglabas ang Sandigan Bayan ng Hold Departure Order para kay Romualdez.
02:51Ibig sabihin, hindi siya pwedeng umalis ng Pilipinas sa kabila ng paghingi niya ng permiso mula sa Kongreso na pupunta
03:00raw ng Singapore para magpadoktor.
03:03Nasundan ito ng freeze order sa kanyang assets mula sa Court of Appeals.
03:09At the outset, we clarify, Representative Romualdez is in the Philippines and has not left the country.
03:17Noong Nobyembre pa naglabas ang Sandigan Bayan ng warrant of arrest laban kay Ko, kaugnay ng mga kasong graft at
03:26malversation.
03:27Pero bago pa noon, wala na sa Pilipinas si Ko.
03:31Ang sinasabing sanggang dikit ni Romualdez sa Kongreso, si Zaldi Ko, party list representative ng Ako Bicol at chairman ng
03:41pinakamakapangyarihang kumite,
03:44ang Appropriations Committee na siyang may kontrol ng budget ng gobyerno.
03:49Si Romualdez, pamangkin ni dating First Lady Imelda Marcos at pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:58Kaya malaking pasabog nito lang na karaang taon nang napabilang ang mga kumpanyang di umano pagmamayari o may kaugnayan kay
04:07Zaldi Ko
04:08sa top 15 contractors na nakakuha ng mga proyekto sa DPWH.
04:15Pinangalanan si Ko bilang isa sa top contractor, congressman na, contractor pa.
04:22At ang kanyang mga kumpanya, lalo na ang Sunwest Incorporated,
04:28napabilang sa top 15 contractors na nakakuha raw ng pinakamaraming mga proyekto mula sa DPWH.
04:37Itinanggi na ni Ko na may koneksyon pa siya sa Sunwest at sa iba pang mga kumpanya.
04:43Si Romualdez naman, dating speaker, binansagan ng PCIJ o ng Philippine Center for Investigative Journalism na Port Barrel King.
04:54Bagamat pinabulaanan niya ito.
04:56Ayon sa report ng PCIJ, 14.4 billion pesos na allocable funds ang nakuha ni Romualdez.
05:05Pangalawa siya kay Ilocos Norte 1st District Representative at anak ng Presidente, Sandro Marcos.
05:12Takabuhat lang ako ng malita ng basura.
05:15Ang ibig sabihin ng basura ay malita na may lamang pera.
05:18Ang bawat malita ay may lamang humigit kumulang 48 million pesos.
05:22Kalimitang dinadala sa bahay ni Congressman Zaldi Ko,
05:25bago'y baba ang nasabing basura,
05:28ito ay bawas na para i-deliver sa bahay ni House Speaker Martin Romualdez.
05:33I have never received or benefited from kickbacks in any infrastructure project.
05:39Ang dating speaker at ang dating chairman ng Appropriations Committee,
05:45na nung una, sanggang dikit sa Kongreso.
05:48Mga pinakamakapangyarihan, hindi nagtagal, tila naglaglagan.
05:53Tinawagan ko po si dating speaker Martin Romualdez at nireport ko ang instructions ng Presidente
06:01to insert the 100 billion projects.
06:05At sinabi niya sa akin, what the President wants, he gets.
06:08If I were truly involved in a fraudulent scheme of this nature,
06:12then the first place one would expect to see that pattern would be in my own district,
06:16in the projects most easily associated with me.
06:19You would have seen it in Taclobat.
06:20My district has zero gross and zero substandard flood control projects.
06:25Zero.
06:25And that is verifiable.
06:27To prove this point, I'm authorizing my staff to share and release to the public
06:31the list of all the projects in my district that the authorities may deem attributable to me.
06:35Para mag-imbestiga, lumipad pa Leyte ang aming team.
06:40Ang mga Romualdez ang nangunguna ritong political family.
06:44Ang airport at ang iba pang mga proyekto nakapangalan sa pamilya.
06:49Sa pananaliksik ng aming team na pag-alamang hindi lang flood control projects
06:55ang hinawakan ng SunWest sa Leyte 1st District sa kabuoan,
07:006 billion pesos ng mga proyekto ng DPWH ang in-award sa kanila.
07:06Pati na ang Tacloban Causeway Project.
07:09Daan na may kasamang tulay.
07:12Ang Causeway may budget na 4.77 billion pesos,
07:172.57 kilometers ang haba
07:19o may katumbas na budget na 1.8 million pesos kada isang metro.
07:25Meron itong 4 lanes kasama na ang bike lanes, sidewalks, drainage canals at wave deflectors.
