Skip to playerSkip to main content
-Defense team ni VPSD, walang nakikitang hindi pagtutugma ng SALN at ng mga transaksyon na dumaan sa bank accounts ng bise/Atty. Poa: Pagkakaroon ng suspicious transactions sa bank account ni VPSD, hindi ibig sabihin na may ilegal o maling ginawa/ Atty. Poa: Hindi pa final ang pagpapabalik ng COA sa P73M confidential funds ng OVP/VPSD, pinalagan ang alegasyon ni dating Sen. Trillanes na tumanggap ang kanyang pamilya ng pera mula sa isa umanong drug lord/Atty. Poa: Cash on hand at in bank ni VP Duterte, nakalista sa "others" ng kanyang SALN/Defense team ni VP Duterte, muling iginiit na haharap sa tamang forum ang bise/Ilang mambabatas, may nakikita nang probable cause sa impeachment complaints laban kay VP Duterte


-INTERVIEW: USEC. CLAIRE CASTRO


-Taxi drivers, pumila sa LTFRB Central Office para sa P5,000 cash aid kahit wala sa listahan; bigayan ng ayuda, magtatagal hanggang bukas/LTFRB: Kulang ang ibinigay na listahan ng mga taxi operator kaya may taxi drivers na wala sa listahan


-Construction worker, patay matapos aksidenteng nahatak papasok ng umaandar na cement mixer


-Rep. Romualdez, nais mag-inhibit ang Office of the Ombudsman sa pag-iimbestiga sa kanya kaugnay sa flood control projects


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi pa man tapos ang mga pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte,
00:06nakikita na ng ilang mambabatas ng probable cause ang mga reklamo para ma-impeach ang bise.
00:12Balit ang hatid ni Tina Pangaliban Perez.
00:16Sa pagdinig ng House Justice Committee, napuna ang hindi umanong pagkakatugma ng sal ay ni Vice President Sara Duterte
00:24at mga transaksyong dumaan sa kanyang bank accounts.
00:27Bagay na pinalaga ng defense team ng vice-presidente.
00:31Para po sa amin, actually, wala naman pong hindi nagtutugma.
00:35Perhaps it's just the way that things were presented.
00:38Kung accurate ba yung presentation na gano'n.
00:41Ang sabi ng Anti-Money Laundering Council o AMLOC,
00:45mayroong mahigit-anim na raang covered at suspicious transactions
00:49na dumaan sa mga bank account Duterte at kanyang asawang si Atty. Manasa Scarpio
00:54na aabot sa 6.7 billion pesos pero giit ng defense team.
01:00Hindi raw nangangahulog ang may malinang ginawa.
01:03Suspicious transactions does not equate to any wrongdoing or unlawful activity.
01:09Perhaps the bank thought or tagged it as suspicious so umakyat sa AMLOC.
01:17Hindi naman ibig sabihin nun ay iligal na kaagad or may money laundering na kaagad
01:21or may krimen na kaagad.
01:22Umabot daw sa halos 7 milyong piso ang halaga ng mga transaksyon
01:26dahil pinagsama-sama ang halaga ng mga transaksyon
01:29sa loob ng labing walong taon.
01:32Ibig sabihin, lahat ng withdrawals mo, lahat ng deposits mo
01:36pagdating sa inflow and outflow, eh pinagsama-sama.
01:40Kasi aggregate yung ginagawang number.
01:44So lahat ng inflows dyan, lahat ng outflows dyan, ina-add up lang.
01:48Kaya may tendency talaga na maging bloated yung figures.
01:53But it is not determinative or conclusive as to magkano ba talaga yung nasa loob ng account.
01:58Sa isang pahayag, pinuna ni Duterte ang mga opisyal ng AMLOC
02:02dahil hindi raw nila nilinaw na walang findings na mga paglabag sa batas
02:07ang kanyang mga transaksyon at hindi totoong may bilyone sa kanyang mga bank account.
