00:00Hindi pa man tapos ang mga pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte,
00:06nakikita na ng ilang mambabatas ng probable cause ang mga reklamo para ma-impeach ang bise.
00:12Balit ang hatid ni Tina Pangaliban Perez.
00:16Sa pagdinig ng House Justice Committee, napuna ang hindi umanong pagkakatugma ng sal ay ni Vice President Sara Duterte
00:24at mga transaksyong dumaan sa kanyang bank accounts.
00:27Bagay na pinalaga ng defense team ng vice-presidente.
00:31Para po sa amin, actually, wala naman pong hindi nagtutugma.
00:35Perhaps it's just the way that things were presented.
00:38Kung accurate ba yung presentation na gano'n.
00:41Ang sabi ng Anti-Money Laundering Council o AMLOC,
00:45mayroong mahigit-anim na raang covered at suspicious transactions
00:49na dumaan sa mga bank account Duterte at kanyang asawang si Atty. Manasa Scarpio
00:54na aabot sa 6.7 billion pesos pero giit ng defense team.
01:00Hindi raw nangangahulog ang may malinang ginawa.
01:03Suspicious transactions does not equate to any wrongdoing or unlawful activity.
01:09Perhaps the bank thought or tagged it as suspicious so umakyat sa AMLOC.
01:17Hindi naman ibig sabihin nun ay iligal na kaagad or may money laundering na kaagad
01:21or may krimen na kaagad.
01:22Umabot daw sa halos 7 milyong piso ang halaga ng mga transaksyon
01:26dahil pinagsama-sama ang halaga ng mga transaksyon
01:29sa loob ng labing walong taon.
01:32Ibig sabihin, lahat ng withdrawals mo, lahat ng deposits mo
01:36pagdating sa inflow and outflow, eh pinagsama-sama.
01:40Kasi aggregate yung ginagawang number.
01:44So lahat ng inflows dyan, lahat ng outflows dyan, ina-add up lang.
01:48Kaya may tendency talaga na maging bloated yung figures.
01:53But it is not determinative or conclusive as to magkano ba talaga yung nasa loob ng account.
01:58Sa isang pahayag, pinuna ni Duterte ang mga opisyal ng AMLOC
02:02dahil hindi raw nila nilinaw na walang findings na mga paglabag sa batas
02:07ang kanyang mga transaksyon at hindi totoong may bilyone sa kanyang mga bank account.
02:13Sabi niya, nakadeklara sa kanyang sal-end ang lahat ng kanyang pera at ari-arian.
02:18Ang bawat sentimo raw ay lehitimo at may kaukulang dokumento.
02:23Binanggit din niya ang inilabas na notice of disallowance ng Commission on Audit
02:28sa confidential funds ng OVP.
02:31Tila itinaon daw ang paglalabas ng report
02:34at naaayon sa mga nararanasan niyang political attack.
02:38Pinababalik ng COA ang 73 million pesos na confidential funds
02:42ng tanggapan ng bise, paglilinaw ng kanyang abogado.
02:46Hindi pa po final yan dahil may remedies pa po ang mga officials ng OVP.
02:52Again, motion for reconsideration within 30 days.
02:56And then, upon denial, kung ano man ang balance nung 30-day period na yun,
03:00ay maaari pa kaming umakyat sa Supreme Court on Rule 64.
03:05At dun lang po sa desisyon ng Supreme Court, magiging final itong disallowance na ito.
03:10Sa testimonya naman ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
03:14na tumanggap umano ang bise at kanyang pamilya ng pera mula sa isa umanong drug lord,
03:21sinabi ng bise na halos isang dekada na raw gumagawa ng kwento si Trillanes
03:25hinggil sa diumanoy bilyones sa kanyang bank accounts.
03:29Wala raw nagbago sa kanyang mga kwento.
03:32Pero ngayon, ibang makinarya na raw ang nasa likod niya.
03:36Ito raw si Pangulong Bongbong Marcos na dapat anya ay magpa-drug test
03:40at ang mga tinawag ng bise na mga lawbender na kongresista
03:45na tumanggap na mga maleta at paulit-ulit anyang binabaliwala ang constitutional limit.
03:51Kung gaana raw katindi ang paninira sa kanya,
03:54ganun din daw katindi ang katahimikan at takot ng administrasyon
03:59na managot sa bilong-bilong pisong ninakaw umano inilagay sa maleta at inilabas ng bansa.
04:06Hinihinga namin ang reaksyon ng mga personalidad at mga tanggapang binanggit ni Duterte.
04:12Ipaniliwanag naman ang kanyang abogado
04:14ang sinabi sa komite na ilang taon umanong hindi nagdeklara ng cash on hand and in bank si Duterte.
04:20She disclosed because it was all lumped under yung others.
04:26Kasi sa personal items, kung makita nyo dun sa SAL-N, nakasulat dun eh, vehicles, others.
04:34So yung cash in bank, kasama siya dun sa others.
04:37I just wanted to clarify kasi baka sabihin parang sinasabi namin mali o sinungaling yung mga house members.
04:45Hindi naman po kasi ang sinasabi naman nila is walang line item ng cash in bank.
04:50Muling iginiit ng defense team ng bise ang kanilang naunang posisyon
04:54na sa tamang forum lang haharap at sasagot si VP at ang kanyang mga abogado.
05:00A mere presentation of supposed evidence before a committee that is not authorized to conduct trial
05:09does not really amount to proof.
05:11Every evidence, whether it's something that you present in an ordinary case or in this case,
05:21in an impeachment proceeding, must still survive scrutiny.
05:25It happens only in a proper trial before a tribunal or a body that has jurisdiction to conduct trial.
05:36Ang pagdinig ng House Committee on Justice, ginagawa raw para alamin kung merong probable cause
05:43para i-impeach si Vice President Duterte.
05:46Na-reach na po ba yung threshold for probable cause sa tingin po ninyo?
05:50This is my take, ha? In my personal capacity, not as Justice Chair, after all, I do not vote.
06:00Tingin ko, baka nga nalampasan pa with the weight of evidence that was presented,
06:07that were presented in yesterday's hearing.
06:09Ang net inflow na duman sa mga account niya, ayon sa AMLA, ay umabot sa 2.87 billion pesos.
06:19Samantalang, ang na-declare niya sa kanyang salen ay 88.5 million pesos lamang.
06:27Napakalaki ng pagkakaiba yung discrepancy ng dalawang halaga na yan.
06:33At either dito sa committee o kaya sa Senado, kung yan ang kagustuhan niya, ay dapat ipaliwanag niya.
06:42Para sa akin, ito ay isang smoking gun na at least insofar as probable cause is concerned, ay andyan na
06:51yan.
06:51May nakita ng probable cause ang ilang miyembro ng House Committee on Justice
06:55para i-impeach si Vice President Sara Duterte kahit hindi pa nabubuksan ang kahong isinumite ng Bureau of Internal Revenue
07:03na naglalaman ng mga income tax returns ng BISE at ng kanyang asawa.
07:09Pagbobotohan pa kung bubuksan ang kahon o hindi sa susunod na hiring.
07:14Ang kahon ng income tax returns ng BISE,
07:16nasa pangangalaga ngayon ng Sekretary ng Kumite.
07:20Tatalakayin din sa susunod na pagdinig ang umunoy banta ni Duterte sa Pangulo, First Lady at dating Speaker.
07:28At inaasahang pagbobotohan na pagkatapos nito kung may probable cause para i-impeach ang BISE.
07:35Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments