00:00Matapos ang mahigit isang taon mula noong siya'y maaresto sa Pilipinas,
00:04nakatakda na ngang litisi ng kasong Crimes Against Humanity
00:07ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
00:11Yan ay matapos kung pirmahin ng ICC ang lahat ng charges laban kay Duterte.
00:15Ang tanong ngayon, ano ba ang mga mangyayari sa trial stage ng kaso?
00:19Ayon sa ICC, tulad noong pre-trial, tatlo rin ang magiging hukom sa trial stage.
00:24Pero hindi na pwedeng kunin ang pre-trial judges para umupo bilang hukom sa trial chamber.
00:30Hindi pa tukoy kung sino ang magiging hukom sa trial chamber ng kaso laban sa dating Pangulo.
00:36Ang trial chamber ang magiging responsable sa mga pagsasagawa ng status conferences
00:40o ang pagpupulong kasama ang counsel o abogado ng parehong panig.
00:44Pagkonsulta sa bawat partido para sa pagtatakda ng pecha kung kailan sisimulan ng paglilitis
00:49at pagpapatupad sa mga pamamaraan para matiyak na magiging patas at mabilis ang proceedings.
00:55Ang trial chamber din ang magdidesisyon sa iba't ibang preliminary issue
00:59kabilang ang paraan ng paglalabas ng mga ebidensya.
01:02Sa ilalim ng Article 63 ng Rome Statute, kinakailangang dumalo sa mga pagdinig si dating Pangulong Duterte.
01:08Depende na sa desisyon ng mga hukom kung face-to-face ito o sa pamamagitan ng video conferencing.
01:14Bilang isang ICC suspect, kabiglang sa mga karapatan ni Duterte ang gamitin sa pagdinig
01:19ang linggoeng kaya niyang intindihin at salitain.
01:23Magpresenta ng ebidensya at magpatawag ng testigo.
01:27Magkaroon ng sapat na oras para paghandaan ng kanyang depensa.
01:31Pwede rin siyang manatiling tahimik at hindi rin siya pwedeng piliti na magbigay ng testimonya.
01:37Ang kasong Crimes Against Humanity ni Duterte sa ICC ay nagugat sa mga nangyaring pagpatay sa Davao City
01:42noong siya alkalde roon hanggang sa kanyang gyera kontra droga noong presidente na
01:47mula November 2011 hanggang March 2019.
01:50Hindi pa tiyak kung kailan magsisimula ang trial proper
01:53pero ayon kay ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti,
01:57posibleng simulan nito pagkalipas pa ng walong buwan hanggang isang taon.
Comments