02:13Sabi niya, nakadeklara sa kanyang sal-end ang lahat ng kanyang pera at ari-arian.
02:18Ang bawat sentimo raw ay lehitimo at may kaukulang dokumento.
02:23Binanggit din niya ang inilabas na notice of disallowance ng Commission on Audit
02:28sa confidential funds ng OVP.
02:31Tila itinaon daw ang paglalabas ng report
02:34at naaayon sa mga nararanasan niyang political attack.
02:38Pinababalik ng COA ang 73 million pesos na confidential funds
02:42ng tanggapan ng bise, paglilinaw ng kanyang abogado.
02:46Hindi pa po final yan dahil may remedies pa po ang mga officials ng OVP.
02:52Again, motion for reconsideration within 30 days.
02:56And then, upon denial, kung ano man ang balance nung 30-day period na yun,
03:00ay maaari pa kaming umakyat sa Supreme Court on Rule 64.
03:05At dun lang po sa desisyon ng Supreme Court, magiging final itong disallowance na ito.
03:10Sa testimonya naman ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
03:14na tumanggap umano ang bise at kanyang pamilya ng pera mula sa isa umanong drug lord,
03:21sinabi ng bise na halos isang dekada na raw gumagawa ng kwento si Trillanes
03:25hinggil sa diumanoy bilyones sa kanyang bank accounts.
03:29Wala raw nagbago sa kanyang mga kwento.
03:32Pero ngayon, ibang makinarya na raw ang nasa likod niya.
03:36Ito raw si Pangulong Bongbong Marcos na dapat anya ay magpa-drug test
03:40at ang mga tinawag ng bise na mga lawbender na kongresista
03:45na tumanggap na mga maleta at paulit-ulit anyang binabaliwala ang constitutional limit.
03:51Kung gaana raw katindi ang paninira sa kanya,
03:54ganun din daw katindi ang katahimikan at takot ng administrasyon
03:59na managot sa bilong-bilong pisong ninakaw umano inilagay sa maleta at inilabas ng bansa.
04:06Hinihinga namin ang reaksyon ng mga personalidad at mga tanggapang binanggit ni Duterte.
04:12Ipaniliwanag naman ang kanyang abogado
04:14ang sinabi sa komite na ilang taon umanong hindi nagdeklara ng cash on hand and in bank si Duterte.
04:20She disclosed because it was all lumped under yung others.
04:26Kasi sa personal items, kung makita nyo dun sa SAL-N, nakasulat dun eh, vehicles, others.
04:34So yung cash in bank, kasama siya dun sa others.
04:37I just wanted to clarify kasi baka sabihin parang sinasabi namin mali o sinungaling yung mga house members.
04:45Hindi naman po kasi ang sinasabi naman nila is walang line item ng cash in bank.
04:50Muling iginiit ng defense team ng bise ang kanilang naunang posisyon
04:54na sa tamang forum lang haharap at sasagot si VP at ang kanyang mga abogado.
05:00A mere presentation of supposed evidence before a committee that is not authorized to conduct trial
05:09does not really amount to proof.
05:11Every evidence, whether it's something that you present in an ordinary case or in this case,
05:21in an impeachment proceeding, must still survive scrutiny.
05:25It happens only in a proper trial before a tribunal or a body that has jurisdiction to conduct trial.
05:36Ang pagdinig ng House Committee on Justice, ginagawa raw para alamin kung merong probable cause
05:43para i-impeach si Vice President Duterte.
05:46Na-reach na po ba yung threshold for probable cause sa tingin po ninyo?
05:50This is my take, ha? In my personal capacity, not as Justice Chair, after all, I do not vote.
06:00Tingin ko, baka nga nalampasan pa with the weight of evidence that was presented,
06:07that were presented in yesterday's hearing.
06:09Ang net inflow na duman sa mga account niya, ayon sa AMLA, ay umabot sa 2.87 billion pesos.
06:19Samantalang, ang na-declare niya sa kanyang salen ay 88.5 million pesos lamang.
