00:00Patuloy na pinalalakas ng Department of Health ang paghahatid ng servisyong pangkalusugan sa mga Pilipino,
00:05linsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mailapit ang dekalidad na servisyong medikal sa bawat komunidad.
00:13Ang detay sa report ni Carlo Candelaria.
00:19Patuloy ang Department of Health o DOH sa pagpapatibay ng mga programa nito sa kalusugan
00:24at pagsisiguro na mararating nito kahit ang mga pinakaliblib na lugar sa Pilipinas.
00:28Sa mga lugar na malayo at mahirap marating, patuloy na pinalalawak ng Department of Health ang akses sa servisyong pangkalusugan
00:35sa pamamagitan ng Doctors to the Barrios program.
00:38Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng doktor ang bawat munisipyo sa bansa,
00:44nagtatalaga ang DOH ng mga doktor sa mga geographically isolated at liblib na lugar.
00:49Isa na rito ang bayan ng Saptang, Batanes, kung saan hindi na kinakailangan tumawid pa ng isla ng mga residente
00:55para makapagpatingin sa doktor.
00:57Tatlong taon nang nagsisilbi sa lugar si Dr. Sam Turingan, isa sa mga Doctors to the Barrios.
01:03Naghahatid siya ng konsultasyon, gamutan at iba pang pangunahing servisyong medikal sa mga isabtang.
01:08Ang pagiging DTTB dito sa isla ay challenging pero at the same time fulfilling.
01:14Iba kasi siya sa typical na setup, kumbaga sa mainland.
01:19Dito kasi kailangan mo maging resourceful sa mga bagay na kung anong meron ka at kung ano ang pwede mong
01:24maiprovide sa patient natin.
01:26Mas napabilis ang pagresponde natin sa emergencies at hindi na kailangan tumawid ng mga isabtang pabasko para makakuha ng servisyong
01:35medikal.
01:35Mas pinalalakas ng Department of Health o DOH ang pagsusulong ng malusog na pamumuhay sa mga paaralan sa pamamagitan ng
01:43Healthy Learning Institutions o HLI program.
01:46Alinsunod ito sa Universal Healthcare Act na nagtatakda sa mga paaralan bilang mahalagang lugar sa pagtataguyod ng kalusugan ng mga
01:53mag-aaral.
01:53Sa pakikipagtulungan ng Department of Education, ipinatutupad ang programa mula pa noong 2022 at umabot na sa 5,502 na
02:02paaralan ang saklaw nito kabilang ang mga nasa malalayo at liblib na lugar.
02:06Layunin ang HLI program na mahikayat ang mga paaralan na magsulong ng mas ligtas, mas malinis at mas malusog na
02:13kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan.
02:18Samantala, pinaiting na ng Department of Health o DOH ang paghahanda para sa Phase 3 ng ligtas-tigdas sa iba't
02:24ibang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Agosto.
02:27Bilang bahagi nito, mahigit 80,000 doses ng bakuna, kontra-tigdas at tigdas-hangin ang ipadadala ngayong Hulyo sa mga
02:33unserved at underserved areas sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Mimaropa.
02:39Gagamitin naman sa paghahatid ng mga bakuna ang makabagong transport carrier ng Philippine Transmarine Carriers na may kakayahang imonitor ang
02:46temperatura ng mga bakuna gamit ang cellphone application.
02:50Ayon sa DOH, makatutulong ito upang matiyak na mananatiling ligtas at efektibo ang mga bakunang maipapamahagi sa mga komunidad at
02:57mas maraming bata ang maprotektahan laban sa tigdas at tigdas-hangin.
03:02Kasabay nito, magsasagawalin ng pag-aaral ang University Research Corporation upang higit pang mapalakas ang cold chain management o ang
03:09tamang pag-iimbak at paghatid ng mga bakuna sa bansa.
03:12Carla Luis Candelaria, Para sa Bayan
Comments