Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 28, 2026


- Halaga ng piso kontra-dolyar, bumagsak sa P64 level | Gulo sa Middle East, paglakas ng dolyar, at mataas na inflation rate, nagpapahina sa piso, ayon sa isang ekonomista | Rekomendasyon ng ekonomista: Suspendihin ang excise tax sa langis | Dating BSP Deputy Gov. Guinigundo: Dapat sikapin ng gobyerno na ibalik ang kumpiyansa ng mga namumuhunan

- Malacañang: "Nagiging masama lang ang insertion kung ang pera ay i-insert sa bulsa ng politiko" | Sen. Pres. Gatchalian: Pag-aaralan ng Senado ang budget insertions

- Water treatment plants ng Maynilad, in-upgrade bilang paghahanda sa Super El Niño

- DOST Sec. Renato Solidum, Jr.: Hindi kailangang mag-hoard ng tubig

- Mga taga-DPWH na dapat sibakin, ibinilin ni Sec. Dizon kay Sec. Lopez | Bagong DPWH Sec. Lopez, nangakong maayos na ipatutupad ang mga proyekto mula sa paghahanda ng budget | Bagong DOTr Sec. Dizon, tututukan daw ang pagsasaayos ng kondisyon ng mga commuter



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:31Sa taon ng pagkakataon ng kasaysayan, bumagsak po sa 64 peso level. Ang halaga ng piso kontra dolyar. Apektado nito
00:39mula sa mga negosyante hanggang sa mga ordinaryong mamimili.
00:43May unang balita si Maab Gonzalez.
00:49Mapag-gasolina, bigas, ultimo isda at gulay iniimport ng Pilipinas.
00:54Kaya mula sa mga importer na nag-aangkat ng raw materials hanggang sa mga ordinaryong mamimili sa palengke, mararamdaman ang
01:01epekto ng panghina ng piso kontra dolyar.
01:03Kahit na wala tayong dolyar, ang binibili naman natin sa merkado, sa groceries, ay karamihan dyan ay imported.
01:12Kaya pagka sumadsad ang piso kontra dolyar, tataas ang presyo ng mga imported na mga produkto na binibili natin sa
01:19groceries.
01:20Nagsara ang palitan sa 64 pesos and 17 centavos kada US dollar. Unang beses na bumagsak sa 64 level ang
01:27piso sa kasaysayan.
01:29Itong trading day nang nagtatala ng sunod-sunod na record low ang piso mula nitong October 19.
01:34Hindi mo kailangan ng dolyar mo ngayon, huwag mong gastusin. Huwag ka rin mo na magpalit.
01:40Dahil ang inaasahan natin, mukhang tataas pa ang halaga ng dolyar.
01:45Isa sa umaaray ang negosyanteng si Anon. Imported kasi ang raw materials para sa ibinibenta niyang pabango.
01:52Ang ginagawa namin is gradual yung pagtaas. Ngayon, nasa around 64 yun, feel namin medyo kailangan na namin.
01:59Kasi medyo mabigat na rin eh.
02:01Ayon sa ekonomistang si Professor Emanuel Leco, pinagsama-samang epekto ng sigalot sa Middle East,
02:07paglakas ng US dollar at mataas na inflation rate sa Pilipinas ang nagpapahina sa piso.
02:13Ng itong Setiembre, pumalo sa 7.2% ang inflation rate dahil sa mas mabilis na pagmahal ng gasto sa
02:19pagkain,
02:20transportasyon at kuryente batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
02:25Isa sa naging tugon dito ng Banko Sentral ng Pilipinas,
02:28ang magtaas ng Target Reverse Repurchase Rate o RRP Rate o yung tinatawag na Key Policy Rate nitong October 22.
02:35Yan ang interest rate ng Banko Sentral.
02:37Kapag humihiram ito sa mga bangko para panatilihing stable ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