06:27Napakalaki ng pagkakaiba yung discrepancy ng dalawang halaga na yan.
06:33At either dito sa committee o kaya sa Senado, kung yan ang kagustuhan niya, ay dapat ipaliwanag niya.
06:42Para sa akin, ito ay isang smoking gun na at least insofar as probable cause is concerned, ay andyan na
06:51yan.
06:51May nakita ng probable cause ang ilang miyembro ng House Committee on Justice
06:55para i-impeach si Vice President Sara Duterte kahit hindi pa nabubuksan ang kahong isinumite ng Bureau of Internal Revenue
07:03na naglalaman ng mga income tax returns ng BISE at ng kanyang asawa.
07:09Pagbobotohan pa kung bubuksan ang kahon o hindi sa susunod na hiring.
07:14Ang kahon ng income tax returns ng BISE,
07:16nasa pangangalaga ngayon ng Sekretary ng Kumite.
07:20Tatalakayin din sa susunod na pagdinig ang umunoy banta ni Duterte sa Pangulo, First Lady at dating Speaker.
07:28At inaasahang pagbobotohan na pagkatapos nito kung may probable cause para i-impeach ang BISE.
07:35Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
07:40Sa puntong ito, makakausap po natin si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
07:45kaugday po sa ilang maiinit na issue.
07:47Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali, Ma'am.
07:52Yes, magandang tanghali, Connie, at sa lahat na nakikinig sa inyong programa.
07:56Yusek, ano ho ang reaksyon mismo ng Pangulo sa utos ng Korte Suprema
08:00na magkomento po siya tungkol sa petisyong magpa-medical exam,
08:05physical exam at mag-hair follicle drug test din siya?
08:10Magkokomento pa lang naman ito, diba, Connie?
08:12Yes.
08:12So, ang Pangulo naman at ang adnisasyon ng Pangulo Marcos Jr. ay gumagalang sa Korte Suprema.
08:19So, kung anong pag-uutos, yun naman ay gagawin.
08:22Nagkokomply.
08:23Okay. At sakali ho, gaano kahanda nga ho ba ang Pangulo?
08:27Just in case na sumalang po sa ganitong examination,
08:30okay ho siya? Wala namang anything po na nasabi po sa inyong direktiba?
08:35Magkokomento muna kami.
08:37Alright. Sa ibang usapin naman po, sabi po ni VP Sara Duterte,
08:40last minute ho daw yung pag-aproba ng Office of the President sa kanyang travel request.
08:45Sabi niya ho, nangyari na noon na one day before ng biyahe na ilalabas po ang travel authority.
08:51Nagkaroon ho ba ng delay sa pag-aproba sa request po ng visa?
08:54Hindi po. Madalas naman po na one day before her trip ay ibinibigay yung travel authority.
09:02At wala pa sa pagkakataon na siya ay tinanggihang mabigyan ng travel authority.
09:08At kung nagmamadali po pala ang Vice Presidente, sana mas maagad din siya na nag-request ng travel authority.
09:17At at the same time, may nakita po kasi tayo doon na parang may binago siyang date
09:22ng pag-alis or meron siyang pinahabaan yung kanyang pag-alis or pag-ababakasyon.
09:31Kaya itong April 22 na naibigay sa kanya, nag-supersedes lang sa nauna na travel authority.
09:38So, siguro kung nagmamadali po siya, ang Vice Presidente,
09:42siguro a month before, paggawa na siya po ng request para wala siyang sinisise.
09:47Sabi pa rin ho ng visa, confidential daw sana dapat yung pag-handle po sa ganitong dokumento
09:52para sa kanyang seguridad. Meron ho kayong komento dyan?
09:56Hindi naman pang-aari maging lihim ang mga bagay-bagay na akin na papalooban
10:02ng Vice Presidente. Unang-unang, Vice Presidente siya.
10:05Pangalawa, may dinadala naman siya ng security at mga OVP personnel.
10:09So, lahat naman po yung public officials.
