00:00Pinalawak pa at pinabibilis ng Department of Agriculture ang paghahatid ng murang bigas sa mga Pilipino.
00:07Kabilang na riyan ang 20 bigas, meron na program na umabot na sa higit siyam na raan ang sites
00:13at higit 6 na milyong mga Pilipino ang natulungan.
00:16Si Elijah Canlas sa Sentro ng Balita.
00:22May siyam na miyembro ng pamilya ang ginang na si Marilyn Ordiz.
00:25Araw-araw, masusi ang ginagawang pagbabadget ni Marilyn lalot pa bago-bago ang presyo ng mga bilihin.
00:31Kaya malaking bagay para sa kanya ang nabibiling murang bigas na programa ng gobyerno.
00:37Para sa akin po kasi napakalaking tipid namin kasi sa aming pamilya ay 9 po kami kumakain.
00:44Kaya kung bibili po ako ng aming konsumo sa isang buwan, aabot po ng isang sako mahigit.
00:53Eh ito po, 20 pesos. Talagang sobrang tipid po namin.
00:57Si Socorro Cabelo naman, may isang anak na pinag-aaral.
01:01Bagamat maliit lang ang pamilya, hangad niya ang mabuting kinabukasan para sa kanila, lalo na sa kanyang anak.
01:08Kaya ang natitipid na perang budget sa pagkain, malaking bagay para sa kanila.
01:12Ay, napakalaki. Kasi dibili ka na 60 pesos ng isang kilo sa unkoko pandan.
01:21Ito 20 pesos lang. Malaking kaibahan talaga.
01:25Pwede mo naman dagdagan niya ng mabango para mabango pero okay na rin siya kahit walang haro.
01:30Kapwa-benepisyaryo ng 20 pesos na murang bigas program sila Marilyn at Socorro.
01:35Bawat qualified beneficiary ay pinapayagang bumili ng hanggang 10 kilo ng subsidized rice kada araw.
01:42Patuloy na pinalalawak ng pamahalaan ang programang Benteng Bigas Merona o BBM na para sa pamilyang Pilipino.
01:49Ang nasabing hakbang ay nakabatay sa Global Food Security Index o GFSI para masigurong mura at sapat ang pagkain sa
01:57bansa.
01:58Mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao ay umabot na ang programa at maaari itong mabili sa iba't ibang kadiwa sites sa
02:07bansa.
02:07Binigyang diin ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr. na ang programa ay strategic intervention para sa mga Pilipino.
02:15Umabot na sa 932 sites na Benteng Bigas ang naipatayo ng Department of Agriculture sa buong Pilipinas.
02:23Sa ngayon ay marami na ang napakain ng mura at kalidad na bigas na kung saan mahigit 6.45 milyon
02:30na beneficiaryo ang nabusog nito sa 80 lalawigan.
02:35Paliwanag ng DA, ang kita mula sa benta ay muling ipambibili sa palay para sa isang continuous procurement cycle.
02:43Tinaasan din ang National Food Authority o NFA ang buying price ng palay sa 30 pesos kada kilo para mas
02:50masuportahan ang mga lokal na magsasaka.
02:52Dahil dito ay nagkaroon ng siguradong kita ang mga magsasaka kahit may mga suliranin sa global supply.
02:59Hinimok din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kagawaran para lalong palawakin ang programa at pahabain ang oras ng
03:07pagtitinda.
03:07Para naman maiwasan ang pagdaing sa pila ay nagpatupad din ang kagawaran ng appointment system at online registration sa ilang
03:15malalaking kadiwa sites.
03:16Ipinahayag ni Sekretary Laurel na gagamitin ang 3 billion budget para sa procurement ng mahigit 1.8 million sacks ng
03:25bigas ngayong taon.
03:26Inaasahang mas marami pang lalawigan ang maaabot ng murang bigas sa mga susunod na buwan para sa food security ng
03:33bansa.
03:33Bukas ang kadiwa ng pangulo sites mula lunes hanggang biyernes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
03:40Ito ay kalinsabay sa utos ng pamahalaan na maging abot kaya sa bawat Pilipino ang murang bigas saan mang panig
03:47ng bansa.
03:48Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.