02:43Sabi noon ng BSP, inaasahang bibilis pa ang inflation sa mga susunod na buwan at mananatiling mataas hanggang sa 2027.
02:52Dagdag pa dyan ang banta ng El Niño sa agrikultura na posibliling magpamahal sa presyo ng mga produkto.
02:58Ayon kay dating BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo,
03:01maraming umasa na magsistabilize ang exchange rate dahil sa hakbang na ito ng Banko Sentral.
03:06Pero pababa pa rin ang halaga ng piso.
03:09Mahina pa rin yung ating tinatawag na balance of payments at current account.
03:14So kapag mahina ang pasok ng dolyar dito,
03:17ang supply ng dolyar mababa,
03:20kaya maaaring tumaas ang dolyar laban sa piso.
03:24Suwesto ni Professor Leiko sa gobyerno,
03:27suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
03:30Sa ngayon, nakususpendi ang excise tax sa LPG at kerosene,
03:34pero hindi ang sa diesel at gasolina.
03:36Sinubukan na natin ang interest rate, hindi yan umubra.
03:39Dinagdaga natin, sumadsad pa ang piso.
03:43So ano ang natitira na lang?
03:45Yung excise tax, makakatulong yan sa pagbaba ng presyo ng petrolyo
03:53na inaasahan din naman natin na pagka mababa ang presyo ng petrolyo,
03:57yan ay makakatulong na magpababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
04:02Sa bagong pahayag ng BSP,
04:04minomonitor daw nito ang foreign exchange market
04:06at kumikilos para tugunan ang pabago-bagong halaga ng piso
04:09at mapanatili ang stability ng mga presyo ng mga bilihin.
04:13May sapat na dolyar ang BSP para gawin ito.
04:15Sa ngayon, nagbenta na ang Banko Sentral ng dolyar
04:18para dumami ang supply nito sa sirkulasyon.
04:21Ayon kay Gunigundo, makatutulong din ang i-re-remit
04:24ng mga dolyar ng OFWs ngayong Kapaskuhan
04:27para bumalik sa 62 to 63 peso range ang palitan.
04:31Pero may iba pang pwedeng magawa ang gobyerno.
04:33Ang gobyerno naman dapat ay magsumikap namang i-restore
04:38ang confidence ng ating mga mamumuhunan
04:40sa pamamagitan ng pag-re-resolva kagad
04:43ng mga isyo natin sa corruption, sa rule of law.
04:47Hindi natin maitatatwa na pag ang mga tao
04:50ay walang kumpiyansa sa gobyerno,
04:54halimbawa walang kumpiyansa sa ekonomiya,
04:56you cannot prevent them from leaving our domestic capital markets
05:01and in the process,
05:03weaken the Philippine peso against the US dollar.
05:07Ito ang unang balita.
05:08Mav Gonzalez, GMA News.
05:11Tinutunang malakanyang na hindi masama ang insertion
05:14sa panukalang 2027 National Budget
05:16basta't magiging tama ang paggastos
05:19at hindi mapupunta sa bugsa ng mga politiko.
05:23Kahit sino pang congressman niyan,
05:26kung ang pondo na nailaan sa kanyang distrito
05:31ay tama ang paggamit.
05:35Walang ghost projects,
05:36walang substandard na mga materials na ginamit
05:39sa mga proyekto,
05:41nagiging masama lang ang insertion
05:43kung ang pera ay i-insert sa bulsa ng politiko.
05:50Iyon ang masama.
05:54Sinabi ng Palacio,
05:55mataas nilabas ang People's Budget Coalition
05:57ang kanilang pagsusuri
05:59sa versyon ng Kamara
06:00ng General Appropriations Act sa 2027.
06:03Bati sa pagsusuri ang distrito