10:11At ito po ay binabayaran. Paggasos po ng security at ng OVP personnel,
10:18ay sagot po ito ng gobyerno.
10:19So, unang-una po, titignan po kung may religion of duty po ba.
10:24Pangalawa, siyempre, public of public interest ang mga ginagawa ng Vice Presidente.
10:31So, hindi po ito malilihin.
10:32I see. Okay. Ano naman po yung reaksyon ng Pangulo sa nagiging takbo po ng impeachment complaints hearing sa Kamara
10:38laban po sa vice?
10:40Ang Pangulo naman po ay alam po niya kung ano ang trabaho ng Kongreso.
10:45At alam niya po na may separation of powers.
10:49At ang tangi lamang din po gusto ng administration na ito ay managot.
10:53Ang lahat na dapat na managot.
10:55Hindi lamang sa flood control projects, hindi lamang dito sa impeachment.
10:58Sa lahat na mga maaaring anomalya na nangyayari sa administration na yun,
11:02ay dapat po na managot.
11:04Yan po ang gusto ng Pangulo.
11:05Sinabi rin po ng visa na nasa likod ngayon ni dating Sen. Antonio Trinanis IV
11:09yung makinary po ni Pangulong Bongbong Marcos.
11:12Ano naman po ang reaksyon dyan ng Malacanang?
11:15Yan po ang pagbibintang.
11:16Muli, tama po ba ako pagbibintang ni Vice Presidente?
11:19Yes po, yan po yung napanggit niya sa kanyang pahayag din.
11:22Wala naman po tayo maaasahang magandang salita na manggagaling sa Vice Presidente
11:27patungkol sa ating Pangulo.
11:28Lahat na lang ng kasalanan sa mundo ay isisisin niya sa Pangulo.
11:31Pati yung mga EJK na ginawa ng kanyang ama D. Umano
11:36ay sinisisin niya pa rin sa Pangulo.
11:38Ngayari sa kanila, ang sinisisin niya po ay ang Pangulo.
11:41At yan po naman ay wala pong kinalaman kung
11:43kung ang transaksyon po na ito ay dati pa siyang mayor,
11:47dati siyang vice mayor,
11:49wala pa po sa posisyon bilang Presidente si Pangulo Marcos Jr.
11:52So, yung mga transaksyon na umikot at naipakita po ng amlak na bilyong-bilyong piso,
11:59hindi naman po kasama ang Pangulo sa transaksyon kanyang pinaopalooban.
12:04So, paano magiging kasalanan ng Pangulo ito?
12:07Okay.
12:08Ito po, follow-up lamang din po doon sa pagbubukas naman.
12:11Ito po ang box po ng tax records po ng Vice Presidente at ng kanyang asawa.
12:16Ang sabi po ni dating BIR Commissioner Kiminares,
12:19maaari daw mag-request ang BIR Commissioner ngayon sa Pangulong Bongbong Marcos
12:24na mapirmahan ito para mabuksan.
12:27Willing ho ba ang Pangulo kung sakali ho na i-request ito ng BIR na pirmahan
12:32para ho mabuksan na itong kanyang tax records po ng Vice?
12:39Sa ngayon po, Ma'am Connie, wala pa pong na ibibigay sa ating anumang komento patungkol po dyan.
12:45Okay.
12:46Ipaparating po natin sa Pangulo.
12:48Mapunta naman po tayo sa naging pahayag naman.
12:50I dating Speaker Martin Romualdez, ano ang sabi po niya naman
12:53na kabilang ang hekotibo sa mga kumikiros para sa national budget.
12:57Ano ho ang tugon nyo dyan?
13:00Of course, nanggagaling po ang NEP mula sa Executive.
13:05At yun po ang nasa batas.
13:07So wala naman pong question doon.
13:09So do you agree na sa sinabi rin ho ni Congressman Romualdez yung katagang command responsibility dapat yan ng Executive
13:16Department pagdating po sa implementasyon ng flood control projects?