07:33Itatayo ito sa gitna ng Kang Cabato Bay at kukonekta sa downtown o city proper ng Tacloban City papuntang airport.
07:42Para daw mabawasan yung travel time mula downtown papuntang airport from 40 minutes to 10 minutes.
07:49Shield daw siya para pigilan yung mapanira sa city.
07:52Tapos pangatlo, pandagdag sa tourism daw ng Eastern Visayas.
07:56Nasimulan pa ito taong 2023 at inasahan sanang matatapos 2025 hanggang 2026.
08:04Pero ang proyekto hanggang ngayon, heto, nakatiwangwang.
08:10Nasimulan ang magkabilang dulo pero bungi-bungi pa ang tide embankment at ang ibabaw hindi pa sementado.
08:18May measure namin ito sa satellite, 500 or 600 meters.
08:21Mas maikli yung kabila kasi pakroba siya eh.
08:23Unang nasuspindi ang construction ng Tacloban Causeway taong 2023.
08:28Nag-request yung committee that's responsible for the environment ng mga papeles
08:33approving na tama yung ginawa niyong studies para ma-justify yung construction na ito.
08:37Wala silang maipakita.
08:39At mula nung nadawit si Zaldico at ang SunWest sa flood control scandal,
08:44hindi na ito gumalaw pa.
08:46Nakakagalit. Hindi yan billion eh.
08:48Basura yan eh. Ganyang kamahal tapos ganyan yung efekto sa kalikasan
08:52tsaka sa kabuhayan ng mga tao dito.
08:54Aba, marapi pa sanang pwedeng paglaan ng mas importanteng bagay
08:57para sa mga tao ng Tacloban kesa dito.
09:00Ang Causeway, may hindi rin daw magandang efekto sa kalikasan.
09:06Hindi pa man kasi ito natatapos kung maunti na ang mga nahuhuling isda sa Kang Cabato Bay.
09:12Isa sa mga nawala ng kabuhayan, ang mahigit dalawang dekada ng manging isda si Roque.
09:18Kukunti yung na-harvest kasi namamatay yung ibang bangus dahil sa efekto ng lupa dun sa tubig.
09:25Noong una, maraming isda, malaki ang kita pero lumiit ng lumiit tapos talaga hindi na makakabuhay ng pamilya.
09:31Masakit na masyado. Pinapahirapan ka pa tapos tinatanggal lang pa kayo ng kabuhayan.
09:36Pipigilan niya yung exchange ng nutrients tsaka yung current sa ilalim pag naging stagnant yung Kang Cabato Bay na yan.
09:43Yung ecosystem, talagang masisira siya. Wala nang pangingitlogan yung mga isda doon.
09:47Sa Leyte, kung saan nanalasa ang Super Typhoon Yolanda, November 2013, marami ang namatay dahil sa storm surge o daluyong.
09:58Nasa ibabaw na po tayo ng Tacloban City at nakakaiyak yung mga makikita mo sa baba.
10:09Kaya, kaliwat-kanan din ang mga ipinatayong flood control project sa lugar.
10:15Sa kabuan, 262 lahat.
10:19Sa halagang, 14 billion pesos.
10:23Ilan sa mga ito napunta sa SunWest?
10:26Kabilang na ang Storm Surge Protection o Tide Embankment na ito sa Barangay Santo Niño at Barangay Kabuinan sa Bayan
10:35ng Tanawan.
10:37Idinisen niyo ang proyekto para proteksyonan dapat ang mga barangay sa storm surge.
10:43Pinondohan ng mahigit 1 billion pesos.
10:47May 2023 sinimulan ito at inasahan sanang matatapos July 2025.
10:54Pero nung nag-expire ang kontrata nitong 2025, 60% pa lang ng proyekto ang natapos.
11:02Naiwan din ito ngayong, nakatiwangwang, putol-putol ang ilang bahagi ng embankment.
11:09Hanggang ngayon, hindi na-help sila nagtrabaho.
11:11Naka-abandon.
11:12Siyempre, nakaka-anumural ng mga tao dahil malaking halaga hindi natapos.
11:17May kabarin yung tao kasi nga hindi nga natapos, baka umapo pa yung tubig.
11:21Magpunta talaga ng kalsada.
11:23Sinubukan ang aming team na kuhana ng komento o pahayag ang DPWH Regional tungkol sa mga proyektong ito.
11:31Pero wala pa silang tugon.
11:34Sinubukan din naming makipag-ugnayan sa SunWest Incorporated at sa kampo ni dating congressman ko.
11:40Pero wala pa silang tugon habang ginagawa ang ulat na ito.