06:05ni House Majority Leader Sando Marcos
06:07sa Ilocos Norte,
06:08ang may pinakamalaking insertion
06:10para sa DPWH projects.
06:12Nadagdagan din daw ang pondo
06:14ng mga distrito
06:15ni House Speaker Boji D.,
06:16House Appropriations Committee Chairman
06:18Rep. Micaela Swansing
06:20at Batangas 2nd District Rep.
06:23Jervil Ruistro.
06:25Sinisikap pa silang kunan ng pahayag.
06:28Iginit naman ni House Appropriations Panel
06:30Senior Vice Chairperson Albert Garcia
06:32na na-validate ang mga proyektong binanggit
06:34sa panukalang budget.
06:36Sabi naman ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno,
06:38hindi Kongreso ang gumagawa ng budget
06:41kundi mga ahensya ng gobyerno
06:42at nire-review lang nila ito.
06:45Niniyak naman ni Sen. President Sherwin Gatchalya
06:47na pag-aaralan ng Senado
06:49ang insertion sa GAA.
06:53Pag-aaralan namin mabuti
06:55kung yun ay valid at may pangangalangan ba
07:00dahil kasama rin naman sa kanilang responsibilidad
07:03yung mag-amenda, magbago
07:06pero lahat ito dapat may BCC.
07:08Hindi lang pinapalitan ng isang proyekto
07:12nang walang basis.
07:13Context changes everything.
07:16So maganda kung may mga nakikitang mga projects
07:18na mali yung mga coordinates,
07:22maganda ma-identify natin
07:23para ma-check through natin.
07:25Even when the Appropriations Committee
07:27inserts the things there,
07:29they cannot do it without the clearance of the agency.
07:34And then after that, there is even an additional
07:38safeguard that is created by the agencies,
07:40particularly Public Works.
07:44Ipinasilip ng Maynilad
07:46ang ginagawang pagsasayos
07:47at pagpapalakas ng kanilang treatment plant
07:49sa Lamesa Reservo
07:50will ang paghahanda
07:51sa Super El Niño.
07:52Halos 10 billion piso raw
07:54ang ginastos ng Maynilad
07:55para sa upgrade ng kanilang mga planta.
07:57Kabilang dyan ang kanilang
07:58Water Treatment Plant 1
07:59na kayang magproseso ng tubig na may putik.
08:02Pinaigting naman ang Water Recovery Systems
08:05para mapakinabangan ng tubig
08:06mula sa proseso ng paglilinis.
08:08Dahil dito, inaasahang nasa 125
08:10hanggang 170 milyong litro ng tubig
08:14ang matadagdag kada araw.
08:16Ang domestic waste naman
08:17mula sa mga bahay,
08:18kinukuha at pinoproseso
08:20sa kanilang Water Treatment Facilities
08:22para mapakinabangan ulit.
08:24Hinihikayat ng Maynilad
08:25ang publiko na magtipid ng tubig
08:27bilang paghahanda
08:27sa Super El Niño.
08:31Hindi kailangan mag-hoard
08:33o mag-imbak ng sobra-sobrang tubig
08:35sa gitna ng El Niño
08:36ayon sa Department of Science and Technology.
08:38Sinabi yan ni DOS
08:39si Secretary Renato Solidum Jr.
08:42sa isang press conference
08:43sa Angeles, Pampanga.
08:44Sapatan niya ang supply ng tubig
08:46sa mga susunod na buwan.
08:47Sahalip, hinikayat ng Solidum
08:48ang publiko na mag-ipo ng tubig
08:50mula sa ulan
08:51at gamitin nito sa pang-araw-araw
08:53na gawain
08:54gaya ng pagdudilig sa mga halaman
08:56o sa paglilinis.
08:57Sa ganitong paraan,
08:58makakatipid-idaan niya sa tubig.
09:02Formal na nagpalitan
09:03ang pwesto kahapon
09:04si na-Secretary Vince Dizon