13:21Okay.
13:23Ang pag-i-implement po kasi talaga ng flood control projects ay nagbumula po sa DPWH.
13:27Siyad na naman po talaga may mandato dito.
13:30At kung sinasabi niya na people implementing on the ground, ay masasabi po natin na talagang DPWH.
13:36Kaya nga po nung may nakita ang Pangulo at mayroon siya naramdamang may anomalya, hindi po ba pinasimulan po niya
13:43ang pag-iimbestiga?
13:44So yan po ang trabaho ng Pangulo.
13:48Hindi lamang po mag-govern, kundi talaga linisin ang mga maaaring anomalya sa administrasyon niya.
13:55At yan po ang ginawa ng Pangulo.
13:57Hindi po siya nagpatumpik-tumpik na pa-imbestigahan ang dapat na pa-imbestigahan bilang Pangulo.
14:02Yan po ang kanya mandato.
14:03Ang isa po sa sinasabi kasi kung may nakita pala, dapat hindi po pinirmahan ng Pangulo.
14:09Kung may nakitang ano po?
14:11Kung may mga nakitang irregularidad po, bakit po pinirmahan pa itong Pangulo?
14:16Ito po nga budget dyan.
14:18Hindi naman po agad makikita kung may anomalya eh ang budget.
14:22Makikita lamang po yan kung hindi ginamit na tama yung pondo.
14:27So itong mga proposals na ito, na mga congressmen, nagkaroon ng amendments, na hindi naman po mali, if ever, nagagamitin
14:37sa tama.
14:38Hindi po yan makikita agad ng Pangulo.
14:39Makikita na lamang yan kung may anomalya dahil naging ghost projects na.
14:43Kaya doon magpapaimbestiga.
14:45Kung nagkaroon ng ghost projects, hindi ginamit ang tamang pondo, doon dapat magpaimbestiga ang Pangulo.
14:50May impormasyon ba kayo kung nagkausap na rin ang Pangulo at ang kanyang pinsa na si Congressman Romualdez kamakailan?
14:57Wala po eh. Personally, ako wala po talaga.
14:59Ako nakikita kung nag-uusap sila.
15:00Pero sa aking pagkakaalam ay wala po talaga.
15:03Okay. Ekaugnay naman sa response ng gobyerno sa energy crisis ngayon.
15:07Bukod po sa tulong sa mga PUV driver, may inihahanda rin hong tulong ba ng ayuda ang gobyerno, lalo na
15:14doon sa mga negosyante?
15:15At manggagawa na rin, naramdam na rin yung effect, syempre itong mahal na langis.
15:19Ang gusto naman po ng Pangulo ay balanse ang pagpapatupad ng anumang programa sa lahat ng stakeholders.
15:27Pero ang inunan po talaga ng Pangulo sa ngayon ay ang mga chuper, operator na talaga pong direct na hit
15:36ng pagtaas ng presyo ng krudo.
15:41At unti-unti po, meron na po tayong mga programa sa SSS, GSIS, sa pag-ibig, at pati po ang
15:47DOH para po maagapayan ang ating mga kababayan.
15:50Pati mga OFWs. Marami po. Marami po programa.
15:54Hindi lamang po ito para sa transport sector.
15:56Marami naman po. Pati sa magsasaka at sa mga isda, ay maraming proyekto po at programang Pangulo.
16:01Okay. Ito nga pong energy crisis na ito, laging usapin po yung budget para sa short-term, long-term solution.
16:07Yung pong naitatag pong Maharlika Wealth Fund, hindi po ba kaya daw makakatulong yun ngayon, lalong-lalong na sa pangangailangan
16:13po ng mga kababayan natin?
16:15Hindi po pa ako na-update patungkol po sa Maharlika Wealth Fund.
16:20Hindi pa paalam ko po dahil hindi pa po sa atin ito na-i-issue ngayon.
16:24Alright. Marami pong salamat sa inyo pong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Halimam.
16:29Marami salamat sa iyo, Connie.
