Skip to playerSkip to main content
  • 8 hours ago
Alam mo bang kasabay ng paglobo ng presyo ng produktong petrolyo, tumataas din ang kita ng gobyerno mula sa dagdag na koleksyon sa Value Added Tax o VAT.

Magkano nga ba ang kinita ng pamahaalaan mula nang sumipa ang fuel prices dahil sa krisis sa Middle East? Sapat ba ito para mabawi ang nawalang kita nila mula sa suspensyon ng excise tax ng kerosene at LPG?

Alamin sa video.
Transcript
00:00Tuwing tumataas ang presyo ng mga bilihin, nadaragdagan din ang kinikita ng gobyerno mula sa Value Added Tax o VAT.
00:09Pero ang dagdag na kita sa VAT, sapat ba para mapunan ang mawawalang koleksyon ng gobyerno mula sa Excise Tax
00:17Suspension sa LPG at Kerosene?
00:20Ang VAT ay isang uri ng buwis na ang halaga ay katumbas ng 12% ng presyo ng isang produkto
00:27o serbisyo.
00:28In short, sabay ang paglobo ng presyo ng bilihin at ng VAT.
00:34Suriin natin ang VAT sa petrolyo bago at pagkatapos ng krisis sa Middle East.
00:40Batay sa nakalap na datos ng GMA News Research mula sa Department of Energy,
00:45kaugnay sa lingguhang presyo ng produktong petrolyo sa Metro Manila,
00:49lumalabas na mula January 6 hanggang February 24 o bago ang krisis sa Middle East,
00:56ang common price ng gasolina ay nasa P54 to P57 pesos per liter.
01:02Ang VAT ay pumapalo sa P6 pesos hanggang halos P7 pesos kada litro.
01:08Pero pagdating ng March 3 hanggang April 14,
01:11nasa halos P57 pesos hanggang halos P96 pesos per liter na ang presyo ng gasolina.
01:18At ang VAT ay naging halos P7 pesos hanggang mahigit P11 pesos kada litro.
01:26Sa diesel naman, nasa mahigit P51 pesos hanggang halos P61 pesos per liter
01:32ang common price bago ang krisis at P6 to P7 pesos ang VAT kada litro.
01:38Pero matapos sumiklab ang kaguluhan sa Middle East,
01:42naging mahigit P60 pesos hanggang mahigit P153 pesos per liter ang common price
01:48at sumipa sa mahigit P7 pesos hanggang mahigit P18 pesos ang VAT.
01:55Ayon sa Department of Finance,
01:57dahil sa taas presyo ng produktong petrolyo,
02:00umabot sa P13 billion pesos ang dagdag nakita ng pamahalaan mula sa VAT.
02:05Dito raw babawiin ang revenue loss ng gobyerno
02:08mula sa tatlong buwang pagsususpindi ng excise tax sa kerosene at LPG ngayong may krisis.
02:15Ang excise tax ay isa ring buwis na ipinapataw sa mga produkto,
02:19pero ito ay fixed.
02:21Sa train law nakatakda ang excise tax ng mga produkto.
02:25Nitong April 13,
02:26sinuspindi ni Pangulong Bongbong Marcos ang excise tax sa kerosene at LPG
02:31matapos ang sunod-sunod na mega oil price hike.
02:35Tinatayang na sa mahigit P4 billion pesos ang mawawala sa kita ng gobyerno
02:40dahil sa suspension na ito natatagal ng tatlong buwan.
02:44Kung susuriin,
02:46mas malaki pa rin ang kikitain ng pamahalaan
02:48mula sa dagdag koleksyon sa VAT
02:50kumpara sa mawawala
02:52dahil sa excise tax suspension.
02:55Pero ibang usapin na raw yan
02:57kung pati ang excise tax ng diesel at gasolina
02:59ay sususpindihin.
03:01Kung sakali,
03:03aabot kasi sa mahigit P43 billion pesos
03:06ang mawawala sa kita ng gobyerno
03:08sa loob ng tatlong buwan.
03:10If you consider
03:12full suspension of diesel and gasoline,
03:15if you include it,
03:16again, the total losses will be P43.6 billion.
03:19And your additional VAT collection
03:22will be around P13 to P14 billion.
03:24And hence,
03:25there's a net negative revenue loss
03:26of around P30 billion.
03:27Kaya kahit may mga panawagan
03:30ng iba't ibang grupo
03:31na suspindihin na rin
03:32ang excise tax sa diesel at gasolina,
03:35tila may agam-agam ang gobyerno,
03:37bagaman sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos
03:39na patuloy nilang pag-aaralan ito.
Comments

Recommended