09:05at Secretary Giovanni Lopez.
09:08Sa pag-alis ni Dizon
09:09sa Department of Public Works and Highways,
09:12kabilang sa mga dokumentong
09:13iniwan niya kay Lopez,
09:15ang listahan
09:16ng mga dapat daw si Bakin
09:17sa kagawaran.
09:19May unang balita si Ian Cruz.
09:24Sa kanilang palitan ng pwesto,
09:27makapal na mga envelope
09:29na may markang secret
09:30ang itinurn over
09:32ni Outgoing Department of Public Works
09:34and Highways
09:34o DPWH Secretary Vince Dizon
09:36kay incoming Secretary Giovanni Lopez.
09:50Ang laman
09:51ay mga dokumentong may kinalaman
09:53sa mga taga-DPWH
09:54na maaaring si Bakin
09:56ayon kay Dizon.
09:57Pabalik si Dizon
09:58sa pagka-Secretary
09:59ng Department of Transportation
10:01na siyang iiwang pwesto ni Lopez.
10:04Tanggalin mga gato yung mga yan.
10:06Sorry.
10:06Ganun taga-gay.
10:07We have to get rid of the rotten apples
10:09and protect the good ones.
10:10Hindi po magagawa ng kahit
10:12na sinong magaling na kalihim
10:15kung hindi po kasama
10:17ang buong kagawaran.
10:19Ito po ay mas importante
10:22sa mga tao
10:23o sa mga kawani ng kagawaran
10:25na talaga pong matagal na po
10:27nagtrabaho sa DPWH.
10:30Sana po magtulungan tayo
10:33na manumbalik po
10:34yung pagtitiwala
10:36ng taong bayan sa DPWH.
10:39Bago umalis si Dizon sa DPWH
10:41ay may walumpong empleyado nito
10:43ang sinibak na sa pwesto.
10:45Tatlumpot siyam na kaso naman
10:47ang isinampa
10:47kognay ng flood control scam
10:49habang mahigit sandaan
10:51ang inereklamo sa ombudsman
10:53o sa Department of Justice.
10:55Dalawampong kontraktor din
10:56ang blacklisted
10:57habang siyam ang suspended.
11:00Pero tapos na ba tayo?
11:01Hindi pa.
11:01Magayaw pa.
11:02Madami pang dapat panagutin.
11:04Pero tingin ko wag ang makakasabi
11:06na hindi tinupad ng Pangulo
11:07ang kanyang pangako last year
11:09nung sinabi niyang
11:10mahiya naman tayong lahat
11:12sa nangyari.
11:13Maayos na pagkapatupad
11:14ng proyekto
11:15ang ipinakong itutuloy
11:17ng incoming public works secretary
11:19mula pa lang sa paghahanda
11:21ng budget.
11:22Ang mga reforma
11:24ang gagawin lang po natin ngayon
11:27ay araw, araw, araw, araw
11:30na gagawin natin
11:32tama ang proseso.
11:34Reaksyon ng dalawa
11:35sa palitan nila
11:36sa huling dalawampung buwan
11:38sa pwesto
11:39ni Pangulong Bongbong Marcos.
11:41Parang coach eh, di ba?
11:42Alam niya kung
11:43kailan ipapasok yung mga player
11:45kung para saan,
11:46anong role.
11:46Surpresa ako
11:47but I did not ask why.
11:50Samantala,
11:51pinatututukan naman ni Lopez
11:52kay Dizon
11:53ang 2027 budget
11:55ng transportasyon
11:56para umabot sa mga target date
11:58ang mga big ticket projects
12:00kabilang ang MRT 7
12:02at Metro Manila Subway.
12:04Sa pagbabalik ni Secretary
12:06Vince Dizon
12:07sa Department of Transportation,
12:09Isa sa kanyang mga tututukan
12:11ang pagpapabuti ng kondisyon
12:13ng mga commuters
12:14sa mga pampuknikong sasakyan.
12:17Ang sabi sa akin ng Pangulo,
12:20yung hirap ng pagbabiyahe,
12:22pag-commute,
12:23kaya nga ayusin yan.
12:25Ito ang unang balita,
12:26Ian Cruz, GMA News.

Recommended