16:30Yan po naman, si Palace Press Officer Yusek Claire Castro.
16:34Susubukan po nating hinga ng reaksyon si Vice President Sara Duterte, kaugnay sa mga pahayag ni Yusek Castro.
16:43Nagsimula na ang pamimigay ng 5,000 pesos na ayuda para sa mga taxi driver.
16:47May ulat on the spot si Oscar Oida.
16:53Yes, Connie, ongoing nga ngayon ang payout para sa mga taxi drivers dito sa may LTFRB Central Office dito sa
17:02may East Avenue.
17:04Sa mga sandaling ito, bukod sa mga nasa listahan, yung sinasabi na sa master list, ay in-accommodate na rin
17:11yung mga wala sa master list.
17:13Kaya naman, maraming drivers na nandito ngayon.
17:16Yung mga nasa listahan ang binibigyan ngayon dito sa may LTFRB, habang yung wala naman sa listahan ay pumipila ngayon
17:23dito sa may LTO.
17:25Magtatagal ito hanggang Sabado o bukas.
17:27Marami sa mga taxi drivers dito, dito na nagpalipas ng magdamag.
17:31Pero marami pa rin daw sa kanila ang wala pa rin sa inilabas na listahan para sa payout.
17:38Bit-bit ngayon nila ang mga dokumento na kailangan para sa verification at pag-claim ng ayuda.
17:43Nang tanungin kung bakit kulang-kulang ang listahan, ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza, kulang kasi ang listahang ibinigay sa
17:51kanila ng mga operators.
17:53Pagtitiyak naman ni DOTR Sekretary Giovanni Banoy Lopez, mabibigyan ang lahat ng naririto basta't mapapatunayan na sila ay mga lehitimong
18:03taxi drivers.
18:05Sa mga sandaling ito, ay umabot na nga dito sa labas ng tanggapan ng LTO, yung listahan ng mga taxi
18:11drivers na umaasang makakuha ng payout o ayuda,
18:15bagamat hindi naman ito nakaka-apekto sa daloy ng trafico sa mga sandaling ito.
18:20Connie?
18:21Maraming salamat, Oscar Oida.
18:24Ito ang GMA Regional TV News.
18:30Nasawi ang isang construction worker sa Bindoy Negros Oriental matapos siyang aksidenteng mahatak papasok na isang umaandar na cement mixer.
18:38Base sa investigasyon, may tinitingnan sa loob ng cement mixer ang 31 anos na construction worker
18:44nang mahagit ng umaandar na makina ang kanyang damit.
18:48Nahirapan ang rescuer sa pagkuha sa kanyang katawan.
18:51Dinala siya sa ospital pero namatay rin kalaunan.
18:54Patuloy ang investigasyon kabilang ang pag-alam kung may nangyaring foul play.
18:59Wala pang pahayag ang construction company na may proyekto sa lugar.
19:08Mainit na balita, hiniling ng kampo ni dating Speaker Martin Romualdez na mag-inhibit ang Office of the Ombudsman
19:14sa investigasyon nito sa kanya kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
19:17Sa pahayag ng kampo ni Romualdez, posibli raw nabahiran na ng pattern of prejudgment ang investigasyon na labag sa due
19:24process.
19:26Sa liham na ipinadala nila sa Office of the Ombudsman,
19:28sinabing ang mga pahayag sa publiko ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia at kanilang mga opisyal
19:33ay tila nagpapakita ng anilay prosecution for plunder laban sa kanilang kliyente kahit wala pang formal complaint o preliminary investigation.
19:41Sa kabuuan, ang mga naging pahayag ay gumawa raw ng impression na anumang investigasyon ay isang mere formality
19:48para mabigyang katwiran ang isang anilay preset outcome.
19:52Kaya hiling nila, mag-inhibit ang Ombudsman mula sa kaso at isang neutral independent body ang humawak nito.
19:59Wala pang komento rito ang Ombudsman.
Comments

Recommended