11:44My district has zero gross and zero substandard flood control projects.
11:49Zero.
11:50And that is verifiable.
11:53Pero sa pag-iimbestiga ng aming team na pag-alamang dito sa Bayan ng Tanawan na sakop pa rin ang
12:00distrito ni Romwalde,
12:01may isa pang proyekto na ilang buwan pa lang napapakinabangan ang mga residente.
12:07Bumigay na!
12:09Tinungo ng aming team ang proyekto sa Barangay Balod.
12:13At ito ang kanilang nadatnan doon.
12:17Isang malaking uwang dahil ang bahaging ito ng dike bumigay.
12:23Sinimulan daw ang flood control project na ito.
12:26February 2024, habang ginagawa ang dike, may napapansin na raw ang kapitan ng barangay na si Jimmy.
12:34Mayroon bakal pero yung bakal paris lang ang laki.
12:3712mm.
12:38Dapat ipinipison para season.
12:41Tapos di naman nila isinison.
12:42Tapos binuusan nila agad.
12:44Sinabi ko hindi matibay ang pagkagawa ng lupa.
12:47Nobyembre noong taon din yun, nakumpleto ang proyekto.
12:51Pero nito lang inero o labing tatlong buwan mula nung ito'y napakinabangan ng publiko.
12:57Napansin nang may sira na ito.
12:59Sinabihan ko yung purman kung pwede sana, tanggal nila para di rin masyadong masira.
13:03Pag tingin namin may bitak na ito, simento na ito.
13:06Hanggat pinakiramdaman namin, patuloy siyang bumibitak, bumibitak.
13:10Siyempre, nakangamba kami na bahain kami.
13:13Kasi kung tumasang tubig, apiktado naman kami dito sa barangay.
13:17Ang pondo na inilaan sa Flood Control Project, 96.4 million pesos ang kontraktor Aqualine Construction Corporation.
13:27Nakipag-ugnayan ang aming team sa pamunuan ng Aqualine Construction Corporation.
13:32Pero wala silang sagot habang binubuo ang ulat na ito.
13:37Sinubukan ang aming team na kuhana ng komento o pahayag ang DPWH District 1 Engineering Office tungkol sa proyektong ito.
13:46For purpose of clarifying the matter, the collapse of approximately 100 meters of the structure was caused by extraordinary natural
13:54conditions during a recent flooding event.
13:57Usually, ang flood control projects, dinidesign namin yan para tumagal na 20 to 50 years.
14:03Within that period, kahit may mga dumating na malakas na ulan or bagyo, hindi dapat siya masisira unless super extreme
14:11yung event.
14:18Yung kagawa nila ng mga bakal at saka sa ilalim, mas matibay ngayon.
14:23Samantala, tumanggiring magpa-interview si dating House Speaker Romualdez.
14:28Pero sa huling pahayag ng kanyang legal team nito lang biyernes, sumulat ang kampo nito sa Office of the Ombudsman
14:35na ipadisqualify ang investigasyon.
14:38Anya, dapat independent body ang mag-imbestiga dahil may bias di umano ang mga naunang pahayag ni Ombudsman Boying Remulya.
14:47These statements give rise to the reasonable impression that the Honorable Ombudsman has already resolved to prosecute our client.
14:56Sinikap din ang aming team na kuhanan ang panig si Remulya, pero wala siyang tugon.
15:01Ang pagkikipagsabwatan ng isang pribadong kontraktor at mga matataas o kahit hindi mataas na opisyal na gobyerno ay pinagbabawal bilang
15:09isang forma ng korupsyon.
15:10Reklusyon perpetua o 40 years yung pagkakakulong para sa mga krimeng ito.
15:15Nariyan din yung pagbabalik.
15:17Yung sapilit ng pagbabalik o pagbayad, di lamang ng multa, kundi pati yung mga nakuha mula sa pamahalaan.
15:23Wait and see tayo kung saan pupunta itong sinasabi ni Boying Remulya na kakasuhan at huhulihin na yung mga big
15:31fish.
15:32Dahil yung iba kasing mamamayan natin ay medyo cynical at skeptical dito.
15:37Dahil nga dun sa nangyari last year na nag-over-promise at nag-under-deliver.
15:42Pag-araw pa ngayon, tuyo ang lupa at tila pahimik ang mga issue.
15:49Pero kapag dumating na ang mga ulan at muling bumaha, sana hindi malubog ang pananagutan.
16:00Thank you for watching mga kapuso!
16:03Kung nagustuhan niyo po ang videong ito, subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
16:09And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Comments

Recommended